CHAPTER 36.
DAHIL TINAWAG ni Jules si Blake ay lumapit ito agad sa amin.
"Ano 'yun tol?" Tanong nito.
Inakbayan naman ako ni Jules. "Si Bryan bagong kakilala ko dito sa bar, nung nakaraang araw ko lang sila nakilala. At ito naman si Ann, gf niya." Turo niya kay Lian.
Tinignan naman kami ni Blake ng mula ulo hanggang paa, lalo na si Lian. Tinitigan niya ito ng matagal dahil sa nerdy look na ayos nito.
Maya-maya ay ngumiti rin si Blake sa amin. "Yow, kumusta? Ako si Blake, tropa ni Jules." Ani nito sa akin at nakipagkamay.
Tinanggap ko nalang para hindi maghinala. Parang hindi niya kami nakikilala ni Lian.
Tumingin siya kay Lian. "Ayos ang girlfriend mo ah. Nerd pero nagba-bar? Hahahaha, wala lang confused lang ako." Anito.
Tumingin naman sa akin si Blake. "Pero bagay kayo ah. Hahaha!" Sambit pa niya na akala mo'y close kami.
Nakitawa nalang rin kami ni Lian sakanya.
"Ah thanks bro." Sambit ko na medyo iniba ang tono ng boses, baka kasi makilala niya ako.
"Pero to be honest ah, parang pamilyar na kayong dalawa sa akin. Nagkita na ba tayo before?" Seryoso ng tanong ni Blake.
Natigilan naman ako bigla sa sinabi niya.
Nakakainis naman kasi itong si Jules. Nagmumukha tuloy kaming mga tanga ng dahil sakanya!
Si Jules naman ay halatang nagpipigil ng tawa habang kinakausap kami ni Blake. 'Yung mukha kasi namin ni Lian ay parang natatae na ewan.
Kinakabahan kami baka mahuli kami nito.
"H-hindi, ngayon lang kita nakita bro." Sagot ko.
"I see." Pagsang-ayon niya at tinignan muli saglit si Lian pero binawi niya rin agad.
"Ehem! So hindi mo rin ba sila ipapakilala sa bago mong girlfriend, Blake?" Tanong ni Jules kay Blake at tinuro ang babaeng kahalikan niya kanina.
Umiling si Blake at bahagyang tumawa. "Hahaha, alam mo namang hindi ko siya girlfriend tol. Kalandian ko lang 'yan, ano ka ba!" Bulong ni Blake kay Jules.
Tumawa naman si Jules at halata mong gusto niyang asarin si Blake ngayon.
"Tol come on, hinalikan mo 'yung babae kanina at nakita nila 'yun. Akala tuloy nila gf mo 'yun." Ani Jules dito. "Di'ba guys?" Baling niya sa amin ni Lian.
Napipilitang tumango lang kami ni Lian kahit na alam naman naming hindi niya talaga gf 'yun.
Kinalabit naman ako ni Lian. "Anong gagawin natin ngayon? Tara alis na tayo." Bulong niya.
"'Wag, parang alam ko na ang gustong mangyari ni Jules. Gusto niyang magkaroon ng palabas, pwes pagbigyan natin siya!" Sambit ko.
"Ano?!" Naguguluhan namang tanong ni Lian sa'kin.
"Basta sakyan nalang natin si Jules at Blake. At magpanggap nalang tayong ibang tao." Bulong ko.
Umirap naman siya, halatang nabuburyo na siya sa ginagawa namin.
Umiling si Blake at saka nagsalita.
"Look guys, pasensya na pero to be honest 'yung girl na kahalikan ko kanina ay hindi ko talaga girlfriend." Pag-amin nito.
"Talaga tol? Well, kung hindi mo pala siya girlfriend, bakit mo hinalikan?" Tanong ko sakanya.
Medyo nagtaka naman siya sa tanong ko. Medyo napersonalan ata siya, dahil nga hindi niya talaga kami nakilala.
BINABASA MO ANG
My Girlbestfriend (Teen Fiction) | Unedited
Teen FictionMeron akong girlbestfriend. Simple lang ang buhay namin bilang matalik na magkaibigan, pareho kaming masaya at okay na okay kami sa isa't-isa. Ngunit isang araw, may dumating. At nung dumating lang ang taong 'yun nagbago na ang lahat. - - - My Girlb...