Chapter 12

50 6 0
                                    

CHAPTER 12.

"TAMA lang 'yon, move forward. Ang katulad niyang lalaki hindi kawalan di'ba?" Sambit ko.

Tumango siya at ngumiti.

"Pero, ano ba talagang dahilan mo bakit ka lumipat dito?" Seryoso ko ng tanong.

Ngumiti siya lalo at tumingin sa akin.

"Kasi nakilala kita." Sagot niya.

"Ano?!" Gulat kong tanong.

Hindi ako nakapaniwala sa sagot niya. May laman ang sinabi niya.

"Lumipat ka dito dahil lang nakilala mo ako? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko, pero to be honest kinakabahan ako sa maaari niyang isagot.

Nginitian naman niya ako ng malawak.

"Di'ba bestfriend na tayo kaya sa tingin ko na mas okay na rin na dito ako mag-aral. Boring kasi dun sa dati kong school wala akong matinong kaibigan dun." Paliwanag niya.

Hindi ko naman ma-gets ang sinabi niya. Parang ang babaw na dahilan naman nun? na-boring-an lang siya sa dati niyang school kaya siya lumipat dito. Anong klaseng dahilan 'yun?

Eh pwede pa rin naman kaming maging magkaibigan kahit na magkaiba kami ng school di'ba?

"HEY!" Sabay naman kaming napatingin sa dumating.

"Oy Pres." Sabi ko at nakipag-apir sa kanya.

Si President Zie, ulit.

"Kumusta? mukhang seryoso ang pinakukwentuhan niyo dito ah?" Sambit niya at nakangiting tumingin kay Lian.

"Hindi naman hahaha." Sagot ni Lian.

"Ikaw 'yung bagong kaklase namin di'ba? Nice to meet you, Lian." Sambit ni President Zie dito.

"Ayy same President Zie hahaha. Btw, ang cool mong Presidente ng section natin ah." Pambobola ni Lian dito.

"Lah hindi naman hahaha."

"Pa-humble ka pa Pres eh magiging friends din naman tayo eh." Nakipag-apir naman si Lian dito na akala mo'y close sila.

"Anyway, bakit kayo lang ang nandito sa tambayan? bakit hindi ninyo kasama sina Irene at Blake?" Tanong ni President.

"Nako may mga sariling mundo 'yung dalawa na 'yun." Sagot ni Lian.

"Ganun ba," nagkibit-balikat si President. "Nakita ko kasi kanina bago magsimula ang klase na nag-uusap kayong apat sa hallway and nakita ko na magkakilala rin pala 'tong si Blake at Lian?" Ani President.

"Ayy oo President, ex ko kasi si Blake." Agad na sagot ni Lian.

"Ano ex mo siya?" Hindi makapaniwalang tanong nito sakanya.

"Oo eh hahaha, mahabang kwento saka ko nalang ikukwento sa'yo Pres, tinatamad ako eh." Ani Lian.

"Hahaha ayos lang kung hindi na." Sagot nito.

"By the way, sinadya ko talaga kayong lapitan dito para iabot itong invitation para sa birthday party ko mamaya na gaganapin sa isang resort." Paliwanag ni Pres at iniabot sa amin ang dalawang invitation card.

"O MY GASH! Birthday mo pala Pres? Nako, happy birthdayyy!" Bati ni Lian habang tinitignan nito ang invitation card.

"Hahaha salamat, nabigyan ko na lahat ng friends and classmate ko dito sa school liban nalang ata kina Blake at Irene? So pwede bang pakibigay nalang sa kanila itong invitation cards? May mahalaga na kasi akong gagawin ngayon eh." Ani President.

"Sure Pres, kami na ang mag-aabot nito sa kanila." Kinuha na ni Lian ang invitation cards sa kamay niya.

"Alright thanks, pumunta kayo ha? aasahan ko kayo mamaya, see you guys!" Paalam ni President at kumaway.

Tumango ako at ngumiti sakanya.

"See yah!" Paalam rin ni Lian.

Nang makaalis na si President ay ngumisi si Lian.

"Masaya ito, tayong apat magkakasama sa isang birthday party? I'm so excite na hahaha! Tara na, Simon kwago ibigay na natin itong invitation cards sa kanila." Excited niyang sambit at hinila niya na ako pabalik sa classroom.

NAKASIMANGOT naman na tinignan ni Blake ang invitation card na binigay ni Lian. Habang si Irene ay natuwa, gaya rin ni Lian ay excited na ito.

"Blake masaya 'to first time nating makakadalo sa isang birthday party na magkasama, punta tayo, please?" Aya ni Irene sa kanya.

"Ayoko Irene, saka gabing-gabi na matatapos 'yan di'ba, at di'ba sinabi ko na sa'yo na ayokong nasa labas ka pa kapag gabi na." Pabebeng sagot ni Blake.

"Sige na kasama naman kita eh, kasama rin naman natin sina Simon at Lian, kaya sige na?" Pangungulit pa rin ni Irene.

Halatang ayaw pa nitong pumayag.

"Kung ayaw mong sumama Blake, edi kami nalang tatlo nina Simon at Irene ang pupunta, bahala ka diyan ang kj mo!" Sambit ni Lian sa ex niya.

"Tss sige na sasama na ako!" Labag sa loob nitong sambit, niyakap naman siya sa braso ni Irene sa tuwa sa pagpayag niya.

Napapa-irap naman si Lian sa kanilang dalawa.

Nairita na ata sa kanila ang tsismosang maganda, kaya bumalik na siya sa upuan namin.

Sumunod naman ako kaysa makita ko ng matagal ang kasweetan nina Blake at Irene sa isa't-isa.

"Ang bitter mo hahaha." Bulong ko kay Lian.

"Hindi kaya, naiinis lang ako kay Blake, like dzuh! Napakapabebe niya. Ganyan din siya sa akin dati nung bago palang kami. Akala mo napaka-over protective boyfriend pero g*go naman pala!" Sambit niya.

Napasandal nalang ako sa upuan ko.

At nasabi ko nalang, "kung anong ginawa sa'yo ng Blake na 'yun dati gagawin rin niya kay Irene."

"Exactly!" Seryoso niyang sambit.

My Girlbestfriend (Teen Fiction) | UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon