IKA-LABING LIMANG KABANATA

93 47 3
                                    

Baby I’m here na!” Masayang anunsyo ni Euriale nang maka-apak na siya sa entrada ng opisina ni Ruru. Hinanap nang mga mata ni Euriale ang bulto ng katawan ng binata ngunit hindi niya ito nakita kaya pumasok na lamang siya sa loob ng opisina. Nang makapasok na ang dalaga ay kaagad niyang ginalugad ang buong opisina ngunit bigo siyang matagpuan ang kaniyang kasintahan.

Saan ka naman kaya nag-suot Ruru?” Tanong niya sa hangin. Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan nang dalaga bago na-upo sa swivel chair ni Ruru. Habang nag-aantay siyang dumating ang binata hindi niya sinasadyang makita ang isang papel na may tulang nakasulat.

walang tama

walang mali

walang sinuman

walang anuman

Masasagutan kaya ito ni Ruru?” Isang ngiti ang bumalatay sa labi ng dalaga habang tinanong niya ang sarili. Kinuha niya ang ballpen na nakalagay sa kaniyang kanang bulsa ng palda. Muli niyang isinulat ang tula ngunit may mga keywords na naka-uppercase.

walang Tama

Walang mali

walang sInuman

walang aNuman

TWIN,” Bulong niya sa sarili. Ilang segundo lamang ang lumipas ay narinig na ng dalaga ang mga mabibigat na yabag papalapit sa opisina. Hindi nga siya nagkamali sa kaniyang akala. Si Ruru ang taong may mabigat na yabag papalapit sa mismong opisina niya. Tumayo si Euriale mula sa kaniyang pagkakaupo at kahit hindi gusot ang kaniyang damit ay inunat-unat niya ito at pinagpagan na wari’y may dumapong alikabok sa kaniyang damit.

Nang bumukas na ang pinto ay kaagad sinalubong nang dalaga ang kaniyang nobyo at pinupog ito ng masaganang mga halik sa kabuoan ng mukha.

Baby!” Sabay na sabi nang dalawang mag-kasintahan.

Masiyado ba kitang pinag-antay?” Tanong ng binatang si Ruru sa kaniyang kasintahan na si Euriale.

Hindi. Kararating ko lang ng dumating ka sa opisina mo. Uhh... Tara na kain na tayo baby,” Pag-aanyaya nang dalagang si Euriale sa kaniyang nobyo na si Ruru.

Sige kain na tayo bago pa kita makain,” Sabay kindat niya sa nobya. Isang mahinhing hampas lamang sa braso ang iginawad nang dalaga dahil sa kapilyuhan ng kaniyang nobyo.

Masiyado kang maharot baby. Baka hindi pagkain ang atupagin natin sa hapag baka ibang laman ang kainin natin,” Pag-sakay nang dalaga sa kapilyuhan ng kaniyang nobyo. Sabay silang natawa sa kalokohan nila. Iginaya nang binata ang dalagang kasintahan sa maliit nito kusina dahil naroroon ang maliit na hapag. Nakahanda na ang lahat kakain na lamang sila.

Baby...” Tawag nang binata sa kaniyang kasintahan. Tumingin lamang ang dalagang si Euriale habang nanguya nang kaniyang kinakain.

Puwedeng favor?” Isang tango lang ang isinagot nang dalaga habang kinukutsara ang kaniyang kakainin.

Subuan mo ko please,” Pagpapa-baby talk ni Ruru habang naka-puppy eyes pa. Hindi itinuloy nang dalaga ang kaniyang pagkain. Ginalaw nang dalaga ang plato ni Ruru na may laman ng sarili nitong pagkain.

Say ‘ahh’ baby,” Ngumanga naman ang binata ng isinubo na ng dalaga ang pagkain nito sa kutsara.

Pabebe ka sir,” Pabirong komento ng dalaga sa kaniyang kasintahang guro.

Do You Know Anna?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon