Chapter 7

73 7 0
                                    

CHAPTER 7.

NAPAGTANTO kong tama si President Zie, kaya tumayo ako at naglakad palapit kina Irene at Blake.

Tinitignan ko sila ng maigi habang naglalakad ako palapit sa kanila.

Pero hindi pa man ako nakakalapit ay may bigla nalang pumatid sa akin.

"Takte ano ba?!" Sigaw ko sa babaeng nakaupo sa isang table na pumatid sa akin.

"Ay sorry sadya hahaha!" Sambit niya sabay peace sign.

Schoolmate ko siya(malamang kase naka-uniform) pero nakasuot siya ng sumbrerong itim kaya ilong, labi at pisngi lamang niya ang nakikita ko. Hindi ko makita ang mata niya. Pero hindi siya pamilyar sa akin, ngayon ko lang siya nakita dito.

"Badtrip," bulalas ko. "Pasalamat ka at babae ka." Sambit ko at akmang aalis na ng pigilan ako nito at hinawakan ako sa braso.

"Hep hep hep, wait lang!" Sabi niya.

Tumingin ako sa kanya ng naiirita.

"Bakit?" Tanong ko.

"May sasabihin ako sa'yo." Sambit niya, napakunot noo naman ako.

"Ano naman 'yon?" Nagtataka kong tanong dahil anong sasabihin niya sa akin? eh hindi naman kami magkakilala?

"Bestfriend ka ni Irene di'ba?" Sambit niya sabay nguso sa kinaroroonan ng bestfriend ko at ni Blake.

"Oo, bakit kilala mo ang bestfriend ko?" Tanong ko.

"Hindi ko siya kilala, pero si Blake, oo kilala ko." Sagot niya at ngumisi.

Alam kong nakatingin siya kina Blake at Irene.

Pero dahil sa sinabi niyang kilala niya si Blake, nacurious ako bigla. Kaano-ano naman ng babaeng ito ang Blake na 'yun?

"Talaga, kaano-ano mo naman 'yung mokong na 'yun?" Agad na tanong ko at umupo sa harap niya.

Ngumisi siya at tinanggal ang sumbrero niya. Namangha ako sa taglay nitong ganda pero mas maganda pa rin si Irene para sa'kin.

"Ako si Lian Mendoza, ex ako ni Blake." Sambit nito.

"Ex?" Gulat na tanong ko.

Ngumiti siya at saka sinuot ang sumbrero niya para itagong muli ang kalahati ng mukha niya.

"Yup, at nakasumbrero ako kasi baka makita niya ako. To be honest, hindi ako taga-rito sa eskwelahan niyo. May kakilala lang ako dito kaya nakapasok ako at nanghiram ako ng uniform. Nandito ako para alam mo na, i-stalk si Blake." Paliwanag niya.

Wow, kay gandang babae pero stalker lang ng isang hamak na mokong?

"Teka lang, di'ba ex mo na siya so bakit mo pa ini-stalk? Mahal mo pa no'?" Mapanuksong tanong ko.

Lumabi siya at tumango. "O-oo pero manahimik ka, sa'tin lang dalawa 'yun. Mahal ko pa siya pero ayoko na rin naman siyang guluhin o makipagbalikan man sakanya.... Pinuntahan ko siya rito para malaman kung sino 'yung pinangpalit niya agad sa'kin. Maganda naman kaya wala akong masabi." Aniya.

"Well maganda naman talaga ang bestfriend ko." Pagmamayabang ko.

Nginitian naman niya ako ng mapanukso.

"Kaya pati ikaw may feelings sa bestfriend mo no'?" Sabi naman niya.

Namilog ang mga mata ko.

"H-hindi ah." Tanggi ko.

"Sus, halatang-halata naman sa'yo na may gusto ka dun eh. Btw, nalaman ko rin 'yon dahil maging ikaw at ang bestfriend mo ay in-stalk ko, bago kita kausapin ngayon." Pag-amin niya.

My Girlbestfriend (Teen Fiction) | UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon