Chapter 35

41 6 0
                                    

CHAPTER 35.


PUMWESTO SILA ng grupo nila sa isang maluwag na mesa. Gaya ng ilang mga grupo rin na naririto sa bar.

Umorder sila ng maraming inumin at pulutan.

Pumwesto naman kami ni Lian malapit sa kanila. Sa table na maririnig namin ang usapan nilang magtotropa.

Sa una ay nagkukwentuhan lang sila ng mga kung anu-anong bagay na wala namang kwenta habang nag-iinuman. Hanggang sa sunud-sunod ng nagsidatingan ang girlfriends ng mga tropa niya at naki-jaming sa kanila.

Pagkalipas ng mahigit 40 minutes, medyo nakaramdam na sila ng konting epekto ng alak. Mas nagiging wild sila. Nagsasayaw na ang iba sa upuan nila.

Maya-maya pa ay narinig naming tinanong ni Blake ang isang tropa niya, na katabi niya, na abala sa cellphone.

"Nasaan na tol 'yung sinasabi mo sa akin na ipapakilala mo?" Tanong ni Blake dito.

Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Lian. Alam naming dalawa na babae ang tinutukoy nito.

"Wala pre, mamaya pa raw makakapunta." Anito.

"Ugh antagal naman! Hindi ko nga sinama si Shiana dahil sabi mo may ipapakilala ka sa akin. Tapos late pa 'yang kausap mo?" Ani Blake ng naiinis.

"Kasalanan ko ba kung hindi mo sinama 'yung gf mo ngayon, at wala kang makaharutan?" Sagot ng tropa niya.

"Oo, tignan mo naboboring na'ko!" Reklamo ni Blake.

"Naboboring ka? Mas mabuti kung sundan mo nalang sina Jules doon sa counter oh. Tignan mo andami nilang kausap. Mga kaibigan ata 'yon ng gf niya, puro babae." Suhestiyon ng tropa niya.

"Saka andami pa namang ibang babae dito sa bar eh, bakit hindi ka humatak ng isa o dalawa o tatlong chix? Tutal mahilig ka naman sa babae di'ba pre?" Pang-asar ng tropa niya.

Nagtawanan naman ang ibang nakarinig sa sinabi nun.

"Tsk g*go, ewan ko sa inyo!" Pikon na sambit ni Blake sa tropa niya at tumayo.

Lumapit siya doon sa counter kung nasaan si Jules, na nakaakbay sa girlfriend niya at nakikipag-usap sa mga kaibigan o kakilala nilang puro babae.

"Tara, " sabi ni Lian at sumunod kami sa counter.

Pasimple kaming tumabi kina Jules, na ngayon ay kausap na si Blake.

Tama nga ang naisip ni Lian na magdisguise kaming dalawa. Para madali lang kaming nakakalapit sa kanila, nang hindi nila nahahalata at nalalaman na kami ito, lalo ni Blake.

Pinakilala ni Jules si Blake sa mga babaeng kausap nila ng gf niya.

Narinig namin na mga kaibigan nga ito ng girlfriend ni Jules, at dahil puro mga babae ay parang isang leon na nakawala na naman sa kwadra si Blake.

Nilapitan niya lahat ng babae, at tinabihan niya ang pinakamagandang chix na kaibigan ng gf ni Jules, at nilandi niya na ito.

"Hi baby, anong name mo?" Tanong ni Blake dun sa babae, nang-aakit ang tono ng boses nito.

"Jane, sweety. Ikaw?" Sagot naman ng babae.

Napairap naman si Lian.

"I'm Blake baby. Ahmm may boyfriend ka na ba?" Tanong pa rin ni Blake sa babae.

"Wala eh, gusto mo ikaw nalang?" Malanding sagot ng babae.

Bigla namang hinapit ni Blake sa bewang ang babae at dinikit niya ang katawan nito sakanya.

Nag-order siya ng inumin para sa kanilang dalawa.

"Napakalandi talaga ng hinay*pak!" Nanggigil na sambit ni Lian.

"Oh akala ko ba chill-chill lang tayo? Bakit parang ikaw na ang manunugod diyan?" Bulong ko kay Lian. "Relax, mas mabuti pa, palihim mo na silang kuhanan ng video." Ani ko.

Agad naman hinanda ni Lian ang cellphone niya. At palihim niyang tinutok kina Blake ang camera.

Sa pagkakataon na 'yun ay mas lalo na silang nagharutan ng babae.

"Single ka ba talaga? Baka may gf ka na ha?" Sambit ng babae kay Blake.

"No wala hahaha. Single ako, kaya pwedeng-pwede akong maging sa'yo ngayon gabi, baby." Ani niya sa babae at nilapit ang mukha.

Napaismid naman si Jules sa sinabi ni Blake na wala siyang gf.

Samantalang dala-dalawa ang gf niya. 'Yung bestfriend ko at 'yung Shiana? At may isa pa siya sa school namin tapos may bago na naman?

Pakboy nga talaga, kung sinu-sinong babae nalang ang hinaharot.

Habang seryosong kinukahanan ni Lian si Blake at 'yung babae, ay umorder si Jules ng apat na inumin.

Ang dalawa ay para sa kanila ng gf niya at 'yung dalawa ay inabot niya sa akin.

Nagulat ako sa ginawa niya. Tumingin siya sa akin at ngumisi.

"Enjoy the live show." Malaman na sambit ni Jules sa akin.

Alam ko na ang tinutukoy niyang live show ay ang ginagawa ni Blake at nung babae.

"Shocks Jules, nakilala mo kami?" Bulong ni Lian sa tabi ko.

Tumango ito, "oo haha napakadali ko lang kayong nakilala." Sagot nito.

"Ah babe, sino sila?" Tanong ng gf ni Jules sakanya at tinuro kami.

"Kakilala ko lang babe, si Bryan at ang gf niyang si Ann." Pakilala niya sa amin.

Magaling, hindi sinabi ni Jules ang tunay naming mga pangalan. Pero anong sabi niya? Gf ko 'tong si Lian, na kasama ko?

Hays palampasin na nga lang natin. Para hindi sila maghinala.

"Hi!" Bati sa amin ng gf niya.

"Hello." Kaway din ni Lian dito at ngumiti. Ngumiti lang din ako dito.


Habang kausap namin sila, maya-maya pa ay biglang nag-ingay ang mga kaibigan ng girlfriend ni Jules.

Nagkantyawan ang mga ito habang nakatingin kina Blake.

At nakita namin ni Lian na naghahalikan na pala ng mapusok si Blake at 'yung babae. As in sa harap pa ng maraming tao.

Napapa-woah! nalang ang iba at si Jules ay napapa-iling nalang.

Ako naman ay nagugulat pa rin sa nasasaksihan ko, kahit na hindi ito ang unang pagkakataon na makita kong may kahalikan siya.

Masusi namang vinideohan ni Lian ang naganap na iyon at nang matapos sila ay pinababa ko na ang cellphone ni Lian.

"Okay na 'yan, tama na 'yan." Sabi ko sakanya. Dahil malaking ebidensiya na 'yong nakuha namin.

Sinunod naman niya ako at sinave niya ang video.


Aalis na sana kami dahil tapos na ang sadya namin dito nang hawakan ako ni Jules sa balikat ko at pinigilan akong umalis.

"Huwag muna kayong umalis." Nakangisi nitong sambit at tinawag si Blake.

"Tol, iwanan mo muna 'yang babae mo, saglit lang may ipapakilala lang ako sa'yo." Ani Jules dito.

Nanlaki naman ang mga mata namin ni Lian. Bigla kaming kinabahan.

Ipapakilala niya kami kay Blake? Sasabihin ba niya kay Blake na nandito rin kami?

Anong gustong mangyari nitong si Jules?

My Girlbestfriend (Teen Fiction) | UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon