ANG PAGTATAPOS: Do You Know Anna?

149 49 0
                                    

Miss Eriah Maliarez!” Tawag nang mga taga-media sa isang dalagang nag-ngangalang Eriah Maliarez. Kahit pa’y nahihiya ang dalaga ay nakuha pa din nitong lumapit sa mga media.

Panahon na upang malaman nila ang katotohanan,’ Isang ngiti ang gumuhit sa kaniyang manipis na labi ng nasa harap na siya ng mga reporter.

Anong masasabi mo Miss Eriah Maliarez sa nangyayaring patayan sa inyong section? Totoo bang si Anna Bautista ang pumapatay sa mga kaklase mo?

Nahanap na ba ninyo kung sino ang pumapatay? Kung si Anna Bautista man ang pumapatay, bakit hindi ka nadamay sa kaniyang mga pinatay?

Hindi ka ba natatakot sa section ninyo? Tinaguriang cursed section na daw ito?

Ano ba ang tunay na nangyari sa likod ng madugong kuwento ng inyong section?

Bakit lahat ng kaklase mo ay namatay tapos ikaw lang ang nabuhay?

Sunod-sunod na nag-tanong ng mga reporter kay Eriah. Hindi niya alam kung sino ang uunahin niyang sagutin. Nalilito na siya kung papaano nga ba niya uumpisahan ang kaniyang pag-kuwento.

Si Anna Bautista ay namatay dahil sa pananamantala ng pitong kalalakihan at sa tulong na din ng mga kaibigan niyang mapag-imbot kaya mas lalong nag-hirap ang kalagayan niya.  Oo tama ang narinig ninyo, NAGPAKAMATAY AT AKSIDENTENG NAMATAY  ANG LAHAT NG MGA KAKLASE KO NA MAY KINALAMAN KAY ANNA BAUTISTA. Marahil ay iyon ang naging karma nila dahil sa inggit, selos at galit,” Lahat ng nakapaligid kay Eriah ay tumaas ang kilay, ang iba naman ay kumunot ang noo at iyong iba naman ay nabuka nang bahagya ang kanilang bunganga dahil sa gulat na rebelasyon na pinahayag nang dalaga.

Ibig mo bang sabihin lahat ng mga kaklase mo ay may kasalanan kay Anna?” Tanong ng reporter kay Eriah.

Sa kasamaang palad ay oo. Lahat ng mga kaklase ko maliban sa akin ay may kasalanan kay Anna. Hindi man nila pinatay nang literal ngunit nagtanim naman sila ng galit, inggit at selos kay Anna. Nag-imbestiga tungkol sa problemang —”

Naguguluhan kami Miss Eriah. Maaari mo bang isalaysay sa amin ang mga nangyari sa mga kaklase mo. Simula sa unang kaklase niyo na nagpakamatay,” Pag-aatas nang isang reporter kay Eriah. Tumango na lamang ang dalaga at nag-umpisa nang mag-kuwento.

●✖●✖●✖●

Mala...” Tawag nang ina ng dalaga sabay katok nito sa kuwarto ng dalaga.

Mama hindi po maganda ang pakiramdam ko kaya gusto ko na pong magpahinga,” Bahagyang nilakasan ng dalaga ang kaniyang boses upang marinig ito ng ina.

Anak uminom ka ng gamot para gumanda na iyang pakiramdam mo. Huwag na huwag kang magkakasakit anak kasi mahirap magpa-ospital. Napakamahal,” Pahayag nang ina ngunit nasa labas pa din siya ng kuwarto ng dalaga. Hindi siya pinagbuksan nang dalaga ng pintuan upang doon kausapin maski ang papasukin ay hindi nito ginawa.

Gagaling din po ako mama. Ipapahinga ko lang po itong katawan ko,” Narinig nang dalaga ang isang buntong-hininga na pinakawalan nang ina.

Sinat lang naman po ito mama. Baka sobrang napagod lang talaga ako,” Medyo nanginginig na pahayag nang dalaga. Balot na balot na ng kumot ang buong katawan ng dalagang si Mala ngunit hindi pa din bumababa ang taas ng kaniyang temperatura.

Siya sige na nga. Mag-pahinga ka ng maigi Mala. Tandaan mo anak wala tayong pera pampagamot sa iyo lalo na ang pagdala sa iyo sa ospital. Saka nga pala aalis ako ngayon kasi tumanggap ako ng labada diyan sa kapit-bahay natin mayaman,” Pagpapaalam nang ina kay Mala. Hindi na masyadong naintindihan nang dalaga ang pinagsasabi nang kaniyang ina. Nang hindi na sumagot si Mala ay narinig na lamang ng dalaga ang papalayong yabag nang paa ng kaniyang ina.

Do You Know Anna?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon