CHAPTER 16.
"IRENE." Biglang lingon naman si Irene sa likod niya ng marinig ang pamilyar na boses ni Blake na tumawag sakanya.
"Blake!" Napangiti siya ng makita ito, at humiwalay agad siya sa akin at niyakap niya agad si Blake.
Kumirot naman ang dibdib ko, ansakit!
Initsapwera na ako ng bestfriend ko, dumating lang 'yang mokong na 'yan.
Nakakainis wrong timing!
"Akala ko hindi ka na pupunta dito. Saan ka ba nanggaling?" Sambit ni Irene habang yakap si Blake, niyakap naman siya nito pabalik.
"Pasensya ka na mahal ko, may mahalaga lang akong pinuntahan kanina. Sorry kung hindi ko nasagot ang tawag at texts mo." Sagot ni Blake.
Napasimangot naman ako. May mahalaga lang daw pinuntahan, ang sabihin mo niloloko mo na ang bestfriend ko!
"Nakakainis ka! hinintay kita kanina sa kanto pero hindi ka dumating, kaya sumama nalang ako kay Simon papunta dito." Sabi ni Irene sakanya habang magkayakap pa rin sila.
Tumingin naman sa akin ng masama si Blake. Tingin ng inaagawan ng girlfriend.
Inirapan ko siya, ayan na nagagaya na ako kay Lian, kung paano umirap.
Hindi na ako naalala ni Irene, ni hindi niya na nga ako hinarap muli.
Si Blake na ang kasayaw niya kaya bumalik nalang ako sa upuan namin kaysa magmukha lang akong t*ngang nakatayo sa tabi nilang dalawa.
Nadatnan ko namang nakikipagkwentuhan si Lian sa mga kaklase namin.
"Oh tapos na kayong sumayaw ni Irene? Nasaan na siya?" Tanong niya.
"Ayun oh, kasayaw niya na 'yung mokong na 'yun. Dumating lang nakalimutan niya na, na ako 'yung kasayaw niya!" Turo ko, at nakita niya na kasayaw na ni Irene si Blake doon.
Humagalpak naman ng tawa si Lian. Tinawanan ako.
"Oh ano ka ngayon? Iniwan-iwanan niyo ko dito mag-isa sa table, ayan kinarma ka ngayon HAHAHA!" Pang-asar niya sa akin.
"Aish, tumigil ka nga!" Sambit ko.
Pero hindi siya tumigil, patuloy pa rin niya akong inaasar.
"Bleh buti nga sa'yo, nakakainis ka eh iniwan mo ko dito mag-isa!" Sambit niya.
"Nagtatampo ka ba dahil sinayaw ko si Irene?" Tanong ko.
Sumimangot naman siya at inirapan ako.
"Hindi, bakit naman ako magtatampo eh di'ba bestfriend mo siya?" Sagot niya kahit na halata namang nagtatampo talaga siya.
"Teka, mukhang hindi kalang pala nagtatampo, parang nagseselos ka rin, hahaha!" Sambit ko.
Nilakihan naman niya ako ng mata.
Dahil sa inaasta niya ay napansin kong cute din pala siya. Bakit ngayon ko lang 'yun nakita kay Lian?
Ansarap niya palang inisin at asarin.
"Hindi no!" Depensa niya.
"Hahaha yiiee nagseselos siya, crush mo ko no'?" Biro ko.
Namula naman siya at parang natigilan at mas lalo pang nainis.
"Crush? Ikaw magiging crush ko? Dzuh never mangyayari 'yon no!" Sagot niya at halata mong napikon na.
Nakasimangot na talaga siya habang nakatingin kina Blake at Irene na nagsasayaw.
"Hahaha sorry na Lian. Biro lang ito naman! Saka 'wag ka ng magtampo kung iniwan kita dito. Hindi naman pu-pwedeng sabay ko kayong dalawa ni Irene na isayaw di'ba? Baka sabihin ng iba eh chickboy ako hahaha." Sambit ko.
Nakasimangot pa rin niya akong tinitigan.
"Sige na sorry na, bati na tayo please?" Sabi ko sa kanya.
Nakasimangot pa rin siyang nakatingin sa akin, tinignan ko naman siya ng tingin ng nagpapaawa.
Maya-maya ay ngumiti na siya, hindi na ako natiis hahaha.
"Oo na bati na tayo," sambit niya at binatukan ako.
"Aray grabe ka naman makipagbati, nananakit." Inda ko.
"Hahaha sorry, Simon kwago, peace tayo!" Sambit niya sabay peace sign.
"Kawawa ako lagi akong magkakaroon ng bukol sa'yo." Ani ko.
"Hahaha, sige minsan nalang kita babatukan kapag kailangan nalang, eto oh inom ka muna ng wine." Sambit niya sabay bigay ng wine ko na iniwan ko kanina sa table at hindi ko pa naubos.
"CHEERS," nag-cheers kami at sabay na uminom ng wine.
Napadako naman ang tingin ko kina Blake at Irene na sweet na sweet pa ring nagsasayaw.
"Naiinis talaga ako kay Blake. Wrong timing ang mokong." Sambit ko.
"Bakit ano bang nangyari?" Tanong ni Lian.
"Balak ko na sanang mag-confess kay Irene kanina nung kasayaw ko siya, pero biglang dumating si Blake kaya hindi ako nakaamin." Paliwanag ko.
"Ano nag-confess ka?" Nagulat niyang tanong.
"Muntik na, sayang hindi ko nasabi." Sagot ko.
"Buti naman." Kahit na mahina ang pagkakasabi niya ay malinaw kong narinig ang sinabi niya.
"Buti naman?" Kwestiyon ko sa kanya.
"Buti naman, at hindi mo nasabi dahil kung hindi, maririnig ni Blake 'yon tapos pwede 'yun magalit sa'yo, tapos pwedeng mauwi sa away 'yung pagko-confess mo kay Irene. Masisira niyo 'tong party ni Pres." Paliwanag niya.
Tinignan ko naman siya ng anong pinagsasabi mo-look. Antaba naman ng utak ni Lian, masyadong advance.
"Bakit?" Tanong niya sa akin dahil hindi ko siya sinagot. "Advance lang talaga ako mag-isip, Simon kwago." Sambit niya.
"Ewan ko sa'yo tsismosang maganda. Andami mo talagang alam." Sambit ko at saka muling tumingin kina Irene at Blake.
"Alam mo nandito tayo sa party para magsaya eh, hayaan mo na sila. Tara, tayo naman ang magsayaw." Sambit niya at hinila niya ako sa gitna at nakihalo kami sa mga couple na nagsasayaw.
Hinawakan ko siya sa bewang at pinulupot niya ang braso niya sa balikat ko, at sumabay kami sa tugtog.
"Di'ba? mas masarap kung i-enjoy natin itong gabi na'to?" Sambit niya sa akin at ngumiti.
Ngumiti rin ako sa kanya at tinitigan siya.
First dance namin ito ni Lian.
Muli ay natitigan ko ng matagal ang maganda niyang mukha.
At hindi ko alam kung bakit unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko habang tinitignan siyang nakangiti.
Anong ibig sabihin nito? Ano itong nararamdaman ko?

BINABASA MO ANG
My Girlbestfriend (Teen Fiction) | Unedited
Novela JuvenilMeron akong girlbestfriend. Simple lang ang buhay namin bilang matalik na magkaibigan, pareho kaming masaya at okay na okay kami sa isa't-isa. Ngunit isang araw, may dumating. At nung dumating lang ang taong 'yun nagbago na ang lahat. - - - My Girlb...