"NASAAN AKO?" Palinga-linga ang binata sa isang madilim na silid na puro langaw ang napaliligiran. Tumayo ang binatang si Jon Mari mula sa kaniyang paghiga at hinanap ang pintuan upang makalabas siya sa silid.
"May tao ba dito?" Hindi niya alam kung saan siya dadalhin nang kaniyang paa. Hindi niya maaninagan nang maayos ang kabuan ng kuwarto sapagkat kung saan siya nagising ay doon lamang may ilaw at sa ibang parte ng silid ay wala na. Hindi din niya alam kung nasa bodega ba siya o silid.
"Tulong! Tulungan ninyo ako dito pakiusap!" Pilit niyang nilalabanan ang takot na kumukubli sa kaniyang isipan. Pilit niyang pinaparamdam sa kaniyang sarili na baka nasa panaginip lamang siya pero sobrang lakas ng kabog nang dibdib niya.
"Don't ever laugh as a hearse goes by
For you may be the next to die..."
Natigilan ang binatang si Jon ng kaniyang marinig ang isang nakatatakot na kanta. Parang narinig na niya ang kantang iyon hindi lang niya maalaala kung kanino at saan niya ito narinig.
"Huwag mo akong takutin dahil hindi ako natatakot sa iyo!" Matapang na sigaw nang binatang si Jon. Sa wakas ay hindi na niya narinig pa ang kanta na mas lalong nagdudulot sa kaniya ng kaba.
"It all goes well for about a week
and then your coffin begins to leak..."
Muli na naman niyang narinig ang kanta kaya binilisan niya ang kaniyang paglakad at malalaking hakbang na ang kaniyang ginagawa. Mabilis niyang hinahanap ang pintuan ngunit hindi niya ito matagpuan.
'Nasaan na ba kasi yung pesteng pintuan na iyon?!' Nagagalit na tanong nang binata sa kaniyang sarili.
"Hoy! Alam kong nandiyan lang kayo kaya kung ayaw niyo bugbugin ko kayo lumabas na kayo! Hindi niyo ako madadala sa pananakot niyo sa akin!" Sigaw niya sa kawalan pero hindi niya pa din nahahanap ang pintuan upang makalabas na siya.
"Tama na guys! This isn't funny anymore so I suggest to stop this shit before I buried your body in six feet!"
Walang sumasagot ni isa sa kaniyang mga kaibigan pero nanatili pa rin siyang naglalakad papunta sa hindi niya alam kung saan. Ang mahalaga lamang sa kaniya ay maka-alis na siya sa nakatatakot na lugar na ito.
"Masiyado ka naman yatang nagmamadali Jon. Nag-uumpisa pa nga lang tayo e gusto mo ng maka-uwi kaagad. Akala ko ba matapang ka? Bakit parang takot na takot ka?" Napahinto siya sa kaniyang paglakad at napalingon sa likuran. Dahil nakalayo na siya sa ilawan ay hindi na niya maaninagan ang pigura nito ngunit nakasisiguro siya na babae ito.
"Sino ka?" Tanong nang binata.
"Hindi ako natatakot sa iyo o maski man sa sino man! Kaya magpakilala ka. Sino ka bang hayop ka?!" Galit na tanong nang binata. Ngunit hindi siya nito sinagot bagkus ay naglakad ito papalapit sa kaniya habang siya naman ay panay ang atras. Nagbubutil-butil na ang kaniyang pawis sa noo at pasmado na rin ang kaniyang kamay sa sobrang kaba at takot na hindi lamang niya pinahahalata.
"Ako lang naman yung sinigawan mo kanina at sinabing layuan ko na ang girlfriend mong si Bernadette Ladines," Hindi nakita nang dalaga kung papaano nanlaki ang mata ng binata dahil sa kaniyang isiniwalat.
"Euriale..." Pahayag nito na may kasamang hangin sa kaniyang bibig.
"Oo ako nga Jon Mari Viceral. Hahahahaha!" Natatawang pag-amin nang dalagang si Euriale habang pumapalakpak pa ang kaniyang mga kamay.
"MABUTI NAMAN AT —" Naputol ang sasabihin sana ni Euriale dahil nagsalita si Jon.
"Bakit mo ako dinala dito? Anong gagawin mo sa akin? Papatayin mo din ba ako kagaya ng pagpatay mo sa nurse at sa doctor sa school?" Sunod-sunod na tanong nang binayang si Jon kay Euriale.
BINABASA MO ANG
Do You Know Anna?
Misteri / Thriller"A murderer who killed a lot of murderers." - SEA_GM DONT READ THIS IF YOU ARE AFRAID OF THE DARK.
