CHAPTER 29.
NAGKITA NGA kami ni Lian at pumunta kami si bahay ni Blake.
Sakto pagdating namin ay may astigin na sasakyan ang biglang pumarada sa harap ng bahay nila Blake.
Hinigit naman ako ni Lian at nagtago kami sa gilid, sa hindi nila nakikita.
"Kilala ko kung kaninong sasakyan 'yan." Ani Lian.
"Kanino?" Tanong ko.
"Sasakyan 'yan ng isa sa tropa ni Blake. 'Yung pinaka-kuya nila sa grupo. 'Yan ang lagi nilang gamit kapag nagpupunta sa gig, bar, club, party o kung saanman nila gustong pumunta. Gamit nila 'yan kapag magkakasama silang magtotropa!" Paliwanag niya.
"Ano? Edi imbes na puntahan niya si Irene, ay naghahappy-happy pa siya kasama ang mga tropa niya?" Naiinis na tanong ko.
"Ganun na nga! Ganyan ang style ng katulad niyang pakboy eh." Aniya.
"Hindi nalulungkot ang mga pakboy at wala silang pake sa gf nila kapag may problema. Ang ginagawa nila nagpapakasaya sila kasama ang tropa at nakikipaglandian sa kung sinu-sinong babaeng makilala nila." Aniya pa.
At maya-maya pa ay nakita kong bumukas ang pinto, sunud-sunod silang nagsilabasan sa sasakyan.
At laking gulat ko na paglabas ni Blake sa sasakyan ay may inalalayan siyang isang babae, at humalik pa ang babae sa pisngi niya at kiniliti pa siya.
Gustung-gusto naman niya ang ginagawa nito, nilambing niya pa ito at inakbayan at naglakad sila papasok sa bahay nila.
Sumunod naman ang mga tropa niyang lalaki na may kanya-kanya ring dalang mga babae habang nagkakantyawan. Lahat sila ay papasok na sa bahay nila Blake.
"Picturan mo, videohan mo!" Natatarantang utos sa akin ni Lian.
Kinuha ko naman ang cellphone ko pero mabilis silang nakapasok sa bahay nila Blake
Hindi ko na nakuhanan ng litrato si Blake at 'yung babae. Mga tropa lang niyang nakatalikod ang nakuhanan ko.
Tinignan agad ni Lian ang kuha ko. "Tsk sayang, hindi mo nakunan agad si Blake." Aniya. "Hays! Hayaan mo na nga, next time nalang. Alam ko naman na mahuhuli ulit natin siya eh." Siguradung-siguradong sambit ni Lian.
Ako naman ay hindi makapagsalita sa nakita ko. Ang nararamdaman ko lang ay inis at galit kay Blake. Nanggigigil ako sakanya.
Gusto ko siyang sapakan sa mga oras na ito. Pakipigilan ako, please!
Tama nga pala talaga ang sinasabi ni Lian tungkol kay Blake. Manloloko nga ito at pakboy.
Bakit niya nagawa ito sa bestfriend ko? Hindi pa sila official na naghihiwalay.
Si tito lang ang nagsabi nun, pero para kay Irene, sila pa ring dalawa ni Blake. Umaasa pa rin ang bestfriend ko sakanya.
Pero anong ginagawa ng mokong na 'yun? Nagpapakasaya!
Imbes na ipaglaban niya ang bestfriend ko, nambabae na siya agad? Meron na agad siyang iba?
Anong klaseng tao ka Blake?!
Akala ko tapos na ang malalaman ko sa araw na'to, pero maya-maya ay may lumabas na isa sa mga tropa ni Blake at may kinuha ito sa likod ng sasakyan.
Bigla naman akong hinila ni Lian palapit sa lalaki.
"Jules!" Tawag niya sa tropa ni Blake.
"Lian?" Sambit ng lalaki at ngumiti ito ng malawak sakanya.
"Oyy long time no see ah! Kumusta ka? Hahaha, parang kailan lang ikaw pa ang girlfriend ni Blake, ngayon iba na naman, hahahaha!" Malaman pero pabiro nitong sabi.
Tumawa rin si Lian, animo'y wala na talaga sakanya na meron ng iba si Blake.
"Oo nga eh. Pero past is past na, nakamove on naman na ako sakanya no'." Sagot ni Lian.
"Hahaha talaga?" Anito at tumingin ito sa akin. "Eh sino naman itong kasama mo, boyfriend mo?" Tanong nito at tinuro ako.
"Oo boyfriend ko." Sambit ni Lian at kumawiwit sa braso ko. Nagulat naman ako.
Pero bago ko pa itama ang sinabi ni Lian ay binawi rin niya agad iyon.
"Charot! Joke lang hindi! Kaibigan ko lang siya, hahaha!" Sambit ni Lian.
"Jules, siya nga pala si Simon. Bestfriend siya ng girlfriend ni Blake na si Irene." Pakilala niya sa akin.
Bigla namang nangunot ang noo ni Jules.
"Irene? Girlfriend ni Blake?" Tanong nito, "hindi ko kilala 'yun, si Shiana ang gf ni Blake ngayon, na kasama din namin sa loob." Paliwanag ni Jules.
Nagsalubong naman ang mga kilay ko sa narinig ko.
Ngumisi naman sa akin si Lian. "Sabi ko na nga ba eh!" Bulong nito sa akin.
Tumingin ulit siya kay Jules.
"'Yun ba 'yung kaakbay niya kanina?" Tanong ni Lian, para makasigurado.
Tumango naman si Jules. "Oo," sagot nito.
Confirm!
Hindi ko na napigilang magsalita.
"Kung ganun girlfriend din 'yon ng Blake na yon? T*ngn*! Eh boyfriend din siya ng bestfriend ko eh! So ganun, pinagsabay niya si Irene at 'yung babae?" Inis na inis na sambit ko.
Sa galit ko ay tinadyakan ko ang kotse ng tropa ni Blake.
Inawat naman ako ni Lian dahil baka masira ko pa ang sasakyan ng tropa nila.
Nagulat naman si Jules sa ginawa ko at bahagyang umatras. Natakot siguro akala niya ay susuntukin ko siya.
"Pre chill lang. Pasensya ka na kung nainis ka pero kilala mo naman din ata si Blake di'ba?" Anito.
Ngunit hindi ako sumagot.
"Isa ako sa mga tropa niya, pero aaminin ko na babaero talaga ang kaibigan ko. Hindi lang ito ang unang beses na ginawa niya 'yan.... Ginawa rin niya 'yun nung sila pa nitong si Lian." Anito at tinignan si Lian.
Nagkaroon ng sandaling katahimikan, kinalma ko na ang sarili ko. Hindi ito ang tamang panahon para ibuhos ko ang inis ko.
Ang mahalaga may nalaman ako.
"Sige una na ako sa loob. Lian, pakiayos nalang 'yang kaibigan mo ah, sige." Paalam nito.
Papasok na sana ito sa loob ng tawagin siya ni Lian.
"Jules," lumingon naman ito agad. "Pwede bang 'wag mo ng sabihin kay Blake o kahit sa mga tropa mo na nakita at nakausap mo kami ni Simon?" Pakiusap ni Lian.
Tumango naman ito at ngumiti. "Sige." Anito.
![](https://img.wattpad.com/cover/224261539-288-k734369.jpg)
BINABASA MO ANG
My Girlbestfriend (Teen Fiction) | Unedited
Teen FictionMeron akong girlbestfriend. Simple lang ang buhay namin bilang matalik na magkaibigan, pareho kaming masaya at okay na okay kami sa isa't-isa. Ngunit isang araw, may dumating. At nung dumating lang ang taong 'yun nagbago na ang lahat. - - - My Girlb...