Chapter 1

193 9 0
                                    

Warning: Maraming mga grammatical errors kayong makikita at mababasa sa kwento. Dahil nagsisimula at nag-aaral pa rin po akong magsulat sa mga oras na ito. Unedited pa po ang mga salitang may mali at may kulang. That's all, sana magustuhan ninyo ang kwento. Enjoy reading!

- * -

CHAPTER 1.

AKO si Simon Velasco.

Meron akong girlbestfriend, si Irene Matias.

Magkababata kami at hanggang ngayon matatag pa rin ang aming pagkakaibigan.

Highschool student na kami pareho at magkaklase. Oh 'di ba walang iwanan hahaha.

Magkaibigan din ang aming mga magulang at magkalapit lang din ang bahay namin. Kaya simula nung mga bata palang kami, palagi na kaming magkasama.

NASA eskwela kami ngayon. Kasalukuyan kaming binigyan ng quiz ng aming Professor sa Math.

Katabi ko siya sa upuan pero ngayon, one seat apart kami para wala raw maganap na kopyahan.

Pero habang nakatalikod ang aming prof. ay nagtinginan kami ni Irene, at agad niyang binato ang isang maliit na papel na may lamang sagot sa'kin.

"Thank you Rin!" Bulong ko sapat na para marinig niya.

'Rin' ang tawag ko sa kanya, iyon ang palayaw niya sa akin, at ako lang ang pwedeng tumawag sa kanya nu'n.

Nagthumbs up naman siya, senyales na 'okay you're welcome!'

Kinopya ko naman agad ang sagot niya hahaha.

Kahit na hindi ako magaling sa math ay na-perfect ko ang quiz. Syempre dahil sa girlbest ko.

UWIAN, inaya niya na akong lumabas ng classroom. Sabay kaming naglakad sa hallway, at pumunta na kami sa parkehan ng bike at kinuha ko ang bisikleta ko.

"Tara na?" Nakatinging tanong ko kay Irene.

"Tara na!" Excited niyang sambit at umangkas na sa likod ko, at humawak sa balikat ko.

Nilisan na namin ang eskwelahan at umuwi ng magkasama.

Maingay kami ni Irene sa daan habang nagkukwentuhan ng kung anu-anong bagay.

Ganito ang laging nangyayari sa araw-araw naming magkasama.

Magkasamang papasok sa eskwela. Iaangkas ko siya sa bike ko kapag papasok kami at ganun din kapag uwian. Gaya ngayon.

Simple lang kaming magkaibigan, kontento at masaya kami kahit na kami lang dalawa palaging magkasama.

Dumiretso kami sa bahay nila. Napagkasunduan kasi namin na sabay kaming magrereview at gagawa assignments sa kanila.

Nasa sala kami ni Irene, busy kami sa pagrereview habang nagpapatugtog siya ng kanta.

"Na-gets mo ba 'yung lesson natin na'to, Simon?" Tanong ni Irene at tinuro ang lesson namin sa Math nung nakaraang araw pa.

Napakamot ako sa ulo, "hindi nga eh." Sagot ko.

Ewan ko ba pagdating talaga sa math subject nabo-b*bo ako.

"Okay sige ituturo ko nalang sa'yo ulit." Lumapit siya sa akin, at tiniklop ko naman ang librong binabasa ko sa Filipino.

"Ganito kasi 'yan--"

Naputol ang sasabihin niya nang tawagin siya ng mama niya.

Napatingin kami kay tita na galing sa kusina.

My Girlbestfriend (Teen Fiction) | UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon