Chapter 41

36 6 0
                                    

CHAPTER 41.


ISANG MALAKING sampal kay Blake ang lahat ng nangyari. Para na siyang natauhan at narealize niya na ang lahat ng pagkakamali niya.

Nagsorry siya kay Irene ng paulit-ulit at sinubukan pang magpaliwanag pero hindi na siya pinakinggan pa nito.

"I'm letting you go. Malaya ka ng gawin ang lahat ng gusto mo. Break na tayo!" Ani Irene kay Blake.

Nagmamakaawa naman si Blake na 'wag siyang hiwalayan ni Irene.

"Irene please. Give me one more chance. Magbabago na ako para sa'yo! Promise! Mahal kita. Mahal na mahal talaga kita!" Pagmamakaawa ni Blake sa harap niya.

"Hindi na Blake tama na. Buo na ang desisyon ko." Sagot ni Irene.

"No please, patawarin mo na ako, please." Pagmamakaawa pa rin ni Blake.

Pero hindi na sumagot si Irene.

Nakatingin lang siya kay Blake habang lumuluha. Pilit pa rin siyang niyayakap ni Blake, ayaw pa rin niyang tigilan ang bestfriend ko kaya umaksyon na ako.

Inilayo ko siya palayo kay Irene at humarang ako para hindi na siya makalapit pa sa bestfriend ko.

Hinigit naman ni Lian si Irene paalis ng rooftop. Nang makaalis na sila ay kinausap ko si Blake.

"Kung talagang nasasaktan ka ngayon. Karma mo na 'yan sa lahat ng kag*guhang ginawa mo!" Sambit ko.

At binigyan ko siya ng isang suntok.

"Last na 'yan! Kung hindi mo na kukulitin at lalapitan pa si Irene, hindi ka na muling makakatimkim pa ng suntok at bugbog sa'kin!" Ani ko at umalis na rin.

Iniwan ko roon si Blake na nakaupo sa sahig, umiiyak, nasasaktan, tulo ang luha at uhog.



Pagbaba ko ay nakita kong kino-comfort ni Lian si Irene. Nakaupo sila sa hagdan.

Humihikbi na sa iyak si Irene. Alam ko nasasaktan ng sobra ngayon ang bestfriend ko pero nagpapakatatag lang siya.

Tss, first boyfriend kasi niya si Blake eh kaya siguro sobrang sakit nun sa kanya.

"Okay lang 'yan Irene. Masakit talaga sa una pero hayaan mong lumipas ang mga oras at panahon, unti-unti gagaling din 'yang sugat mo at unti-unti mawawala rin 'yang sakit. Pero sige sa ngayon, iiyak mo lang 'yan para kahit papaano ay gumaan ang nararamdaman mo." Ani Lian habang hinihimas nito ang likod ni Irene, habang si Irene ay nakasandal sa balikat niya, umiiyak.

Binuhos lang ni Irene ang nararamdaman niya at iniyak niya ang lahat ng bigat at sakit sa puso niya.

Hinayaan ko lang din na mailabas niya ang sakit na nararamdaman niya.





MAKALIPAS ang ilang minuto ay tumigil na rin si Irene. Nakita kong gumaan na ang pakiramdam niya kahit papaano.

Napagdesisyunan naming bumalik na muna sa aming klase. Ngunit si Blake ay hindi na pumasok. Siguro ay nagcutting na ito dahil wala na siyang mukhang maihaharap pa sa aming tatlo.




BREAK TIME.

Habang magkakasama kaming tatlong naglalakad sa hallway papunta sa canteen ay pinag-uusapan namin ang tungkol sa mga nangyari.

Kinwento namin ni Lian kay Irene ang mga pinaggagagawa namin para lang mahuli namin si Blake sa kalokohan nito. Lahat ng nangyari.

"Salamat nga pala sa inyong dalawa, Simon at Lian. Dahil sa mga ginawa niyo para sa'kin ay nalaman ko ang totoo. Sobrang sorry talaga kung hindi ako nakinig sa inyo nung una palang. Naisip ko lang ant*nga ko pala para hindi maniwala sa inyo. Masyado akong nagpaniwala basta-nasta sa mga mabulaklak na salita ni Blake. Tapos dahil sa pagmamahal ko sa kanya eh, nasuway ko pa ang mga magulang ko." Ani Irene.

My Girlbestfriend (Teen Fiction) | UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon