P R O L O G U E

133 50 4
                                    

"Anak," Pag-gising ng ina sa kaniyang anak na mahimbing pang natutulog sa kama. Marahan na niyugyog ng ina ang kanang balikat ng anak.

"Hmm," Ungol ng anak sabay lipat ng kaniyang posisyon pakanan, papaharap sa kaniyang ina.

"Anak kinakailangan mong gumising na may sasabihin lamang ako," Saad nang ina sa kaniyang anak.

"Ano po iyon," Antok na antok na tugon ng anak sa kaniyang ina.

"Euriale... Anak huwag kang mabibigla," Walang pasabi ay kaagad na bumangon ang anak mula sa kaniyang pagkakahiga.

"Bakit po mommy? May nangyari po ba na hindi ko po alam? May kapatid po ba ako sa labas? Waaah! Jontis ka mommy?! —" Naghi-histerikal na sunod-sunod na tanong ni Euriale sa kaniyang ina.

"Nako ikaw talaga Euriale masiyado kang palabiro kaya tuloy itong grades mo nabiro din," Saad ng ina.

"Po?" Naguguluhang tanong ni Euriale sa kaniyang ina.

"Anak... Sad to say you failed to pass this semester. Euriale hindi ka makatutuntong ng grade 12 kailangan mong umulit muli," Napanganga ang dalaga sa sinabi ng kaniyang ina. Pagkaraan noon ay dahan-dahang tumulo ang mga luha niya.

"Seriously mommy?" Hindi makapaniwalang tanong ni Euriale sa kaniyang ina. Tumango lamang ang ina at kapakuwan ay niyakap ang kaniyang anak na umiiyak.

"Kasalanan ko talaga ito mommy. This is all my fault. Kung hindi ako nagkasakit ng isang buwan hindi ako uulit ng isa pang year —"

"Euriale alam natin pareho na hindi mo kasalanan ang magkasakit ka. Maski kami ng daddy mo ay hindi ka namin sinisisi sa nangyari. Huwag ka ng umiyak. Tahan na anak," Pag-aalo ng ina kay Euriale.

"Pero mommy sayang po yung isang taon. Sayang —"

"Ang mahalaga anak makatapos ka ng pag-aaral. Huwag mo ng isipin yung taon ang mahalaga makapagtapos ka at maabot mo ang pangarap mo sa buhay. Hindi ba sabi mo sa akin balak mo maging guro?" Tumango ang anak sa kaniyang ina.

"Saka huwag kang mag-alaala anak kasi enrollment naman na. Halika pupunta tayo sa school mo para makapag-enroll ka na," Sa tono ng pananalita ng ina ang galak kaya unti-unti na din nawala ang nararamdamang panghihinayang ni Euriale.

"Maliligo lang po ako mommy," Hinalikan ng ina ang noo ng kaniyang anak bago tumayo mula sa pagkakaupo sa kama.

"Aantayin kita anak," Saad nito na may ngiti sa kaniyang labi.

Nang makalabas na ang ina sa kuwarto ni Euriale hindi mawala sa isipan niya ang sinabi ng ina na bumagsak siya ngayong semester.

"Kung hindi lang sana ako nagkasakit ng malubha sana ngayon ay grade 12 na ako," Saad ni Euriale sa kaniyang sarili. Mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ni Euriale sa hangin.

Tinungo na lamang niya ang banyo uoang maligo na. Nang makapasok na siya sa loob ng banyo at bubuksan na ang switch hindi ito bumukas.

"Hays pundido ka na naman. Kapapalit lamang ni daddy ng lightbulb magpapalit na naman."

Walang nagawa si Euriale sa punding ilaw kaya nagpatuloy na lamang siyang naligo kahit madilim. Hinubad niya ang lahat ng kaniyang kasuotan at isinampay sa isang bakal na sampayan. Binuksan niya ang shower at biglang nanginig ang katawan ni Euriale sa lamig na dulot ng tubig.

"Gosh ang lamig naman!"

Nagpatuloy sa pagligo ang dalaga ngunit ang mga mata niya'y nakapikit.

Do You Know Anna?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon