"Waaah! Excited na akong makita si crush mamaya."
"Sana patirin ako ni crush mamaya sa break time natin! Aaah."
"Gaga! Wala ka sa fictional books lakas ng amats mo par halatang walang tulog!"
"Tangina mo sa part na 'yan — blahblah."
Hindi ko na pinakinggan pa ang mga pinagusapan nang dalawang estudyanteng nasa likuran ko. Nagpatuloy lamang ako sa paglakad papunta sa admin office. Magpapasa lang ako ng mga papeles ko na hindi ko nadala kahapon.
Habang naglalakad ako sa hallway may nakasabay akong isang tumpok ng kababaihan. Lima sila sa isang grupo at yung babaeng nauuna sa kanila maglakad ay mukhang siya ang pinakahead ng grupo.
"Berna alam mo ba na si professor Ruru pa din ang adviser natin. Waaah kinikilig ako," Impit niyang pahayag na may halong kilig sa kaniyang tono ng pananalita.
"Pfft Mala para naman na magkakagusto si professor Ruru sa isang bobo na kagaya mo," Mapanlait na pahayag nung babaeng nagngangalang Berna.
"Harsh mo naman sa kaniya Berna," Sagot nung isang babae na katabi ni Mala. Huminto sa paglalakad si Berna at hinarap ang apat na kababaihan. Napahinto din sila ng paglalakad habang ako ay nagpatuloy na lamang sa paglalakad kaya hindi ko na nadinig pa ang pinagdi-diskusyunan nila.
Malapit na ako sa admin's office ng maramdaman ko ang malamig na hangin na tumama sa aking balat. Nang naramdaman ko ito kaagad na nagsitaasan ang lahat ng balahibo ko sa katawan.
"Eu—ri—ale."
Ito na naman ang nakatatakot na himig na aking laging naririnig. Bakit ba ako na lamang palagi? Bakit ayaw niya akong tigilan?
Pero hindi dapat ako magpadala sa takot kaya nagpatuloy ako sa aking paglalakad. Ngunit isa o dalawang hakbang pa lamang ang aking nagagawa ay bigla akong pinulikat.
What the fuck?!
"Eu—ri—ale."
Kasabay sa nakatatakot na boses ang isang hangin na napakalamig. Naitukod ko ang aking kaliwang braso sa pader upang pang-suporta sa dalawang paa ko na hindi ko maigalaw. Hindi ko maramdaman ang aking mga paa na para bang gawa ito sa isang metal.
"Eu—ri—ale!"
"Please stop! Wala akong naririnig!" Sabay takip nang aking kanang kamay ko sa aking kanang tainga.
"Eu—"
"Miss are you okay?" Sabay hawak sa akin ng lalaking napaka-pormal ng kasuotan. Naka-tuxedo at may puting polo sa loob na may black necktie. Nagkatitigan kami mata sa mata. Halata ko sa kaniyang mga mata ang pagkagulat.
"Miss—" At tuluyan ng bumigay ang aking katawan sa kaniya mabuti at mabilis niya akong nasalo.
"Okay ka lang ba Miss?" Umiling ako kaya binuhat niya ako na parang ikakasal lang. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero wala akong pakialam basta ang nasa isip ko lang ay yung paa ko na hindi ko pa din maigalaw.
Nang makarating na kami sa opisina niya ay kaagad niya akong inilagay sa isang malambot na sofa.
"Miss ano bang nangyari sa iyo?" Nasa harapan ko siya at nakaluhod.
"Pinulikat po ako," Simpleng sagot ko sa kaniya. Kaagad niyang ipinatong ang binti ko sa kaniyang binti at hinilot ito ng marahan. Napapikit ako ng maramdaman ko ang bawat hawak niya sa akin sabay kagat sa aking pangibabang labi.
"Ayan may nararamdaman ka na ba?" Tumango lamang ako bilang tugon sa kaniya. Ibinaba niya ang kaliwang binti ko at ang kanan naman ang marahan niyang hinilot.

BINABASA MO ANG
Do You Know Anna?
Misterio / Suspenso"A murderer who killed a lot of murderers." - SEA_GM DONT READ THIS IF YOU ARE AFRAID OF THE DARK.