CHAPTER 4.
KINAGABIHAN ay pinag-isipan ko ang mga pinaggagagawa ko.
Hindi naman pupwedeng ulitin ko ang pagka-cutting class dahil lang naiinis ako na magkasama sila, at naiinis ako sa tuwing nakikita ko 'yung Blake na iyon.
Bahala na nga bukas! Basta papasok na ako ng maayos.
KINABUKASAN ay maaga akong nag-ayos para pumasok.
Dumaan ulit ako sa bahay nila Irene pero nakita kong may bike na nakaparada sa tapat ng bahay nila.
Bike ni Blake.
'Yung mokong na iyon, nandito na naman? Masyado na talaga siyang pumapapel sa buhay ng bestfriend ko ah.
"Tsk tsk tsk! Bahala nga sila." Sambit ko sa sarili ko at umalis na.
Pagdating ko sa school ay tinuon ko ang atensyon ko sa cellphone ko at naglaro nalang habang hinihintay kong dumating ang prof. namin.
Bahala na silang dalawa kung papasok sila ng late o magkasabay. Basta ako mag-aaral ako.
Maya-maya pa ay naramdaman ko ang pagdating nila. Umupo na si Irene sa tabi ko pero hindi ko sila pinansin at patuloy lang ako sa paglalaro ko.
Hanggang sa kinalabit niya ako.
"Simon."
"Huy!"
"Uyy!" Sunud-sunod na tawag niya sa akin.
Hindi ko siya pinapansin at patuloy lang ako sa paglalaro kaya bigla niyang hinablot ang cellphone ko para pansinin ko na siya.
"Rin ano ba!" Irita kong sabi.
"Kinakausap kita pero hindi mo ako pinapansin." Aniya sabay pout.
Gusto kong pisilin ang pisngi niya dahil ang cute niya pero nanatili akong seryoso at kunwari walang pake.
Kinuha ko ang libro namin sa first subject para magbasa kuno, pero nagsalita ulit siya.
"Baliktad 'yung pagkakahawak mo sa libro." Aniya.
Napagtanto kong baliktad nga, kaya pala hindi ko mabasa.
Binaliktad ko ang libro para maayos.
"Simon, anong ginawa mo kahapon, bakit hindi ka na bumalik nung first subject natin hanggang sa magrecess na? Tapos hinanap ka namin ni Blake nung break time hindi ka namin mahanap, tapos pagbalik namin dito, pati bag mo wala na rin. Nag-cutting class ka ba kahapon? Bakit mo ginawa 'yun? Saan ka nagpunta?" Sunud-sunod niyang tanong.
Sinara ko ang libro ko at saka kinuha ang cellphone sa kamay niya.
"May nag-aya kasi sa akin maglaro sa computer shop, kaya ayun." Simpleng sagot ko.
"May nag-aya sa'yo? Bakit mas mahalaga ba 'yung computer games kaysa sa pag-aaral mo?" Sermon niya sa akin.
Kaya ang ilang kaklase naming naririto kasama si Blake ay nakatingin na sa amin.
"Rin naman para kang nanay ko kung manermon." Kamot ulo kong sagot.
"Tsk pasaway ka kasi, gusto mo ba isumbong kita sa mama mo?" Panakot niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Hahaha 'wag namang ganun Rin, hindi ko na uulitin 'yon promise." Ani ko.
"Pangako?" Sambit niya at tinuro pa ang mukha ko.
"Pangako." Nakangiti kong sabi nakataas pa ang kanang kamay.
Binigay niya ang mga notes niya para makopya ko ang lesson na na-miss ko kahapon.
Tinuruan ako ni Irene at idini-discuss niya sa akin ang napag-aralan nila kahapong wala ako, nang biglang umepal si Blake.
"Irene pwede ko bang tanungin kung paano 'to? Hindi ko kasi naintindihan 'yung tinuro ni ma'am kahapon eh." Sambit nito sabay pakita kay Irene ng notes niya.
Napasimangot naman ako dahil sadyang isa siyang dakilang epal.
Kita niyang tinuturuan ako ng bestfriend ko ng seryoso dito tapos aagawin niya atensyon nito sa akin? Aba mali 'yon
"Di'ba nandito ka naman kahapon? Ako dapat 'yung tuturuan ni Irene dahil wala ako kahapon. Kaya 'wag ka ng umepal!" Sampal sa kanyang sambit ko.
"Nag-cutting ka di'ba? Kaya hindi na namin kasalanan 'yun kung wala kang alam sa lesson." Sagot nito at ngumisi ng pang-asar sa akin.
Nakaramdam naman ako ng inis.
Sasagot pa sana ako pero pumagitna na sa amin si Irene.
"Okay tama na. Dalawa kayong tuturuan ko pero isa-isa lang ha?!" Sambit ng bestfriend ko.
At syempre dahil dakilang epal si Blake. Siya ang unang nagpaturo kay Irene.
Hinayaan ko nalang. Bahala sila ng dalawa.
BREAK TIME.
Dahil ayokong makahalata si Irene na nagtatampo ako dahil sa closeness nila ni Blake, ay sumama ako sa kanilang kumain.
Magkakasama kaming tatlo na pumila sa counter at pagtapos namin makabili ng pagkain ay humanap na kami ng mauupuan.
Punuan ang mga tables sa dami ng estudyante.
Pero magaling si mokong dahil nakahanap siya ng espasyo.
Sumunod kami ni Irene sa kanya.
"Pwede bang makiupo?" Tanong ni Blake sa mga estudyanteng nasa table, na may dalawa pang na natitirang espasyo.
"Yes sure." Sagot ng isa kaya agad niyang pinaupo si Irene sa isang upuan.
Uupo na rin sana ako sa tabi ni Irene pero.
"Ayy sorry bro. ako dito eh, wala na bang pwesto du'n sa kabila? Hanap ka nalang ng ibang table." Halatang nang-aasar na sambit ni Blake sabay ngisi sa akin.
"Sandali dito Simon meron pa, share nalang tayo sa upuan ko." Ani Irene at nagbigay ng kalahating espasyo sa upuan niya para sa akin, pero umiling ako.
"Hindi na Rin, ikaw nalang diyan para makaupo ka ng maayos. Hahanap nalang ako ng ibang bakanteng upuan." Nakangiting sagot ko sa kanya.
Nakahanap naman ako ng bakanteng upuan sa 'di kalayuan.
Nilingon ko sina Irene at nakita kong lumingon si Blake.
Mapang-asar talaga ang mokong dahil ngumisi pa sa akin at kumaway pa ng nakakaasar.
Iniinggit niya ako dahil katabi niya ang bestfriend ko.
Tinignan ko siya ng masama at pinakyuhan ko siya.
Nginisian ko siya nang makita ang reaksyon niya, bigla siyang nabadtrip hahaha!
Pagtapos no'n ay hindi na ako lumingon pa at nagfocus na ako sa pagkain ko. Gutom na ako eh.
At habang kumakain naman ako ay nag-iisip ako kung paano ako makakaganti kay Blake.
Masyado nang epal eh.
Nakakadalawa na ang mokong eh. Isa nalang at bibinggo na siya sa akin.
Kaya nang matapos ko ang kinakain ko ay lumabas ako ng canteen.
Tumungo ako sa parkehan ng mga bike namin at nilapitan ko ang bike ni Blake.
Napangiti ako sa naisip kong kalokohan.
HAHAHAHA!
BINABASA MO ANG
My Girlbestfriend (Teen Fiction) | Unedited
TeenfikceMeron akong girlbestfriend. Simple lang ang buhay namin bilang matalik na magkaibigan, pareho kaming masaya at okay na okay kami sa isa't-isa. Ngunit isang araw, may dumating. At nung dumating lang ang taong 'yun nagbago na ang lahat. - - - My Girlb...