[SEA_GM: Hey guys! 3k itong chapter na ito. Waaaah! Ang haba ng update ko for the first time! SKL (づ ̄ ³ ̄)づ Anyways keep reading guys. Kung sa tingin niyo ay deserve ko ang follow, vote and comments niyo po don’t hesitate na gawin po iyon. I really appreciate it ♡]
B L O O D Y R E A D I N G
.
.
."BERNADETTE?!" Sigaw nang binata ng mapaginipan niya kung anong kalagim-lagim ang nangyari sa kaniyang dalagang iniibig.
"Nasaan ka na ba? Bakit mo ba ako biglaang iniwan?" Nagingiyak na tanong nito sa kaniyang sarili. Napasabunot siya sa sariling buhok dahil sa pagkakawala nang kaniyang kasintahan nakararamdam siya ng pagkasiphayo sa kaniyang dibdib.
"Pinili mo na ba siya kaysa sa akin? Mas minahal mo ba siya kaysa sa akin na sumuporta at nagmahal sa iyo hanggang dulo? BERNADETTE!"
Gulong-gulo si Paulo sa nangyayari sa kanila ngayon ng kaniyang kasintahang si Bernadette. Ginulo nang binata ang kaniyang buhok dala nang frustration niya sa nagaganap ngayon. Hindi niya alam kung kanino siya magtatanong kung nasaan si Bernadette at baka paghinalaan pa siya nito na may kababalaghang nangyayari sa kanilang dalawa.
"Why you always have to do this to me?" Tanong nito sa hangin. Napaiyak na lamang siya ng maalaala niya ang matatamis nilang sandaling dalawa noong sila ay mag-kasama pa.
"Berna..." Bulong nito sa hangin. Inilagay ni Paulo ang kaniyang dalawang kamay sa mukha na para bang hinihilamos ang kaniyang mga luha sa pisngi.
"I love you Berna..." Sabay kuha niya sa teddy bear na bigay ni Berna noong nag-monthsarry silang dalawa. Lagi niya itong itinatabi sa pagtulog para kahit papaano ay katabi niya pa din ang dalagang kaniyang iniibig.
Pinunasan ni Paulo ang kaniyang basang-basa na pisngi dahil sa kaniyang pag-iyak nang biglaang may kimatok sa kaniyang pintuan. Tinuyo niya ang nanunubig niyang mga mata upang sa gayon ay hindi nila mahalata na umiiyak ang binata.
Napasinghot siya bago mahigpit na hinawakan ang busol ng pintuan. Isang malakas na buntong hininga ang kaniyang pinakawalan bago niya tuluyang buksan ang kaniyang pintuan ng kuwarto.
"Anak may bisita ka sa labas," Iyon kaagad ang bungad sa kaniya ng ina.
"Sino po siya?" Tanong nito.
"Euriale Montano daw ang pangalan niya anak. Kaklase mo daw siya ngayong grade 11 na kayo. Gusto ka daw niya kausapin about kay Bernadette," Nanlaki ang mga mata ni Paulo ng mabanggit nang kaniyang ina ang pangalan ng dalagang kaniyang iniibig.
"Sige baba na po ako," Tugon nito.
"Siya nga pala anak... Mag-iingat ka," Pahayag nang ina saka niya niyakap ang kaniyang unico hijo.
"Mang naman. Hahaha. Siyempre po lagi akong nag-iingat. Ikaw na lang ang nag-iisa kong kamag-anak dito," Tugon nang binata na may ngiti na nakapaskil sa kaniyang mga labi.
"Sige na. Babain mo na yung babae doon sa sala panigurado ako naiinip na iyon sa kaaantay sa iyo," Saad niya sabay tapik sa kanang balikat ng anak.
"Opo Mang. Pahinga ka na po. Ako na lang po ang magsasara nang gate," Tumango ang ina nito at dumiretso na sa kaniyang silid. Si Paulo naman ay kaagad na binaba ang bisitang si Euriale na naabutan niya na umiinom nang juice.
"Euri what brought you here?" Kita sa mga mata ng dalaga ang lungkot kaya nilukuban nang dobleng kaba si Paulo.
'Kung ano man ang sinasabi nang mata mo Euri. Alam kong hindi iyon maganda,' Pahayag nang binata sa kaniyang isipan.
BINABASA MO ANG
Do You Know Anna?
Mystery / Thriller"A murderer who killed a lot of murderers." - SEA_GM DONT READ THIS IF YOU ARE AFRAID OF THE DARK.