DAY 2

230 59 2
                                    

Anna's POV

Nasa tapat na ako ng tarangkahan ng eskwelahan. Nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi? Kapag pumasok ako makikita ko na naman ang mga kaibigan kong traydor, mga manggagamit. Pero ano naman ang pakialam ko? Ganoon talaga sa buhay may mga toxic people na papasok at lalabas. Parang sex~nevermind.

"EURIALE! EURIALE! EURIALE!" Sa lakas ng boses ng lalaki dinig ko siya kahit pa malayo siya sa aking tabi.

Lumingon ako sa lalaking nagtatawag sa pangalang 'Euriale' at nagulat ako kung sino ang nasa aking likuran.

Ako: ⊙_⊙

Siya: (¬_¬)

"Excuse me Miss hindi mo ba alam na nakaharang ka sa daraanan ko?" Siga niyang tanong sa akin. Hindi ako nakagalaw at tila natuod ako sa kaniyang harapan.

Hindi ko nakuhang tumabi sa daanan niya.

My feet and body stilled.

Tila wala siyang nagawa dahil tulala ako sa kaniyang mukha. Hinawakan niya ang aking dalawang balikat at itinabi na aakalahin mong isa lamang akong mannequin sa botique.

"Alam kong maganda ako pero hindi ako baliko. Straight ako Miss," Huh? Teka lang. Inaakala niya ba na lesbian ako? Na gusto ko siya? Na na-love at first sight ako sa kaniya? What the fucking fuck?!

"Y—you're E—E—Euriale?" Dahan-dahan kong itinaas ang aking hintuturo sa kaniya.

"You look like me," Sa wakas hindi na din ako nautal na pagkakataong iyon. Ang kaninang hintuturo ko na nakaturo sa kaniya ay unti-unti ng hinahawakan ang mukha niya. Sa bawat angulo ng kaniyang mukha sarili ko mismo ang nakikita ko.

"You're my doppelganger," Dagdag ko pang saad sa kaniya pero hindi siya sumasagot.

"May sasabihin ka pa ba Miss? If none I gotta go bye," At mabilis siyang pumasok sa loob ng tarangkahan ng Academy.

"Eu–ri–a–le!" Hingal na hingal sa pagtawag ang lalaking humahabol doon sa Euriale.

Huminto siya sa aking gilid. Nakatingin lang ako sa kaniya at ng maramdaman niyang nakatingin ako sa kaniya ay napatingin na din siya sa akin.

"Eu—Who are you?" He asked.

"I am Anna Bautista Grade 10 student. Si Euriale ba? Uhm—Anong grade na niya?" Napakagat ako sa aking ibabang labi habang nahihiyang itanong iyon sa kaniya.

"Grade 11 student kami. Sige mauna na ako sa iyo mahuhuli na kasi ako sa klase namin," Pagpapaalam niya sa akin. Papasok na siya pero huminto siya ng ikalawang hakbang at bumalik sa akin.

"Parang kambal kayo ni Euriale. Sige una ulit ako sa iyo, bye!" At tuluyan na siyang umalis.

Napahawak ako sa aking mukha. Kawangis na kawangis ko siya tila pinagbiyak kaming bunga. Habang hawak ko ang aking mukha ay bigla akong nakaramdam ng gutom kaya imbes na pumasok ako sa Academy ay dumiretso ako sa isang kainan na malapit lang dito.

Ng biglang may tumawag sa akin...

"Anna..." Tumaas ang balahibo ko sa tono ng pananalita niya ng ako'y kaniyang tawagin.

Hindi ako lumingon.

Patuloy ako sa paglalakad.

Ng maramdaman ko ang pagbilis ng kaniyang paglakad.

Lumakad pa ako ng sobrang bilis.

"Don't ever laugh as a hearse goes by
For you may be the next to die, Anna."

Do You Know Anna?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon