CHAPTER 28.
LUTANG AKONG pumasok sa school.
Pangatlong subject na ata namin nang makapasok ako, humabol pa rin ako sa klase kahit late na late na.
Pagkatapos ng nangyari ay pinili kong pumasok pa rin dahil una, ayokong bumagsak at pangalawa dahil gusto kong makita si Lian.
Ewan ko ba kung bakit 'yun ang pangalawang dahilan ko. Masaya ako kapag nakikita ko siya eh. Siguro nasanay na ako sa presensya niya.
Pero lutang talaga akong pumasok sa school. Iniisip ko pa rin sina Irene, Blake at tito.
At 'yung mga nangyari kaninang sinundo namin si Irene at pagtapos nun ay ang paguusap namin nina tito.
"OH MY GASH SIMON KWAGO!" Sigaw ni Lian nang makita ako.
"Mabuti at pumasok ka, akala ko aabsent ka na. Nagtataka nga ako hindi pumasok sina Blake at Irene tapos wala ka pa kanina, kaya akala ko absent ka rin. Bakit anong nangyari? Anong balita huh?" Tanong niya at tumabi sa akin.
Tsismosa talaga itong si Lian hahaha.
Mabuti at absent ang subject teacher namin ngayon, kaya malaya kaming makakapagkwentuhan ni Lian.
"Alam na ni tito." Panimula ko.
"Ano alam na? You mean nahuli sila?" Gulat niyang tanong.
"Oo." Sagot ko.
"O my gash bakit? Sinumbong mo ba sila?" Tanong niya sa akin.
"Syempre hindi. May sariling paraan si tito para mahuli sila." Sambit ko, at tinuloy ko na.
Kinwento ko na sakanya, kung paano nalaman ni tito na lihim pa rin silang nagkikita at nagkakasama dahil sa tracking device.
"Owemji! So matagal na palang alam ni tito na sila pa rin?" Tanong niya.
Tumango ako, "at sobrang dispappointed siya sa amin ni Irene. Kasi parehas namin siyang binigo ulit." Sabi ko.
"Okay lang 'yun, Simon. Ang pagkakamali minsan pwede mo pa rin namang itama." Sabi niya.
"Paano ko itatama kung huli na? Alam mo ba sabi ni tito kanina habang kausap niya kami ni Irene. Hindi na siya magdadalawang isip pa, dadalhin na niya na si Irene sa ibang bansa para doon mag-aral. Ilalayo niya na talaga ang bestfriend ko." Sambit ko.
"Ano?" Gulat na tanong ni Lian.
'Yun ang dahilan kung bakit lutang ako. Nalulumbay ako, nalulungkot at nasasaktan, dahil mawawala na sa akin ng tuluyan ang bestfriend ko. Ang isa sa mga taong mahalaga sa akin.
"At alam mo ba, Lian, kanina nung pinapaalis na ako ni tito, umiiyak si Irene pero wala man lang akong magawa. Umiiyak siya hindi lang dahil sa kanila ni Blake, kasi maging sa'kin bawal na rin siyang makipagkita. Simula ngayon hindi ko na siya pwedeng makita!" Sambit ko.
"Kung ganun, kahit ako hindi ko na rin pupwedeng makita ulit si Irene?" Tanong niya.
Malungkot akong tumango.
"No, hindi pwede." Ani Lian.
Hindi ko na napigilan at napaluha nalang ako sa lungkot na nararamdaman ko.
Bakit kailangang mangyari ito?
LUMIPAS ANG mga oras. Hindi ako nakapag-concentrate sa buong klase hanggang sa mag-uwian na.
Sabay kaming lumabas ng school ni Lian pero naghiwalay din kami at nagkanya-kanya ng uwi.
Pagdaan kong muli sa bahay nila Irene ay huminto ako. Kumatok ako sa gate nila at tinawag ko siya mula sa labas pero walang nagbukas. Hindi man lang ako pinagbuksan maski ni tita.
Bagsak balikat akong naupo sa tapat ng bahay nila.
At naalala ko bigla si Blake.
Di'ba dapat nandito rin siya nakikiusap na makita si Irene? Di'ba dapat pinuntahan niya na si Irene dito? Dahil nobyo siya nito?
Gaya ng ginagawa ng mga boyfriend kapag nahihiwalay ang girlfriend nila sa kanila, di'ba gumagawa sila ng paraan?
Kung maaari ay naghihintay sila sa labas ng bahay ng nobya nila, kahit na magdamag pa 'yan ay gagawin nila. Para lang makita ang gf nila. Pero bakit si Blake parang walang ginagawa?
Minabuti kong tawagan nalang si Lian. At pagsagot niya ng video call ay malaking mukha na naman niya sa screen ang bumungad sa akin.
"HI SIMON KWAGO BAKIT? MAY PROBLEMA NA NAMAN HA?" Bungad niya sa'kin.
Umiling ako.
"Nasaan ka? nakauwi ka na ba?" Tanong ko.
"Oo kararating ko lang dito sa bahay." Pinakita niya ang kwarto niya. "Hindi pa ako nakakapagbihis kasi bigla kang tumawag." Sambit niya kaya nakauniform pa siya.
"Ikaw nasaan ka na, hindi ka pa nakakauwi?" Tanong niya.
"Nandito ako sa tapat ng bahay nila Irene." Sambit ko.
"Oh anong ginagawa mo diyan, nakausap mo ba sila?" Tanong niya.
"Hindi, kumakatok ako sa gate nila pero ayaw nila ako pagbuksan, maski si tita man." Sagot ko.
"Oh edi umuwi ka nalang para makapahinga ka na, tapos bukas na lang natin pagusapan kung anong gagawin natin para makausap mo si Irene." Aniya.
Umiling ako, "tinawagan kita para sabihin sa'yo na wala dito si Blake! Di'ba dapat nandito siya. Dapat sinundan niya si Irene at nakikiusap siya kina tito at tita na makita ang gf niya? Di'ba dapat may ginagawa siyang hakbang ngayon. Pero nasaan siya ngayon? Parang wala siyang ginagawa!" Sambit ko.
Umirap naman si Lian. "Dzuh, 'wag mo ng asahan 'yon na pupuntahan niya si Irene at kukulitin niya ang magulang nito para makita ang gf niya. Hindi niya gagawin 'yon, hindi niya ipaglalaban si Irene.... Gaya ng ginawa niya sa akin nung naghiwalay kami, pinabayaan niya lang ako. Hindi man lang nagsorry o sinubukan akong ipaglaban? Bakit? Para maging malaya na ulit siyang makapambabae!" Aniya.
"At kung hahanapin mo sa'kin si Blake, aba malay ko kung nasaan siya? Wala na akong pake sakanya no', remembrance?" Dugtong niya.
Huminga ako ng malalim, pinag-isipan ko saglit ang mga sinabi niya.
Na kung hindi siya pinaglaban noon ni Blake dahil nga pakboy ito, at wala itong pake sakanya noon. Maaari ring gawin ni Blake iyon sa bestfriend ko?
Hindi kaya, hindi niya talaga mahal si Irene? Hindi kaya ginamit lang niya ito at sinama lang sa bilang ng mga babaeng nakarelasyon niya?
Kasi kung mahal niya talaga ang bestfriend ko ay gagawa siya agad ng paraan para hindi ito mawala sakanya di'ba? Pero ano ngayon? Wala, wala siyang ginagawa!
So pababayaan nalang niya ang bestfriend ko ng ganun-ganun nalang? Hindi man lang niya ipaglalaban si Irene sa mga magulang nito?
Pwes hindi ako papayag!
"Saka alam mo, Simon kwago, kung mahal nga talaga ni Blake si Irene at kung seryoso talaga siya sa bestfriend mo. Edi sana kanina pa 'yun may ginawa nung sinundo ni tito si Irene. Dapat hindi niya pinakawalan si Irene basta-basta, at hindi dapat siya pumayag nalang sa sinabi ni tito! Wala man lang siyang ginawang hakbang para sa gf niya di'ba? Sabi mo nakatunganga lang siya, hindi man lang niya kinausap si tito o pinaglaban man lang si Irene di'ba? Dzuh! Walang pinagbago si Blake, ganun pa rin siya hanggang ngayon." Aniya.
"Parehas tayo ng iniisip, tsismosang maganda. Iniisip ko rin na dapat may ginagawa si Blake pero wala, nganga!" Sambit ko.
"So ano ng gagawin natin?" Aniya.
"Tara puntahan natin si Blake sa bahay nila. At tignan natin kung anong ginagawa ng mokong na iyon." Sambit ko.
Ngumisi naman si Lian. "Sige magbibihis lang ako, kita nalang tayo." Aniya at pinatay na ang call.
BINABASA MO ANG
My Girlbestfriend (Teen Fiction) | Unedited
Teen FictionMeron akong girlbestfriend. Simple lang ang buhay namin bilang matalik na magkaibigan, pareho kaming masaya at okay na okay kami sa isa't-isa. Ngunit isang araw, may dumating. At nung dumating lang ang taong 'yun nagbago na ang lahat. - - - My Girlb...