CHAPTER 42.
"HINDI BA natin susundan si Lian?" Tanong ko kay Irene habang umu-order kami ng pagkain sa counter.
"Baka gutom na rin kasi 'yun eh." Sambit ko.
"Ito naman masyadong nag-aalala kay Lian, napaghahalataan ka na Simon ah." Mapanuksong sabi ni Irene.
"'Wag kang mag-alala, nag-order na rin ako ng pagkain para kay Lian." Aniya at kinuha ang naka-take out na pagkain na sinerve ng tindera.
'Yun nalang ang hinintay namin dahil nakabili na kami ng sariling pagkain namin.
"Tara na hanap na tayo ng upuan." Sambit niya sa'kin habang hawak namin ang tray ng mga pagkain namin.
Naupo kami sa may bakante.
"Saglit lang 'tong pag-uusap natin, Simon. Pero habang nag-uusap tayo, kumain na rin tayo." Aniya.
Tinignan ko lang siya. Huminga siya ng malalim bago magsalita.
"Alam mo hindi na ako nagulat kanina nang sabihin sa akin ni Lian na ako 'yung mahal mo. Alam ko, matagal na, na may gusto ka sa'kin , Simon." Sambit niya at ngumiti.
Hindi ako umimik sa sinabi niya. Sabi na eh, alam niya na ang tungkol doon.
Hinayaan ko lang siyang magsalita. Nakinig lamang ako sa kanya.
"Alam ko na gusto mo 'ko pero hindi ko pinahalatang alam ko na. Dahil ayokong ma-awkward ka sa akin o mapalayo man."
"Nung dumating si Blake sa buhay natin. Nagustuhan ko na talaga siya nung una palang. Kaya nung nalaman kong gusto niya rin ako ay pumayag agad akong maging kami."
"Sinagot ko rin siya para ma-realize mo Simon na hindi tayo pwede. Dahil iba ang gusto ko at alam kong may iba pang nakalaan para sa'yo at hindi ako 'yon. Pero ngayong wala na kami ni Blake. Ayokong umasa ka pa rin sa'kin." Aniya.
"Dederetsuhin na kita Simon, hindi tayo pwede. Hindi tayo parehas ng nararamdaman. Mahal mo ko ng higit pa sa kaibigan pero mahal rin kita bilang kapatid at kaibigan lang. Hindi kita kayang mahalin gaya ng gusto mo. Pero may kaya nun gumawa para sa'yo."
"Si Lian. Alam ko na mahal ka niya. Kaya nga nung nakilala ko siya ay hindi na ako nagselos sa kanila ni Blake dahil halata ko na, na 'yung puso ni Lian ay hindi na para kay Blake. Para sa'yo na."
"Ang nais ko lang hilingin sa'yo Simon. Na bigyan mo naman ang sarili mo ng pagkakataong mahalin ka at sumaya. At matatagpuan mo lang 'yun kay Lian."
"Alam ko rin at napapansin ko rin na may nabubuo ka ng pagmamahal kay Lian kaya 'wag mo itong sayangin at pigilan."
"Simon, mahal ka ni Lian at alam kong mahal mo na rin siya." Sambit niya.
"Irene." Tanging nasambit ko.
"'Wag puro Irene, Simon. Okay na si Irene ngayon. Si Lian naman ang tignan mo. Si Lian naman ang mahalin mo." Sambit niya at hinawak niya ang kamay ko.
"Simon, masaya na ako kung magiging masaya ka. Ganyan ang magkaibigan 'di ba?"
'Yung kamay kong hawak niya ay itinapat niya sa dibdib ko.
"Pumikit ka, at isipin mo si Lian. Isipin mo lahat ng pinagdaanan niyo, lahat ng moments niyo ng magkasama, lalong-lalo na nung una kayong magkita." Sambit niya.
Ginawa ko ang lahat ng sinabi niya.
Pinikit ko ang mga mata ko at inisip ko si Lian. Lahat ng pagkakataon na magkasama kami simula nung una.
BINABASA MO ANG
My Girlbestfriend (Teen Fiction) | Unedited
Teen FictionMeron akong girlbestfriend. Simple lang ang buhay namin bilang matalik na magkaibigan, pareho kaming masaya at okay na okay kami sa isa't-isa. Ngunit isang araw, may dumating. At nung dumating lang ang taong 'yun nagbago na ang lahat. - - - My Girlb...