CHAPTER 13.
UWIAN na at sumama sa akin si Lian dahil gusto niyang malaman kung saan ang bahay ko at ni Irene.
Dahil nabanggit ko sakanya na magkalapit lang ang bahay namin ng bestfriend ko.
Gusto rin daw niya makilala ang mama at papa ko, hindi ko alam kung bakit at kung anong trip niya, basta sinama ko nalang siya.
Wala naman problema dun, bestfriend ko na rin naman siya hindi ba.
Umangkas siya sa bike ko.
As usual hinatid naman ni Blake si Irene, pero mas nauna na silang umuwi.
Nagkukwentuhan kami ni Lian habang nagba-bike ako't angkas ko siya.
Medyo malapit na kami sa bahay namin, nang makita naming tumigil sina Blake at Irene sa kanto.
Bumaba si Irene sa bike ni Blake, humalik siya sa pisngi nito at nagpaalam sila sa isa't-isa.
Umalis naman agad si Blake at si Irene nama'y naglakad na mag-isa, pauwi.
Napatingin nalang kami ni Lian sa isa't-isa, na kapwa nagtataka kung bakit hindi na hinatid ni Blake si Irene sa bahay nito eh malapit naman na sila doon?
"Lapitan nga natin." Sabi ni Lian na siya naman talagang balak kong gawin.
Hinabol ko si Irene at tinawag.
"RIN!" Tawag ko, lumingon naman siya at huminto sa paglalakad.
Hininto ko ang bike ko sa tapat niya, at bumaba si Lian.
"Nakita ka namin bumaba sa bike ni Blake, bakit hindi ka niya hinatid hanggang sa bahay niyo? eh malapit naman na kayo doon?" Tanong ko.
Bumuntong hininga si Irene. Lumungkot na naman ang mukha niya.
"Magagalit kasi si papa 'pag nakita niya si Blake na kasama ko." Sagot niya na ikina-kunot noo ko.
"Ano?" Tanong ko.
"Di'ba bawal pa nga ako mag-boyfriend pero sinagot ko agad si Blake. Nung pinakilala ko ng nobyo si Blake sa magulang ko, tinanggap naman siya ni mama pero si papa, ayaw niya kay Blake."
"Gusto nga niya hiwalayan ko na si Blake eh pero ayoko.... Ngayon, nagtatampo pa rin sa akin si papa kasi gusto niya kaming paghiwalayin dalawa." Malungkot niyang sambit.
Naalala ko naman ang sinabi ni tito nung isang araw, noong gabing nasa bahay namin siya.
Sabi niya hindi siya papayag sa relasyon nina Irene at Blake.
At alam kong gagawa ng paraan si tito para maghiwalay silang dalawa. At ito na 'yun nagsisimula na.
Lumapit ako sa kanya. "Okay lang 'yan, Rin." Sambit ko at niyakap siya.
"Lihim nalang kaming nagkikita ni Blake dun sa kanto kapag papasok para magkasabay kami. At hanggang do'n nalang din siya kapag hinahatid niya ako." Sambit niya at nakita kong tumulo na ang luha niya.
Iyakin talaga 'tong bestfriend ko.
Si Lian naman ay nanonood lamang sa amin.
Pero nababasa ko sa mata nito na naaawa at nalulungkot rin siya para kay Irene.
Para hindi magduda ang mama at papa ni Irene ay inihatid nalang namin siya ni Lian sa bahay nila.
At sakto nakilala na rin ni Lian ang magulang ni Irene. Ngunit hindi na namin binanggit sa kanila na ex siya ni Blake, para na rin kay Irene.
Ipinagpaalam na rin namin siya kina tito at tita na isasama namin siya sa birthday party ni President Zie mamayang gabi. At sinabi naming wala doon si Blake, kaya pumayag sila.
Sinabi namin na hindi iyon pupunta doon, kahit na ang totoo ay dadalo rin ito. Oo nagsinungaling kami para kay Irene.
Pumayag sila dahil akala nila ay ako at si Lian lang ang kasama ng anak nila.
Pagkatapos namin maka-usap sina tito at tita ay pumunta naman kami sa bahay namin.
At nagulat si mama dahil bukod kay Irene ay may kasama pa akong ibang babae.
"Anak 'wag mo sabihing maga-asawa ka na?" Overacting na sambit ni mama.
Napa-poker face nalang ako.
Nagtawanan naman sina Irene at Lian sa sinambit ni mama.
"Tumigil ka nga ma." Sabi ko.
"Joke lang anak." Sabi ni mama at humarap kay Lian.
"Anong pangalan mo iha? Ikaw ba ang bagong girlfriend --este babaeng kaibigan ng anak ko?"
"Opo tita hahaha nice to meet you po." Ani nito at nagmano kay mama.
"Nako napakagalang naman ng batang ito, at napakaganda mo rin, gaya ng inaanak kong ito na si Irene. Mistisa, matangos ang ilong, maganda ang mga mata at labi, maganda rin ang buhok at higit sa lahat ay sexy!" Pambobola ni mama kay Lian.
Dahil walang hiya si Lian ay nagpose pa ito sa harap ni mama habang binobola-bola siya nito.
Napapailing nalang ako sa kanilang dalawa habang si Irene ay natatawa.
Hindi alam ni Lian na lahat naman ng babaeng ipapakilala ko kay mama na kaibigan ko eh sinasabihan niya ng ganyan.
So 'yun nga, matapos nilang makilala ang isa't-isa ay kumain kami habang nakukwentuhan.
Ansaya ko lang ngayong araw na ito dahil dalawang girlbestfriend ko ay kasama ko ngayon, kakwentuhan kasama si mama.
Wala si papa eh nasa trabaho, next time ko nalang siya ipapakilala kay Lian.
But for now, hayaan niyo akong muling makasama ang bestfriend kong si Irene. Matagal-tagal din namin itong hindi naka-bonding ni mama.
PAGKATAPOS ng mahigit dalawang oras na pagkukwentuhan ay nagpaalam na rin sina Irene at Lian para umuwi.
Maghahanda pa kasi kaming tatlo para mamaya sa birthday party na aming pupuntahan.
Hinatid ko na si Irene sa bahay nila kahit na malapit lang. Wala lang, sanay lang akong ihatid siya palagi.
Ihahatid ko na rin sana si Lian sa bahay nila pero ayaw niyang magpahatid. Kaya na raw niya ang sarili niya, kasi mas lalaki pa raw siya kaysa mga lalaki.
Halata nga, siya 'yung tipo ng babae na maingay pero malakas ang loob.
BINABASA MO ANG
My Girlbestfriend (Teen Fiction) | Unedited
Teen FictionMeron akong girlbestfriend. Simple lang ang buhay namin bilang matalik na magkaibigan, pareho kaming masaya at okay na okay kami sa isa't-isa. Ngunit isang araw, may dumating. At nung dumating lang ang taong 'yun nagbago na ang lahat. - - - My Girlb...