R–18. Matured contents ahead. Not for very young readers. This is not suitable for young readers. I'm begging you if you're not 18+ kindly don't read this. I'm telling you I don't want you to imagine this. I don't want you to come up with nightmares. Just go. Removed this in your library.
Anna's pov
Nagising ako na nakatali pa din ang aking mga kamay at paa. Natuyo na lang sa semento ang aking dugo. Naamoy ko ang malangsang pangyayari kahapon.
"Gising ka na pala."
Napatingin ako sa kaniya ng may takot sa aking mga mata. May hawak siyang mainit na tubig. Huwag naman niya sa akin ibuhos ang mainit na tubig. Huwag naman sana.
"Hindi mo man lang ba ako babatiin ng magandang umaga?"
R–18. Matured contents ahead. Not for very young readers. This is not suitable for young readers. I'm begging you if you're not 18+ kindly don't read this. I'm telling you I don't want you to imagine this. I don't want you to come up with nightmares. Just go. Removed this in your library.
Hawak pa din niya ang mainit na tubig at hindi niya ito magawang bitawan.
"Ma—ma—gan—dang u—u—ma—ga—ga."
Halata sa tono ng pananalita ko ang kaba sa aking dibdib. Takot na baka mangyari sa akin ang nasa isip ko. Na baka ibuhos niya ang mainit na tubig sa akin.
R–18. Matured contents ahead. Not for very young readers. This is not suitable for young readers. I'm begging you if you're not 18+ kindly don't read this. I'm telling you I don't want you to imagine this. I don't want you to come up with nightmares. Just go. Removed this in your library.
"Nauutal ka? Sobra ko bang guwapo kaya ka nauutal. Ulitin mo."
At tumawa siya. Tawa niyang may halong pang-aasar. Iyong tawa niya na magbibigay sa kalooban mo ng inis.
"Ma—magandang u—umaga."
Pinilit kong maging normal lang tono ng pananalita ko pero hindi ko kaya.
"Gusto mo magkape?"
Sa wakas inilapag niya ang takure sa lamesa at naglabas siya ng isang sachet ng kopiko, asukal at isang tasa na may kutsarita.
"O—oo."
"Sige saglit lang."
Nagtimpla siya ng kape sa kaniyang tasa at nilagyan niya ito ng mainit na tubig. Matapos noon ay naglabas na naman siya ng isang kopiko at asukal. Hindi na niya hinalo ito. Napa-atras ako ng papalapit na siya sa akin dala-dala ang takureng may mainit na tubig na may kape.
"Please huwag mo ibuhos sa akin iyan," Nangangatal kong pakikiusap sa kaniya.
"Huwag ka matakot wala na naman kasing tasa kaya kung puwede dito ka na lang humigop ng kape."
Panay atras ako kahit na alam kong parang hindi naman ako gumagalaw sa puwesto ko dahil nakagapos ang paa at kamay ko.
"Huwag ka ngang matakot mas lalo ako naiingganyo na itapon ito sa iyo. Syempre joke lang iyon. Hahaha! Mabait ako ngayon pero baka mamaya... Baka mamaya... Baka... Mamaya... Lumamig na itong kape mo."
Tangina!
Hindi ko dapat siya pagkatiwalaan maski isa sa kanila dahil lahat sila hayop. Mga hayop! Binaboy nila ako. Pinahirapan at alam kong pinadadama lang ako ng lalaking ito.
Nanatili siyang nakatayo habang ako naman ay nakatingala sa kaniya.
"PAAAAREEEEE!"
"AAAAAAACCCCCCKKKK!"
BINABASA MO ANG
Do You Know Anna?
Mystery / Thriller"A murderer who killed a lot of murderers." - SEA_GM DONT READ THIS IF YOU ARE AFRAID OF THE DARK.