Chapter 31

42 6 0
                                    

CHAPTER 31.


"AY T*NGA!" Reaksyon ni Lian nang ikwento ko sakanya na hindi pinaniwalaan ni Irene ang mga sinabi ko.

"Sabi ko sa'yo eh, huwag mo munang sabihin sakanya. Ayan, nagsayang ka lang ng panahon, pagod at oras mo, hays!" Aniya.

"Alam mo dapat pala sinama mo nalang ako nung sinabi mo sakanya 'yun eh. Para alam 'yun? Para masampal ko 'yang bestfriend mo at nang magising na sa pagkakatulog! Gusto ko siyang sampalin ngayon ng pinung-pino para magising sa pagiging t*nga niya kay Blake!" Sambit niya.

Hinahayaan ko lang siyang manggigil kay Irene. Alam ko namang hindi niya magagawa 'yun sa bestfriend ko eh. Dahil kaibigan na rin ang turing ni Lian kay Irene.

Sadyang naiinis lang siya kay Irene kasi nagbubulag-bulagan ito sa pagmamahal niya kay Blake.



Anyway, narito kami ngayon sa canteen ng school. Break time na kasi.

Pumasok si Blake ng parang -wala lang. Okay lang sakanya na wala si Irene.

Si Irene naman ay hindi pa muling pumapasok. Dahil nga grounded at ang pagkakaalam ko ay inaasikaso na tito ang pag-alis nila.

Kaya malaki ang chance na hindi na talaga makakapasok pa si Irene dito sa school namin, dahil itatransfer na siya ni tito sa ibang bansa.

Nalungkot na naman ako nang maalala ko iyon.

"Huy ayos kalang?" Tanong ni Lian nang mapansing hindi ako nagsasalita.

"Iniisip mo na naman si Irene no'?" Tanong nito.

Tumango lang ako.

"Hays kailan kaya matatapos ang problema sa kanila ni Blake no'?" Tanong niya.

Nagkibit balikat lang ako.

Binatukan naman niya ako ng malakas, na naman.

"Aray ko para saan 'yun?!" Inda ko.

"Para magsalita ka. Kanina pa ako dito daldal ng daldal tapos ikaw puro tango, senyas lang. Parang hangin lang ang kausap ko dito, dzuh!" Sabi niya at humalukipkip.

Bumuntong hininga naman ako.

"Sorry. Iniisip ko lang kung ano pa ang pwede kong gawin para hindi na malayo si Irene sa atin. Para mapigilan si tito sa balak niyang ilayo ang bestfriend ko." Sambit ko.

"Hmmm kausapin mo si tito." Suhestiyon niya.

Napatingin naman ako sakanya.

"Pakikinggan kaya ako nun? Eh mukhang wala na siyang tiwala pa sa akin." Sambit ko.

Nag-isip naman si Lian. Maya-maya ay nakaisip na siya ng ibang paraan.


"Hindi ba sabi ni Irene na bigyan muna natin siya ng ebidensiya para maniwala siyang niloloko siya ni Blake? Kung ganun kailangan na nating gumawa ng paraan para makakuha ng ebidensiya laban kay Blake. At kapag meron na tayong hawak na ebidensiya, ipakita mo kay Irene, pati sa magulang niya para malaman nila. Nang sa gano'n ay si Irene na mismo ang makikipaghiwalay at iiwas kay Blake.... At hindi na siya kailangan pang ilayo nina tito at tita sa atin di'ba?" Paliwanag niya.

"Kaya lang naman siya ilalayo ng magulang niya dahil ayaw niyang hiwalayan si Blake di'ba? Ayaw niyang tigilan ang pakikipagrelasyon dito. In short, matigas ang ulo niya! So, sa oras na si Irene na mismo ang magdedecide na i-let go si Blake. Malaki na ang chance na magbago ang isip ni tito, at hahayaan na nilang manatili si Irene dito. Dahil wala na sila ni Blake." Aniya.

Agree ako sa sinabi niya. Tama si Lian.

"Kaya ngayon habang inaayos palang ni tito ang pag-alis nila ay kailangan na nating kumilos." Sambit ko.

My Girlbestfriend (Teen Fiction) | UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon