Day 5

139 50 3
                                    

R–18. Matured contents ahead. Not for very young readers. This is not suitable for young readers. I'm begging you if you're not 18+ kindly don't read this. I'm telling you I don't want you to imagine this. I don't want you to come up with nightmares. Just go. Removed this in your library.

Anna's pov

Nagising ako dahil sa mga langaw na maiingay at patuloy sa pagdapo sa aking balat. Hindi ko gaano maimulat ng maayos ang aking mga mata dahilan sa natamo kong bugbog at paso na sila mismo ang gumawa.

"Umalis kayo diyan! Umalis kayo! Alis!"

Para akong tanga na tinataboy ang mga walang utak na lamok na dumadapo sa aking katawan na labas na ang panloob na laman at mga dugong natuyo na mismo sa aking balat. Nandidiri ako sa sarili ko. Makita ko lamang kung gaano pagpiyestahan ng lamok ang laman at dugo halos gusto ko ng sumuka pero hindi ko magawa dahil sa wala naman laman ang aking tiyan. Iniisip ko na lamang na ang mga lamok na ito ay nagre-reprisinta ng pitong kalalakihan na bumaboy sa akin.

"Umalis—agshskd."

Hindi ko natuloy ang pagtataboy ko sa lamok ng may isa sa kapanalig nila ang dumapo sa aking bibig. Dala ng gutom ay nagawa kong kainin ang lamok. Kung kanina nandidiri ako sa lamok ngayon ay maaari ko na rin pala silang maging laman tiyan.

Nang mailunok ko na ang lamok na kinain at nginuya ko ay napagisip-isip ko na kulang pa ang isa bilang panlaman sa nagugutom kong tiyan. Pero paano ko kakainin ang iba pang lamok gayon na nakagapos ang aking mga kamay?

Pinagmasdan ko ang kapaligiran. Nababahid ng dugo ang aking kinalalagyan. Hindi basa kung hindi tuyong dugo ko. Sa aking gawing kanan naroroon ang lamesa. Nahihirapan akong maaninagan kung anong meron sa lamesa dahilan sa nanlalabo na ang aking paningin gayon din na hindi ko pa ito maimulat ng maayos.

Mahirap pero kakayanin. Pinilit kong umupo kahit na hirap na hirap ako sa kalagayan ko. Mga pasa, sugat, paso at mga laman loob ko na nagsisilabasan.

"Aaaaaacccckkk!"

Atungal ko ng maramdaman kong hihiwalay ang balat ko sa laman loob ko. Habang tumatagal mas lalo kong nararamdaman ang hapdi at kirot.

"Aaahh—"

Napahinto ko sa sandaling narinig ko na ang kalabog na nagmula sa labas. Takot at pangamba ang naramdaman ko sa pagkakataon na iyon. Nariyan na sila. Nariyan na sila para babuyin ulit ako. Nariyan na ulit sila para saktan ako. Nariyan ulit sila para pahirapan ako—iyon ang akala ko. Pero mali lahat ang nasa isip ko.

"Sino ka? Bakit ka nakagapos?"

Sa tono ng pananalita niya ay nakumpirma ko na babae siya. Hindi ko maaninagan ang kaniyang mukha sapagkat nanlalabo na ang aking mga mata.

"Sagutin mo ako, sino ka?"

Mula sa malayo at nadinig ko ang yabag ng kaniyang yapak papalapit sa akin. Doon ko napagtanto na isang pulubi ang nakapasok sa abandonadong bahay na ito. Gula-gulanit ang kaniyang damit. Buhok na magulo at nakataas at kagaya ko may langaw din siya sa kaniyang tuktok na ulo. Ang kaniyang mukha, braso at paa ay may dumi na siguro ay dala iyon ng tambutso ng sasakyan at putik.

"Tu—lu—nga—n m—mo a—ak—o."

Tugon ko sa kabila ng kirot na nararamdaman ko.

"Sino ka nga muna?"

"Anna."

"Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nakagapos? Sino may gawa niyan sa iyo?"

Sunod-sunod niyang tanong sa akin pero hindi ko na kayang sagutin pa ang lahat ng katanungan niya. Nahihirapan na akong magsalita.

"Pa—ka—wa—la—n m—mo a—a—ak—o."

Do You Know Anna?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon