"Urgh!" Ungol ni Euriale sabay sapo sa kaniyang noo na para bang pinupokpok sa sobrang sakit.
"Tulong!" Kaagad siyang dinaluhan ni Professor Ruru at hinagod ang kaniyang likuran upang kumalma.
"Maayos ka na ba Euriale?" Sa tono nang pagtatanong ng guro ay mahahalata mo ang pag-aalaala nito kay Euriale. Umiling ang dalaga bilang tugon sa tanong ng guro.
"I can't feel my legs, sir. I can't feel them, why?" Nangingiyak na tumingin ito sa kaniyang guro ng siya ay nagtanong.
"Baka dahil lamang sa gamot na tinurok sa iyo kanina kaya hindi mo maramdaman ang iyong binti. Hayaan mo mamaya babalik din iyan," Paninigurado ng guro kay Euriale. Walang nagawa si Euriale kung hindi ay isandal ang kaniyang ulo sa dibdib niya.
"Natatakot ako sir sa nangyari sa akin kanina. Baka maulit muli iyon, a-ayoko ng muling mangyari iyon sapagkat bibigyan ko lamang ng alalahanin sila mommy," Malungkot na saad nang dalaga na ai Euriale.
"Hindi na mangyayari iyon. Walang ganoon pang mangyayari kaya huwag mo ng ikabahala pa iyon. Ang isipin mo lang ay ang pag-aaral mo," Saad nang guro. Biglang pumasok sila Berna at mga kaibigan nito sa clinic ng hindi man lamang kumatok. Kaagad na inalis ni Euriale ang kaniyang pagkakahiga sa dibdib ni Ruru. Umayos naman ng upo ang guro at masungit na pinagmasdan sila Berna.
"What are you doing here?" Baritonong pagtatanong nito sa kaniyang mga estudyante.
"Professor Ruru, naririto kami upang kamustahin ang kalagayan nang aming kaibigan," Saad ni Berna ng may magalang na pananalita.
"Ganoon ba? Maayos naman siya sabi nang nurse dito sa clinic. Kinakailangan lamang niyang mainom ang mga gamot na ibinilin sa kaniya ng nurse. Sa ngayon ay hindi niya pa maramdaman ang kaniyang binti," Pag-imporma ni Ruru kila Berna. Napatango naman ang dalaga.
"Aalis muna ako para makapagusap kayo ng mga kaibigan mo," Pag-paalam ni Ruru sa kaniyang mga estudyante. Tumango lamang ang lahat at umalis na din ang guro.
"Kailan pa kayo naging close ni professor Ruru?" Tanong ni Aevy habang nakahalukipkip ito.
"Hindi kami ganoon ka-close. Kanina lang kami nagkakilala e," Pahayag nang dalagang si Euriale habang ang kaniyang tingin ay nasa kaniyang kumot.
"Sipsip ka ano?" Dagdag pang tanong ni Aevy at nanatili pa din siyang nakahalukipkip.
"Sipsip? Hindi," Simpleng sagot nang dalagang si Euriale ngunit hindi pa din ito nakatingin kay Aevy.
"Sabi ko sa inyo e may attitude iyang si Euriale Montana na iyan e," Singit naman ni Mala sa usapan. Napatingin naman sa kaniya si Euriale ng may ngisi sa kaniyang manipis na labi.
"Anong klaseng attitude naman ang pinakita ko? Sinasagot ko lang naman ang katanungan ni Aevy," Depensa ni Euriale at ibinalik na naman niyang muli ang kaniyang atensyon sa kumot na puti na ngayon ay hawak niya at pinaglalaruan ito.
"Ma-attitude ka talaga!" Sabay suntok ni Mala sa binti ni Euriale. Napahiyaw naman ang dalaga dahil sa nagyari. Hindi man lamang inawat ni Berna ang kaniyang kaibigan sa ginawa nitong pananakit.
"Bakit mo naman ginawa iyon Mala? Alam mo naman na hindi ko maramdaman ang aking binti sinuntok mo pa," Nangingiyak na pahayag nang dalagang si Euriale habang nakatingin sa mga mata ni Mala.
"Ikaw na din ang may sabi, hindi mo maramdaman ang iyong dalawang binti. Ayaw mo noon tinulungan lang kitang maramdaman itong muli hindi ka na lamang magpasalamat," Pahayag nang dalagang si Mala habang nakataas ang kaniyang kanang kilay kay Euriale.
BINABASA MO ANG
Do You Know Anna?
Mystery / Thriller"A murderer who killed a lot of murderers." - SEA_GM DONT READ THIS IF YOU ARE AFRAID OF THE DARK.