IKA-SIYAM NA KABANATA

103 49 3
                                    

Pare may hashish ka pa ba diyan?” Tanong ni Juan sa kaniyang kausap mula sa telepono.

Illegal iyon ah!” Saad nang kausap nito sa telepono.

Ang bobo mo kausap! May droga bang naging legal na? Tangina pagbibilhan mo ba ako o hindi? Sabihin mo lang para sa iba na ako kukuha,” Pananakot nito sa kausap niya sa telepono.

Chillax ka lang Juan! Masyado kang hot e kulang ka lang sa sundot singhot! Hahahaha!” Pagpapakalma nang kausap sa telepono ni Juan.

Tss.” Sabay end call ni Juan sa kaniyang kausap sa telepono.

Bumuntong hininga si Juan sabay tingin sa gawing kaliwa niya kung saan naroon ang bintana ng kaniyang kuwarto. Isang pangyayari ang pumasok sa kaniyang isipan. Ang pangyayari na bumago sa buhay at pagkatao ng isang Juan Oligos. Ito yung dahilan kung bakit siya naging ganito ngayon.

Hindi. Hindi ko na dapat pang alalahanin pa ang mga pangyayari na dapat ko ng kinalimutan at siyang ibaon sa lupa! Juan tandaan mo wala ni isa sa pangyayari na iyon ang dapat mong maisip o maalaala man lamang!” Pagalit ni Juan sa kaniyang sarili sabay bato nang kaniyang baso sa bintana. Nabasag na ang baso pati na ang kaniyang bintana. Napasabunot sa sariling buhok si Juan, lumuhod siya sa sahig habang tuloy-tuloy na lumuluha ang kaniyang mga mata.

Mommy!” Masayang sigaw nang binatang si Juan sa nanay niya ng habulin niya ito sa kanilang gate. Kasama nang ina ang kaniyang ama na may ngiti sa mga labi nito.

Mommy nakalimutan mo po yung phone mo sa taas,” Sabay abot nang binata ng telepono sa kaniyang. Nanlaki naman ang mata ng ina saka kinuha ang kaniyang telepono sa kamay ng anak.

Naku anak salamat. Mabuti na lamang at nariyan ka upang ipaalaala o ibigay ang mga bagay na nakalilimutan na namin ng papa mo. Hahaha! Tumatanda na nga talaga kami anak pero ano pa man ang mangyari hindi namin malilimutan na mahal na mahal namin kayo ng kuya mo,” Pahayag nang ina na may ngiti sa mga labi niya. Maluha-luhang niyakap ni Juan ang kaniyang ina ng sobrang higpit.

Mommy hindi din po kami mag-sasawa ni kuya na ipaalaala sa inyo na mahal na mahal na mahal rin namin kayo. Sobra pa sa sobra,” Hinimas nang ina ang likod ni Juan samantalang ang ama naman ay siyang tapik sa balikat lamang ang ginawa kay Juan. Nagkatitigan si Juan at ang ama nito, ngumiti ang ama sa anak kaya ganoon din ang ginawa nito.

Anak mauuna na kami kasi mahuhuli na kami sa trabaho. Ang pagaaral mo anak ay pagbutihan mo sapagkat iyan lamang ang maipapamana namin sa inyo,” Saad nang ama kay Juan. Sabay na sumakay ang ina at ang ama niya sa sasakyan. Binuhay nito ang makina ngunit hindi pa din umaalis. Ibinaba nito ang bintana ng sasakyan. Kaya bahagyang yumuko si Juan upang makita niya ang dalawa.

Juan iyang kuya mo. Lagi na lamang iyang busy hindi na kami pinapansin nang mommy mo. Pagsabihan mo nga iyan na huwag masyadong workaholic. Kasi nakalilimutan na niyang may pamilya siyang nagmamahal sa kaniya,” Pahayag nang ama kay Juan tumango siya bago sumagot.

Opo daddy makararating po. Hayaan niyo pagsasabihan ko siya na huwag masyadong pursigido sa trabaho at bigyan pansin naman ang sarili at ang pamilya,” Sagot ni Juan na may ngiti sa kaniyang mga labi.

That’s nice Juan by the way we have to go we’re going to be late,” Matapos magsalita nang ina ay isinarado na ang bintana at tuluyan na silang umalis. Si Juan naman ay kaagad na tinungo ang tarangkahan na bukas at isinarado iyon. Papasok na siya sa loob ng bahay ng makita niya ang kuya niyang bagong gising lamang. Gulo-gulo ang buhok at naka-boxer short lamang, wala pang-itaas na damit.

KUYAAAAA!” Sigaw ni Juan ng may ngiti sa kaniyang labi. Sumulyap sa kaniya ang kapatid niya ng may kunot sa noo nito.

KUYA! KUYA! KUYA!” Sabay yugyog nito sa kanang braso kaya tumapon tuloy ang tinitimpla nitong kape sa lamesa. Kinuha naman ng kuya niya ang basahan na nasa tabi lamang nito.

Do You Know Anna?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon