"Berna..." Sabay katok sa pintuan nang ama ng dalagang si Bernadette.
"Dad... Not now please," Pahayag nang dalaga sa gitna ng kaniyang pagtangis.
"But how will we spruce this mess if you keep distancing yourself to us," Pahayag nang ama ngunit hindi pa din binubuksan nang dalaga ang kaniyang pintuan.
"Because that's the only way I know! Just go away! Leave me alone! Hayaan niyo muna akong mapag-isa! I don't need someone else right now!" Pagtataboy nang dalagang si Berna sa kaniyang ama. Narinig nang dalaga ang yabag nang paa papalayo sa kuwarto ng dalaga.
"DAMN YOU DADDY! DAMN YOU!" Sabay bato ni Berna ng kaniyang lampshade sa tapat ng kaniyang pintuan. Ngayon ay napakadilim na ng buong kuwarto ni Berna tanging liwanag ng buwan na lamang nagsisilbi niyang ilaw sa madilim at malaki niyang kuwarto.
Nagtalukbong nang kumot si Bernadette hindi alintana ang kaniyang lampshade na binasag sa tapat ng kaniyang pintuan. Walang kahit anong ingay ang maririnig sa kaniyang kuwarto maliban sa mataimtim niyang pag-hikbi. Padaskol niyang pinunasan ang mga luhang lumalabas sa kaniyang mga mata. Natigilan sa pag-hikbi ang dalaga ng maramdaman niya ang pag-sikdo nang kaniyang phone. Sa pagbukas niya, isang lalaki ang hindi niya inaasahang tumatawag sa kaniya. Ito ay si Paulo.
"What do you want?" Galit na tanong nang dalagang si Berna kay Paulo.
"Galit ka kaagad ei..." Iyon ang unang pahayag nang binatang si Paulo.
"By the way kaya ako tumawag kasi para kamustahin ka. So how are you right now?" Hindi man nakita ni Paulo pero umirap si Bernadette sa hangin.
"Hindi ko kinakailangan ang pangangamusta mo ulol!" Sabay end call nang dalagang si Bernadette.
Hindi man nakalilipas ang minuto ay muli na naman tumawag si Paulo. Hindi niya ito sinagot nang ilang beses pero dahil sa kulit nito ay napabuntong hininga na lamang siya at sinagot na ito sa wakas.
"Baby Berna huwag naman ibaba kaagad yung tawag ko. Ito naman porke miss na miss lang kita ginaganyan mo na ako. You are such a bad girl. You hurt your baby's heart," Bigong pahayag nang binata sa telepono.
"Baby your face! Ano ba kasing kailangan mong animal ka?!" Galit na sigaw nang dalagang si Berna. Hindi kaagad nakasagot ang binata dahil natawa ito dahil sa inasta nang dalaga.
"Ito naman tumawag lang may kailangan kaagad. Hindi ba puwedeng na-miss lang kita kaya kita tinawagan..." Hindi alam ni Berna pero na-miss niya din si Paulo.
"By the way naririto ako sa tapat ng bahay niyo. Kung matutulog ka na bukas na kita haharutin pero kung hindi pa babain mo ako at mag-usap tayo," Kaagad na tumayo si Berna mula sa kaniyang higaan. Tinungo ang kaniyang bintana at sinipat kung totoo nga ang sinasabi ni Paulo. Nanlaki ang mga mata niya ng mapagtanto niyang hindi nga nagbibiro ang binata. Nakita siya ni Paulo kaya kaagad siya nitong kinawayan sabay flying kiss pa.
"Okay I'll change my clothes then," Pahayag nang dalaga sabay end call niya sa tawag nang binata.
Mabilis na nakapagbihis ang dalaga. Nang natapos na siyang magbihis ay nagdadalawang isip siya kung saan siya dadaan papalabas nang kanilang bahay. Sinilip ni Bernadette ang sala walang ilaw na nakabukas tanging galing sa tv lamang ang ilaw ang kaniyang nakikita ngunit naroroon ang kaniyang ina, ama at limang taong gulang niyang kapatid. Busy sila sa panunuod nang isang nakatatakot na palabas. Dahan-dahan at walang ingay na bumaba si Bernadette tila isa siyang magnanakaw dahil sa kaniyang kilos.
"WAAAAAAAAAAH!" Sigaw nang kaniyang limang taong kapatid dahil sa gulat nito maski din siya ay nagulat.
Matagumpay na nakalabas nang bahay si Bernadette kaagad siyang niyakap ni Paulo at hinalikan sa noo. Hindi inaasahan iyon ni Bernadette kaya hindi niya nakuhang yumakap pabalik din kay Paulo.
BINABASA MO ANG
Do You Know Anna?
Gizem / Gerilim"A murderer who killed a lot of murderers." - SEA_GM DONT READ THIS IF YOU ARE AFRAID OF THE DARK.
