IKA-LABING TATLONG KABANATA

104 50 5
                                    

WARNING R-18. Some scenes and language may not be suitable for very young readers. Read at your own risk.

W O R K  O F  F I C T I O N

Hello?” Mahinhin na tanong ng babae sa kabilang telepono.

Miss hindi po ba ay nagtuturo ka ng science sa grade 10? May katanungan lamang po ako sa inyo, maaari po ba?” Magalang na pag-tanong nang binata sa kaniyang kapwa guro sa telepono.

Sure. What is it?” Tanong nito ng may ngiti sa labi maski pa’y hindi ito makikita nang binata. Ang kaniyang pag-ngiti.

Uhm. Ano po ang chemical symbol ng Americium, Hydrogen at ng Erbium?” Kagat ang pang-ibabang labi ng binata habang nagtanong siya sa dalagang guro ng agham.

Americium ang chemical symbol nito ay Am. Hydrogen ang chemical symbol naman nito ay H. Ang Erbium naman ay may chemical symbol na Er,” Kaagad niyang kinuha ang scratch paper na nasa kaniyang tabi lamang at inunat-unat pa ito upang maayos niyang masulatan. Kinuha nang binata ang nakakalat na ballpen na walang takip at iyon ang kaniyang ipinansulat.

Am H Er

May itatanong ka pa ba?” Mahinhin na tanong ng dalaga sa binata. Hindi nakapag-paalam nang maayos ang binata basta na lamang niyang ini-end call. Alam niyang nakababastos ang kaniyang ginawa ngunit marami pa siyang inaalaala.

Ang kailangan ko naman malaman ang ibig sabihin nang 01001001?” Kaagad niyang tinipa sa telepono ang mga numero at tinawagan ang guro sa matematika.

●●●●●

Masiyado kang pakialamera!” Nagulat ang dalaga sa babaeng sumigaw sa kaniyang likuran. Kaagad niya itong nilingon at nagtataka siya kung bakit nanlilisik ang mga mata nito at punong-puno nang galit na sinugod siya. Mabuti at mabilis itong naka-iwas sa papasugod na dalaga. Kaya tumama ang magkabilang kamay nito sa upuan ng guro.

Sino ka ba?” Naguguluhang tanong ng guro habang nakakunot ang noo nito sa dalaga. Hindi pa din nawala ang panlilisik nang dalawang pares ng mata ni Euriale ng ito’y tumingin sa dalagang guro.

Hindi mo na dapat pang malaman,” Iyon lamang ang sagot ni Euriale at sinugod ang dalagang guro at sinabunutan. Mahigpit ang kaniyang pagkakahawak sa buhok niya na para bang matatanggal na ito sa pagkakadikit sa anit.

Ahh! Bitiwan mo akong babae ka! Ahhhh! Tama na!” Panaghoy nang guro ngunit hindi pa din siya nagawang bitawan nang dalaga.

Bakit naman kita bibitawan? Masyado kang pakialamera kaya dapat ka ng mamatay!” Kinaladkad nang dalagang si Euriale ang dalagang guro malapit sa pader at doon niya inihampas ang ulo nito na para bang nagpupokpok lamang ng yelo sa pader.

Ahhhhhhh!” Hiyaw nang dalagang guro sabay hawak sa kaniyang ulo na nagkaroon na ng dugo. Nanlalabo niyang pinagmamasdan ang hitsura ng dalagang nanghampas sa pader. Balak na naman siyang muling sugurin ngunit naka-iwas ang dalaga. Pagapang siyang lumayo kay Euriale ngunit naabutan pa din siya nito. Gamit ang kanang kamay ay hinila nito ang kaliwang paa ng dalagang guro.

Ahhh! Bitiwan mo ako!” Tumihaya ang dalagang guro. Gamit ang kanang paa ay buong lakas niyang sinipa ang dalagang may hawak sa kaniyang kaliwang paa. Kaya si Euriale ay napa-upo sa sahig. Iyon naman ay sinamantala ng dalagang guro upang makatakas sa kamay ng baliw na mamamatay taong gusto siyang patayin.

Don't ever laugh as a hearse goes by for you may be the next to die,” Matapos niyang kantahin ang nakatatakot na kanta ay saka niya pinakawalan ang kutsilyo na nakatago lamang sa kaniyang likuran na tinatakpan nang kaniyang damit.

Do You Know Anna?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon