“Sir...” Tawag nang dalagang si Euriale sa kaniyang guro na si Ruru.
“What do you need?” Masungit na tanong ng guro sa kaniyang estudyante.
“Uhm...” Pabitin nang dalaga sabay kagat sa kaniyang ibabang labi.
“I don’t have much time Euriale so please be quick. Ano bang sasabihin mo?” Bahagyang tumaas ang tono ng pananalita nang binatang guro na si Ruru.
“Ibabalita ko lang po sana na...” Muli na naman siyang nag-pabitin nang kaniyang pagsasalaysay sa kaniyang guro.
“You may leave Miss Euriale. You’re wasting the half of my time. Go! Leave!” Asik nang binatang guro sa kaniyang estudyante.
“Patay na po yung dalawang teacher sa grade 10 po. Yung isa po babae po siya at nag-tuturo po siya ng science habang yung isa naman po ay lalaki at nag-tuturo naman po ng mathematics,” Nanlaki ang dalawang pares ng mata ni Ruru sa ibinalita nang kaniyang estudyante. Napatayo siya sa kaniyang kinauupuan at lumapit kay Euriale.
“Pinatay mo sila?” Biglang tanong niya kay Euriale habang hawak nito ang mag-kabilang braso. Nanlaki ang dalawang pares ng mata nito at marahas na umiling-iling sa kaniyang guro.
“Sir, bakit mo naman po iniisip na ako ang pumatay sa dalawang guro na iyon?” Tanong niya sa mismo niyang guro. Binitawan naman siya ni Ruru dahil sa pagkakahawak niya sa mag-kabilang braso at isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan nang binata sa ere.
“Wala iyon Euriale. Kalimutan mo na ang tinanong ko sa iyo. Sige na pumasok ka na sa klase mo,” Pag-uutos nang binatang si Ruru ngunit hindi sumunod ang dalagang si Euriale. Nanatili siya doon at nakipagtitigan sa kaniyang guro.
“Sir pinaghihinalaan niyo po ba akong mamamatay tao?” Mangiyak-ngiyak na tanong ng dalaga sa kaniyang guro.
“Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin Euriale,” Kasabay no’n ay inalo-alo niya ang kaniyang estudyante.
“Kung hindi iyon. Bakit ang sakit-sakit nang mga pinaparatang mo sa akin?”
“Uhm pasensya na. Masiyado lang magulo ang isipan ko. Masiyado lang akong problemado nitong mga sumunod na araw. Alam mo naman na sunod-sunod na namatay ang mga kaklase mo sa loob ng abandonadong lugar,” Pagpapaliwanag nang binata. Tila ba’y mag-kasintahan silang dalawa kung magpaliwanagan sa isa’t isa.
“Alam ko at naiintindihan ko naman pero huwag ka naman ganito makitungo sa akin. Akala ko ba gusto mo ako? Kasi ako gusto din naman kita,” Sa huling salaysay ay doon niya ipinagtapat ang kaniyang nararamdaman para sa binata.
“A—anong s—sabi m—mo? Gusto mo ako? Tama ba ang pagkakarinig ko?” Nakangiting tanong ng binata kay Euriale. Tumingin ang dalaga sa mga mata niya wari ba’y inaawitan siya nito ng pag-ibig.
“Professor Ruru Maliarez gustong-gusto ka nitong estudyante mong si Euriale Montana. Noong unang pag-pasok ko pa lamang dito sa school na ito ikaw na kaagad ang nakabihag nang puso ko. Hindi na ako makatakas sa mga mata mo, labi mong kay sarap halikan at sa presensya mo palang ay para na akong ice cream na natutunaw na may kasama pang kilig sa aking sistema. Hayaan mo akong naririto lamang sa tabi mo. Sabay natin kakalabanin ang serial killer na iyon,” Sa isang iglap ay isang malambot na labi na ang tumama sa labi ni Euriale. Isang halik.
“What the hell is happening here?!” Nagulat ang dalawa ng biglaang pumasok ang principal ng school. Kaagad na bumitaw sa isa’t isa at nag-social distancing.
“You should explain this professor Ruru. I need your statement about this! Nakahihiya ka Ruru! Guro ka pa naman tapos ganiyan ang iyong inaasta! Imoral ka! Kayong dalawa!” Sabay alis nang guro at ibinalibag nito ang pintuan pasara. Nagdikit muli ang dalawa at nagtitigan, mata sa mata.
BINABASA MO ANG
Do You Know Anna?
Mistério / Suspense"A murderer who killed a lot of murderers." - SEA_GM DONT READ THIS IF YOU ARE AFRAID OF THE DARK.