[ A/N : May 09, 2020 ang last update sorry natagalan... November 17, 2020 na nakapag-update ulit hehehe😅... nabuhay muli si author at ipagpapatuloy ko na ito 😊 after how many months na inactive sa wattpad hahaha.
( hoping na may nagbabasa pa nito :)enjoy reading! 💓 ]
-*-
CHAPTER 6.
NAKAPALUMBABA ako habang nakatitig sa picture nina Blake at Irene na magkasama.
Kapo-post lang nila ng litrato sa social media. Magkasama sila ngayong dalawa sa labas, may pa-caption pang 'atm, friendly date <3'.
Just wow? friendly date huh? friendly date lang ba talaga?
Hindi ko mapigilang mapasimangot, nakakainis napapadalas na ang pagsimangot ko dahil sa Blake na 'yon ah.
Palibhasa mang-aagaw ng bestfriend.
Gusto ko siyang sugurin at suntukin ngayon pero pakipigilan ako, please!
Naiinis ako, nagseselos kasi ni minsan hindi sa'kin ginawa 'yon ni Irene, ang makipag-friendly date?
Kahit kailan hindi namin nagawa 'yon tapos eto ngayon nagagawa niya sa bago niyang kaibigan kuno.
Argh, nakakainis!
Ikaw naman kasi self, bakit hindi mo rin inaya kahit isang beses man lang dati si Irene na mag-friendly date kayo, ngayon ayan nauunahan ka na.
Napaka-torpe mo self!
Gusto kong sirain ang mood ng date nila, kaya nag-comment ako sa post nila.
'SANAOL NAGF-FRIENDLY DATE.'
May tuldok ang comment ko kasi galit.
Wala pang isang minuto ay nagreply sa comment ko si Blake.
'Tignan mo may naiinggit [/smirk;'
Nanggigil ako sa sinabi nito, napakayabang amp!
Mukhang ako pa nasira ang mood ah, tsk!
Sa inis ko ay nagreply muli ako, 'RIN (min-ention ko si Irene) ANG PANGIT NAMAN NG KA-DATE MO, DAPAT AKO NALANG SINAMA MO, BAKA IKAW PA PABAYARIN NIYAN NG KINAKAIN NIYO.'
Humagalpak ako ng tawa pagkatapos ko sabihin 'yon, pero hindi na ako natuwa sa ini-reply ni Irene.
'Ano ba Simon, tumigil ka na hindi ka na nakakatuwa. Baka nakakalimutan mo na hindi okay sa akin 'yung huli mong ginawa kay Blake tapos ngayon mang-aasar ka naman?'
Agad namang sinundan ni Blake ng naka-smirk na emoji ang sinabi ni Irene.
Naks, ayos! Talagang kinakampihan niya na ang Blake na 'yun ah.
Pwes, magsama sila!
KINABUKASAN.
Hindi na talaga kami nagpansinan ni Irene. Ay mali! Kasi simula nung magtampo siya sa akin nung araw ng birthday ko ay iniwasan niya na ako. Eh ilang araw na rin ang lumipas simula nun.
Dahil nga ramdam ko ang pag-iwas niya ay kusa na rin akong dumistansya sa kanila.
Hindi ko na siya kinikibo, at kahit siya ay hindi na ako kinibo.
Dahil lang ba sa hindi pagkakaintindihan at sa Blake na 'yon, mawawala nalang ba ang talaga friendship namin?
NAGKAROON kami ng Activity group sa Science at maswerte nga naman at magka-grupo kami ni Irene.
BINABASA MO ANG
My Girlbestfriend (Teen Fiction) | Unedited
Novela JuvenilMeron akong girlbestfriend. Simple lang ang buhay namin bilang matalik na magkaibigan, pareho kaming masaya at okay na okay kami sa isa't-isa. Ngunit isang araw, may dumating. At nung dumating lang ang taong 'yun nagbago na ang lahat. - - - My Girlb...