WARNING R-18. Some scenes and language may not be suitable for very young readers. Read at your own risk.
#WorkOfFiction
“Parang baliw si Yana kanina ‛no bhie?” Sabay turo nang dalaga sa phone niya at mukhang pinanunuod ang eskandalosong ginawa ni Yana kanina lamang. Hindi nila namalayan ang pagpasok nang babaeng estudyanteng pinag-uusapan nila.
“Oo nga bhie. Siya yata yung dapat isugod sa mental institution kasi baliw na siya. Certified,” Naririndi na ang tainga ni Yana sa kaniyang narinig kaya hindi na siya nag-atubiling hampasin ang pintuan ng malakas. Parang limang segundong tinakasan nang hininga ang dalawang dalaga at bigla na lamang namutla ng mahuli sila ni Yana.
“Kung hindi naman yata kayo tatae o iihi dito sa banyo puwede ba mag-silayas kayo sa harapan ko! Mga punyaterang estudyante. Akala mo naman kung sinong maganda para pag-usapan ako!” Nanggagalaiti sa galit na pahayag nang dalaga habang nakataas ang kanang kilay nito ay nakapameywang pa.
“Bakit Yana? Maganda lang ba ang may karapatan para pag-usapan ang nakahihiya mong scandal?! At para sabihin ko sa iyo mas maganda ng pangit ang mukha ko kaysa naman sa iyo na napaka-ganda nga napaka-baho naman ng ugali parang basurang nabubulok. Eiw!” Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Yana at inipon niya ang buong puwersa sa kamay at dagliang hinila ang mahabang buhok ng dalaga. Ang kasama naman ng dalaga na sinasabunutan ni Yana ay imbes na umawat ay nakisali pa sa pagsasabunutan nang dalawa.
“Ikaw na intrimitida ka masyado kang inggitera!” At bumawi siya sa kasama nung babaeng kasama nito. Nang makawala ang dalaga ay kaagad niyang kinuha ang sariling telepono at kinunan nang video si Yana na sinasabunutan ang kasama niyang babae.
“Nakikita niyo ba iyang babaeng iyan?! Siya si Yana! Grabe napaka-basagulera pala nitong babaeng ito! Nakahihiya ka sa mga kapwa mo kaklase. Isipin niyo iyon president niyo sa classroom nakikipag-sabunutan sa kaibigan ko! Iyan ba ang tamang pag-uugali nang isang president! Tsk!” Pagsasalita nang dalaga habang kinukunan nang video si Yana. Tumingin si Yana sa dalaga at marahas na kinuha nito ang teleponong hawak sabay bato nito sa labas ng banyo na pambabae.
“WHAT THE HECK YANA?!” Mataas na boses na tanong ng dalaga.
“Pasisikatin mo ko tanga ka ba?! Kaya malamang ang gagawin ko ay ibalibag iyang nabubulok mong telepono sa labas ng banyo para walang ebidensya! Kung matapang ka talaga walang kuhaan nang video!” Sabay hablot nito sa buhok ng dalaga na halos maaalis na ang hibla ng buhok nito sa mismong anit.
“YANA TAMA NA!” Sabay tanggal ni Euriale sa mag-kabilang kamay ni Yana sa dalawang ulo ng babae na halos matanggal na ang buhok nito sa mismong anit.
“PUNYATERA ISA KA PA EURIALE! ISA KA TALAGANG MALAS! PATI DITO SA BANYO SINUNDAN MO TALAGA AKO! ANO DITO MO AKO PAPATAYIN EURIALE?! BOBO BAGO KO AKO MAPATAY SIGURADUHIN MONG IDADAMAY MO ITONG DALAWA!” Sabay turo ni Yana sa dalawang dalaga na panay lamang ang iyak at nakahawak sa kanilang ulo na masakit.
“Tama na Yana...” Mahinahon at sa mababang boses na paki-usap nang dalaga sa napupuyos na galit na si Yana.
“Wow Euriale!” Mapang-asar itong napangisi sa harapan ni Euriale.
“Kailan ka pa naging mahinahon?! Punya —” Hindi na natapos nang dalaga ang kaniyang sasabihin nang mabilis siyang sinapak ni Euriale diretso sa mata kaya nakatulog ang dalaga.
“H—h—huwag p—p—po...” May nginig sa boses na pagmamakaawa nang dalawa kay Euriale. Hindi sila pinansin nang dalaga at dumiretso sa may pintuan at ni-lock ang busol ng pintuan. Hinarap sila ni Euriale ng may malawak na ngiti sa manipis na labi nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/223769683-288-k812036.jpg)
BINABASA MO ANG
Do You Know Anna?
Детектив / Триллер"A murderer who killed a lot of murderers." - SEA_GM DONT READ THIS IF YOU ARE AFRAID OF THE DARK.