Chapter 27

47 6 0
                                    

CHAPTER 27.


DAYS PASSED. Ganun palagi ang set up nina Blake at Irene. Kunwari sa akin siya sasabay pumasok, dahil nakabantay ang mama niya palagi kapag papasok na siya ng school. Para alam nito kung sino ang kasabay niyang pumasok.

Ako ang front niya sa pagpasok, pero ang totoo ihahatid ko lang siya sa kanto at makikipagkita siya kay Blake tapos bahala na silang dalawa.

Huwag lang silang magpapahuli kina tito.

Minsan naman ay may pupuntahan pa sila kung saan, na hindi ko alam dahil hindi naman nila sinasabi sa akin, kaya nalelate sila sa mga first subjects namin.


"HUY! Simon kwago, 2 days nalang ah matatapos na ang one week na palugit mo kay Irene." Sambit ni Lian habang kumakain kami sa canteen.

Habang sina Blake at Irene ay nasa medyo malayong table.

Hindi na kami masyadong sumasama sa kanila ni Lian dahil awkward, at nagkakaroon lang ng tensyon lalo na sa pagitan nina Lian at Blake, mainit ang ulo nila sa isa't-isa eh.

At hiling din ni Irene na bigyan namin sila ng 'privacy' muna ni Blake, susulitin lang daw nila ang ilang araw na magkasama.


"Oh ano naman?" Tanong ko kay Lian ng mabanggit ang tungkol sa palugit.

"Dzuh! Paano kung hindi tumupad si Irene doon? Paano kung lalo siyang magmatigas, at hindi na talaga siya makipaghiwalay kay Blake?" Aniya.

Natigilan ako sa sinabi niya.

May punto siya. Paano nga ba kung hindi sumunod si Irene sa napagusapan? Edi patay na!

"Hindi pwedeng lumampas pa ng isang linggo o matagal nilang itago ang relationship nila kina tito at tita." Sambit ko.

"What if nga hindi siya pumayag makipaghiwalay? Ganun din si Blake, what if hindi rin pumayag 'yong mokong na 'yun? Lalo na ngayon oh, mas lalo silang naging malapit sa isa't-isa. Mas lalo silang naiinlove sa isa't-isa, dzuh!" Napapairap na sambit ni Lian.

Napailing nalang ako.

Paano nga ba kung hindi tumupad si Irene sa napagusapan?

"Anong plan B mo?" Tanong niya.

"Plan B?" Kunot noong tanong ko sakanya.

Umirap siya. "Plan B, dzuh! Kapag hindi sumunod sa usapan niyo si Irene, anong next mong plano? Paano na? Paano mo sila paghihiwalayin? Paano 'yung about sa pagsisinungaling mo sa magulang niya?" Paliwanag niya.

"Ikaw ba may naisip na?" Tanong ko sakanya.

"Oo meron." Sambit niya at kumindat.

Umupo ako ng maayos, "ano yun?" Tanong ko.

Baka makatulong ang naisip niyang plano eh.

"Ang plano ay," lumapit siya sa akin. "Wala!" Sagot niya.

"Ano wala?!" Tanong ko.

Tumangu-tango siya.

"Anong wala? Ayos 'yang plano mo ah, wala tayong gagawin? Hahayaan lang natin silang ganun?" Tanong ko.

"Exactly." Sambit niya at pinitik ang kamay niya sa harap ko. Sumandal siya sa upuan.

"Wala tayong gagawin hahayaan lang natin silang lihim na nagkikita at lihim na tinutuloy ang relasyon nila." Aniya.

"Anong klaseng plano 'yun, nahihibang ka ba Lian?" Tanong ko

Umiling siya. "Hahayaan mo lang silang ituloy 'yan, hanggang sa mahuli sila ng magulang niya. At kapag nangyari 'yun? wala na silang magagawa kundi ang maghiwalay sa ayaw at sa gusto nila." Aniya.

My Girlbestfriend (Teen Fiction) | UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon