"Nabalitaan niyo ba iyon guys?!"
Napatingin ang lahat ng estudyante sa bagong paligong dating na si Aevy Lim. Kaagad naman na lumapit ang kaklase nilang lalaki sa dalagang si Aevy at inamoy nito ang humahalimuyak na pabango ng dalaga.
"Ang alin Aevy? Na bagong paligo ka at nagpalit ka ng bago mong pabango?" Tanong ng binata sa dalagang si Aevy.
"Tangina mo! Hindi iyon ang gusto kong sabihin, Paolo! I want to tell you guys na wala na si Mala Kriss!"
Natahimik ang buong klase sapagkat gulat at lungkot ang mababanaag sa kanilang mukha dahil sa nagyari sa kanilang kaklase. Kaagad naman tumayo si Bernadette at nilapitan si Aevy.
"Is this true, Aevy? Paano mo nalaman na wala na si Mala?" Tanong ng dalagang si Bernadette sa malungkot nitong tono ng pananalita.
"Napadaan kasi ako sa bahay nila para itanong sana kung nakita niya ba yung atm ko kasi kahapon pa iyon nawawala. Nung nandoon na ako sa daanan papunta sa kanila nakita ko na napaka-daming tao ang nag-uumpukan tapos bumaba ako sa sasakyan ko..."
Hindi naituloy nang dalaga ang kaniyang dapat sabihin sapagkat naiyak na din siya habang nagkukuwento nang pangyayari.
"And then what happen next Aevy?" Nabibitin na tanong ng dalagang si Bernadette kay Aevy.
"Nang makababa na ako sa sasakyan ko doon ko lang napansin na may soco at pulisya na sa loob ng bahay nila..."
Kinuha nang dalagang si Aevy ang kaniyang panyo sa bag niya at suminga bago magsalitang muli.
"Si Mala nagtamo nang napakarami saksak tapos ang nanay naman niya ay mukhang inatake sa puso," Saad nang dalagang si Aevy habang pinupunasan niya ang kaniyang luha gamit ang kaniyang panyo.
"Tinanong mo ba ang mga pulis kung ano man ang nangyari sa kaniya?" Tanong ni Bernadette habang nakahawak ang dalawang kamay nito sa mag-kabilang balikat ni Aevy.
"No." Sabay iling-iling nang dalagang si Aevy tapos umiyak na.
Puno ng kalungkutan ang buong klase. Kaniya-kaniyang iyakan nang mga babae. Lumapit na din sila Leafel at Fai kila Aevy at Bernadette at inalo ang kanilang mga kaibigan.
"Whoever did this to her we'll sue that culprit!" Nagagalit na pahayag nang dalagang si Leafel.
"That culprit must die and go to hell!" Nanginginig sa galit na pahayag nang dalagang si Fai habang masamang tinitignan ang hangin.
Biglang tumayo ang dalagang si Euriale kaya napatingin sa kaniya ang lahat ng estudyante maski na ang grupo nila Bernadette. Lumalakad ito patungo sa direksyon nila Bernadette sa may pintuan at hindi pa rin nila nakuhang umupo pansamantala.
"Huwag kang lalapit!" Pagbabawal nang dalagang si Fai kay Euriale.
"Gusto ko lang naman makiramay. Masama ba iyon?" Tanong naman ni Euriale at hindi na sinubukang lumapit pa.
"Nakikiramay?! Do you hear yourself?! Fuck your condolences!"
Lumapit si Fai kay Euriale at matalim niyang tinititigan ang dalaga. Nang hindi na ito nakatiis ay tinulak niya ito ng malakas dahilan nang tumama ang likod nito sa pader. Napangiwi naman si Euriale dahil sa sakit na kaniyang natamo.
"Bakit ba galit na galit ka sa akin Fai?! Wala naman akong ginawang masama sa iyo o maski sa mga kaibigan mo!" Buwelta naman ng dalagang si Euriale kay Fai.
"Gago ka ba?! Hindi mo na ba naalaala na ikaw ang pumatay sa doctor at nurse sa clinic ng school na ito?!" Tanong ni Fai kay Euriale. Umiling naman ang dalaga sa pinaparatang nito sa kaniya na wala naman katotohanan.
![](https://img.wattpad.com/cover/223769683-288-k812036.jpg)
BINABASA MO ANG
Do You Know Anna?
Gizem / Gerilim"A murderer who killed a lot of murderers." - SEA_GM DONT READ THIS IF YOU ARE AFRAID OF THE DARK.