CHAPTER 39.
"PWEDE KA ng lumabas at pumasok ng school? Hindi ka na grounded?" Masayang tanong ko kay Irene nang papasukin ko siya sa loob ng bahay namin.
"Oo, Simon. Kaya masaya ako, namiss kita!" Aniya at niyakap ako ng mahigpit.
Niyakap ko rin siya pabalik. Humiwalay rin siya agad ng yakap.
"Paano? Hindi na ba galit si tito?" Tanong ko.
Umiling siya, "hindi na, kasi alam niya na at alam ko na rin ang totoo." Sambit niya.
Nagtaka naman ako sa sinabi niya, "totoo?" Kunot noong tanong ko.
"Sa school ko na sasabihin sa inyo, kapag kaharap na natin sina Lian at Blake." Aniya kaya lalo akong nagtaka sa kanya.
Alam niya na ang totoo? 'Yung tungkol ba kay Blake ang tinutukoy niya? Ngunit paano?
Magtatanong pa sana ako nang higitin niya na ako palabas ng bahay namin at nagpaalam siya sa mama ko na aalis na kami.
"Mag-ingat kayo mga anak ha?" Sambit ni mama at kumaway.
"Opo." Sambit naming dalawa ni Irene.
"Tara na pumasok na tayo sa school." Excited na sabi ng bestfriend ko.
Kaya sumakay na ako sa bike ko at umangkas na rin siya.
"Ano 'yung ibig mong sabihin, Irene? Anong totoo?" Takang tanong ko pa rin sa kanya habang nakasakay kami sa bike.
"Huwag ka ng magtanong basta malalaman mo rin pagdating natin sa school." Sabi niya.
"Aish, pabitin ka pa." Sabi ko, tumawa naman siya.
Kinulit ko siya kung ano 'yung sasabihin niya, pero ayaw niya talagang sabihin. Hanggang sa makarating na kami sa school ay hindi pa rin siya nagsasabi.
"Tara na, Simon!" Excited niyang sabi sa akin at hinila na ako paakyat sa classroom namin.
At pagdating namin sa classroom ay naabutan namin doon na nagsasagutan sina Blake at Lian.
"ANO PA BANG PROBLEMA MO? PINALITAN KO NAMAN NA NG PERA 'YUNG P*TANG'NANG CELLPHONE MO AH?!" Sigaw ni Blake kay Lian at tinuro ang tagwa-one thousand na perang nakalapag sa desk ni Lian.
"HINDI SAPAT 'YAN! HINDI MO ALAM KUNG GAANO KAHALAGA 'YONG CELLPHONE KO! NAG-IISA LANG 'YON! REGALO PA 'YON NG DAD KO SA'KIN TAPOS SISIRAIN AT ITATAPON MO LANG? G*GO KA PALA EH!" Sigaw din ni Lian sa kanya.
Ang mga kaklase naming nandidito na ay nanonood lang sa away nilang dalawa.
Wala pa si President Zie kaya walang may lakas ng loob na umawat sa kanila.
Nanggigigil naman na nilapitan ni Blake si Lian.
"Eh kung hindi ninyo sana ako minamanmanan at kinuhanan ng l*ntek na video o litrato, edi sana hindi napuruhan 'yung cellphone mo! Kasalanan mo rin kasi naging pakialamera ka! Kayo ng Simon na 'yon!" Inis na sambit ni Blake.
"Ako? Kami? Pakialmero't pakialamera?! Sige sabihin mo lang na ganyan kami ni Simon sa relasyon ninyo ni Irene, eh nagmamalasakit lang naman kami sa tao eh dahil alam naming pakboy ka! Nagmamalasakit lang kami kay Irene lalo na't bestfriend siya ni Simon! Nagmamalasakit lang kami sa kanya dahil ayaw naming makita at hayaan nalang na lokohin at gamitin mo si irene gaya ng ginawa mo sa'kin at sa iba pang mga babaeng nabiktima mo noon!" Sagot ni Lian.
"At saka baka nakakalimutan mo ang mga pinagsasabi mo nung gabi sa bar tungkol kay Irene? Di'ba sinabihan mo lang naman siyang pabebe at boring di'ba? Sinabi mo lang naman na, 'Sino ba naman kasi ang magtiya-tiyaga sa gano'ng babae? napakaboring at sobrang pabebe! Si Lian nga na ex ko na malakas ang da-ting, gin*go ko eh, 'yun pang Irene na 'yon na napakamahinhin?!'" Ulit ni Lian sa sinabi ni Blake.
Saktong-sakto ito sa sinabi ni Blake no'n sa bar. Parang na-memorize niya agad iyon kahit na isang beses lang niya narinig iyon kay Blake.
Sabagay may masakit na nakaraan kasi si Lian sa lalaking 'to kaya ganun nalang siguro kasakit sa kanya 'yung sinabi ni Blake sa bar?
Hindi naman nakaimik si Blake. Bigla siyang natigilan dahil napahiya na rin siya sa mga kaklase naming nakarinig at naririto.
"Hindi ba Blake? Sinabihan mo lang naman siya, at maging ako ng masasakit na salita sa gitna ng maraming tao?!" Ani muli ni Lian at tumulo na ang luha nito sa sakit.
Alam kong nagulat din si Irene sa narinig niya, nasaktan. Dahil maging ito ay napaluha na rin sa mga narinig.
Ngunit hindi kumibo si Irene, hinayaan lang niyang mag-usap pa ang dalawa. Alam kong gusto pa niyang marinig ang mga sasabihin nila at ang mga malalaman niya tungkol kay Blake.
Kaya hindi na rin muna ako kumibo.
Pinunasan ni Lian ang luha niya. Nakatingin lang si Blake ng masama sa kanya.
Maya-maya ay nagsalita na ito at dinepensahan ang sarili.
"Anong pake mo kung sinabi ko 'yun? Totoo naman eh! Boring siya, at ikaw? Kaya kita sinaktan kasi nagsawa na ako sa'yo! Gusto ko naman ng iba!" Sambit ni Blake, bigla naman siyang sinampal ng malakas ni Lian.
Nagulat kaming lahat sa ginawa ni Lian. Anlutong nung sampal.
Ngunit imbes na magsorry sa sinabi niya ay tumawa pa ang mokong.
"Hahaha bakit mo 'ko sinampal? Nasaktan ka ba? Nasaktan ka ba sa mga sinabi ko ha?! Kaya pala, HAHAHA! Kaya pala!" Mapang-asar nitong sabi habang tumatawa na parang t*nga.
"Kaya pala nangingialam ka pa rin sa'min ni Irene at nakikisawsaw ka sa relasyon namin kasi nasasaktan ka pa rin at hanggang ngayon may feelings ka pa sa'kin! At hindi mo pa tanggap na pinalitan na kita kaya mo kami sinisira ni Irene, 'di ba?!" Sambit niya kay Lian.
Tsk may sariling konkulsiyon si Blake. Masyado siyang assumero.
Tinitigan niya ng matalim sa mata si Lian at lumapit pa siya dito.
Ngumisi si Lian sa kanya at tinatapatan siya.
"Eh siraulo ka pala eh! Asa ka! Masyado kang pilingero at assumero, Blake. At higit sa lahat b*bo mag-isip! Nasasaktan ako? Oo, dahil may damdamin ako! Nasasaktan ako sa simpleng masasakit na salita lang dahil may damdamin din ako! Pero hindi na kita mahal Blake! HINDI NA KITA MAHAL! NAKA-MOVE ON NA AKO SA'YO!" Sigaw ni Lian sa pagmumukha niya.
Sinampal talaga ni Lian sa kanya ang mga huling salitang hindi na siya mahal nito.
Pero hindi natinag si Blake. Nagawa pa nitong tumawa. "HAHAHAHA! Ah talaga? Naka-move on ka na? Nasaan ang pruweba mo? Eh hindi mo nga ako pinapatahimik eh!" Sambit nito.
"Kapag patay ka na saka kalang matatahimik, Blake. Gusto mo gawin ko sa'yo para manahimik ka na't wala ka ng mabiktimang inosenteng babae?" Banta ni Lian.
Nagtawanan naman ang mga kaklase namin sa sinabi nito.
Savage!
Lalong nagsalubong ang kilay ni Blake.
Pero dahil sa banat ni Lian ay medyo humupa ang tensyon sa kanila. Mukhang mag-aasaran nalang ang dalawa.
"Kahit ano pang sabihin mo halata namang gusto mo pa rin ako!" Sambit ni Blake na animo'y pinapaamo na si Lian.
Pero mas lalong inilabas ni Lian ang katarayan niya sa ex niya.
"Mandiri ka nga sa sinasabi mo, Blake. Uulitin ko hindi na kita mahal! Nakamove on na ako sa'yo 101%! Hindi na kita mahal dahil may iba na akong gusto!" Pagmamalaki ni Lian.
Bigla naman akong kinabahan sa sinabi ni Lian. May iba na siyang gusto? Aba sino 'yun? May iba na pala siyang gusto bakit hindi niya sinasabi sa akin? Napaka-swerte naman ng lalaking 'yun.
Tumawa naman si Blake sa sinabi niya.
"Ah talaga? Meron ka ng ibang gusto? Sino? Sige ipagmalaki mo sa'kin ngayon! Sino?!" Maangas na sambit ni Blake.
"Ipagmamalaki ko talaga siya, kasi ibang iba siya sa'yo. Matino siyang lalaki at hindi siya katulad mo! Wala ka sa kalingkingan ni Simon, Blake!" Sambit ni Lian.
Nagulat naman ako ng marinig ang pangalan ko.
Ano daw? Ako? Anong ibig sabihin ni Lian?
BINABASA MO ANG
My Girlbestfriend (Teen Fiction) | Unedited
Teen FictionMeron akong girlbestfriend. Simple lang ang buhay namin bilang matalik na magkaibigan, pareho kaming masaya at okay na okay kami sa isa't-isa. Ngunit isang araw, may dumating. At nung dumating lang ang taong 'yun nagbago na ang lahat. - - - My Girlb...