PANGATLONG KABANATA

147 48 6
                                        

"Don't ever laugh as a hearse goes by
for you may be the next to die..."

Biglang nagising sa mahimbing na pagkatulog si Mala Kriss nang nadinig niya ang isang kantang nagpataas nang kaniyang balahibo. Nanatili siyang nakahiga ngunit dilat naman ang kaniyang mga mata.

"Mala..." Nadinig nang kaniyang dalawang tainga na tinawag siya nang kung sino man. Kaagad siyang nagtalukbong nang kumot.

"They wrap you up in bloody sheets
To drop you six feet underneath..."

Nanginig ang kaniyang kalamnan kahit hindi sila naka-aircondition. Alam niyang mainit sa kuwarto nila ng kaniyang ina ngunit para siyang ipinasok sa malamig na refrigerator sa sobrang lamig. Mula sa kaniyang kumot ay pinagmasdan niya ang inang nakatalikod sa kaniya. Marahil ay napakalma siya dahil hindi siya nag-iisa sa kuwarto.

"Kaibigan..." Nanlaki ang kaniyang mga mata nang tawagin siya nitong kaibigan.

"It all goes well for about a week
and then your coffin begins to leak
and the worms crawl in, the worms crawl out..." Takot ang nararamdaman nang dalaga habang naririnig niya ang kanta nito na pang-demonyo.

"Kaibigan kong nag-ngangalang si Mala Kriss..." Napapikit nang mariin ang dalagang si Mara Kriss at buong tapang haharapin si Anna.

"PATAY KA NA ANNA!" Sabay bato niya ng kaniyang unan na hinihigaan ngunit ang kaniyang mga mata ay nakapikit pa din. Kaya hindi niya alam kung natamaan ba niya si Anna o hindi.

"Matagal ka ng patay Anna. Patahimikin mo na kami. Hayaan mo na kaming mabuhay," Pahayag nang dalagang si Mala habang ang mga mata niya ay nakapikit.

"They eat your eyes, they eat your nose as you begin to decompose a slimy beetle with demon's eyes. Chews through your stomach and out your sides..." Kinilabutan si Mala ng maramdaman niya ang isang kamay na sobrang lamig na parang nanggaling sa refrigerator.

"A—Anna," Nangangatal na tawag nang dalaga sa pangalan ng kaniyang kaibigan na matagal ng patay.

"Buksan mo kaibigan ang iyong mga mata. Tignan mo ako," Nakatatakot ang boses nitong si Anna. Hindi magawang sundin ni Mala ang utos nang dalaga. Umiiyak ang kaniyang mga mata habang siya ay nakapikit.

"A—ayo—ko," Habol ang hiningang pahayag nang dalagang si Mala.

"Mala aking kaibigan, naalaala mo pa ba? Nung sinugod ang nanay mo sa hospital kasi inatake nang highblood. Kaninong kaibigan ka nga noon lumapit?" Kaagad na nagbukas ang dalawang mata ni Mala. Luminga-linga siya sa kapaligiran ngunit wala naman siyang nakikitang anino ng kung sino man.

Pero...

"MAMA?! NASAAN SI MAMA?!" Galit na itinanong ni Mala kay Anna ngunit kahit ang anino ng dalaga ay hindi niya makita. Kaagad na umalis si Mala sa kaniyang higaan at tinakbo ang saradong pintuan. Ilang beses niyang pinihit ang busol ng pintuan ngunit napakatigas nito at hindi niya mabuksan. Kinalampag na niya ng malakas ang pinto baka sakaling may makarinig sa kaniya.

"Ano naalaala mo na ba, Mala? Naalaala mo na ba na ako yung kaibigan mo na tumulong sa mama mo para makalabas siya sa ospital," Siwalat ni Anna. Humarap si Mala sa kabuoan ng kuwarto ngunit hindi niya talaga makita ang bulto ni Anna.

"Oo naalaala ko. Tangina ka! Lumabas ka sa lungga mo at harapin mo ako!"

Isang malakas na halaklak lamang ang naging tugon nang dalagang si Anna.

"Your stomach turns to rancid grease
and puss pours out like melted cheese. You spread it on a slice of bread and that's what you'll eat when you're dead..." Dumulas ang likuran ni Mala sa kanilang pintuan at tuluyan ng umiyak.

Do You Know Anna?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon