Chapter 10

66 7 0
                                    

CHAPTER 10.

PANIBAGONG araw. Maaga akong nagising para pumasok sa eskwela.

Habang nagbabike ako papasok ng school, ay hindi ko alam pagdating ko sa intersection ng kalsada ay may makakabangga ako.

BLAG!

Tumilapon ako at ramdam ko ang sakit sa pagbagsak ko.

Pinilit kong tumayo at pinuntahan ang nakabanggaan kong nakabisikleta rin.

Parehas kami ng unipormeng suot kaya malaki ang concern ko kasi schoolmate ko ang nakabanggaan ko.

Nananatiling nakaupo ito, nakatalikod sa akin, iniinda ang sakit sa natamong sugat.

"Bro ayos kalang?" Tanong ko dito at hinawakan ko siya sa balikat.

Pero nagulat ako sa pagharap niya, si Blake pala.

"T*ng *na!" Bulalas niya at lalo siyang nainis ng malamang ako rin pala ang nakabanggaan niya.

"Ano ba nanadya ka ba?!" Galit na sigaw niya sa akin.

"Tol hindi ko sinasadya hindi kita nakita." Tinulak niya ako ng malakas at muling pinagmumura.

Napamura nalang din ako sa isip ko. Ito ba 'yung boyfriend ng bestfriend ko? sobrang sama ng ugali, aksidente lang naman ang nangyari at hindi sinasadya tapos ito akala mo kung sino siya umasta.

"T*nga ka eh! Hindi ka pumreno o lumiko man lang?! Kasalanan mo to! Ngayon pangalawang beses mo ng sinira ang bike ko!" Sigaw niya sa'kin at pinagmumura na naman ako ng malutong.

"P*tang *na tumigil ka na nga! Sumusobra ka na ah! Sabi ng aksidente ang nangyari! Aksidente! Walang may gusto! Anlaki ng problema mo ah!" Sa sobrang inis ko ay pumutok na rin ako.

Naikuyom ko na ang kamao ko, pinipigilan ko lang manapak.

Natigil naman na agad ang sigawan namin dahil may mga tao ng umawat at namagitan.

Balak sana kaming dalhin ng mga tao sa pinakamalapit na clinic o ospital pero tumanggi ako at nagtuloy na pumasok sa school.

Si Blake naman? Hindi ko alam kung nagpadala siya sa pagamutan, o tumuloy na sa pupuntahan, na alam ko ay sa bahay ni Irene.

Wala namang gano'ng sira ang bike ko at 'yung sugat at galos ko? Masakit pero dahil sa badtrip at inis ko kay Blake ay nawawala 'yung sakit.



PAGDATING ko sa school ay may ilang estudyante ang nakapansin sa itsura ko.

Madumi ang uniform ko, may sugat at gasgas sa braso at mukha ko pero hindi ko sila pinansin.

Naglalakad palang ako sa hallway ng may bumulaga na naman sa akin.

"HI GOODMORNING SIMON KWAGO!" Masiglang bati nito nakabuka pa ang dalawang kamay.

Alam na ninyo kung sino. Si Lian, siya lang naman ang tumatawag sa akin ng gano'n.

Pero ang pinagtataka ko ay bakit na naman siya nandito sa school at bakit naka-uniporme na naman siya ng school namin?

"Anong ginagawa mo dito tsismosang maganda?" Tanong ko.

Pero hindi niya sinagot ang tanong ko, bagkus pinansin niya ang itsura ko.

"O MY GASH! Ba't ganyan ang itsura mo? Bakit madumi ang uniform mo? Bakit may mga sugat at galos ka? Nakipagbugbugan ka ba o naaksidente?" Tanong niya habang tinitignan ang mga sugat ko.

Pero hindi ko siya sinagot.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong kong muli.

Tumingin siya sa akin, "basta mamaya ko na ipapaliwanag pero ngayon tara muna sa clinic ipapagamot natin 'yang mga sugat mo."

My Girlbestfriend (Teen Fiction) | UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon