CHAPTER 20.
KINABUKASAN. Bago ako pumasok ng eskwela ay dinaanan ko si Irene sa bahay nila.
Balak kong kumustahin si Irene at itatanong ko kung galit pa ba siya sa amin ni Lian?
At gusto ko ring malaman kung bakit hindi siya pumasok kahapon. At kung nakakausap ba niya si Blake?
Pagkatok ko sa gate nila ay si tita ang nagbukas.
"Pasensya ka na Simon, iho. Bawal niyong makita si Irene. Lalong-lalo na ni Blake, dahil nga ayaw ng papa niya. Grounded siya ng ilang araw. Bawal siya lumabas o makipagkita sa kahit na sino, maging sa'yo man, iho. Kaya hindi pa rin makakapasok sa eskwela si Irene ngayon." Paliwanag ni tita nang tanungin ko sakanya kung nasaan si Irene.
"Nag-aaway na nga kami ng papa niya dahil masyado siyang mahigpit kay Irene pero pinipilit niya na bawal lumabas ang anak namin.... Miss na miss na nga ni Irene si Blake. Pero 'wag kayong mag-alala, kakausapin ko ulit ang tito mo para makita niyo na si Irene." Ani tita.
"Kahit 'wag na po muna tita. Mas okay na 'wag muna silang magkita ni Blake. Kahit na kapalit nun ay hindi ko rin siya makikita, kasi alam ko may tampo rin 'yun sakin." Sambit ko.
"Bakit naman iho, ano bang nangyari? May problema rin ba kayo ni Irene?" Tanong sa akin ni tita.
Umiling ako. "Wala po 'yon tita. Maaayos din po 'yun basta 'wag niyo nalang pong hayaan na makita ni Irene si Blake dahil...." Natigilan ako sa sasabihin ko.
Sasabihin ko ba kay tita na pwedeng niloloko na ni Blake ang anak niya?
"Dahil ano?" Tanong niya. Inaabangan niya ang sagot ko.
"Saka ko na po sasabihin sa inyo tita kapag may matibay na kaming ebidensiya laban kay Blake. Para maniwala ka at maniwala na rin si Irene sa amin." Sambit ko.
"Ha ano?" Nagtatakang tanong ni tita sa akin. Hindi niya naiintindihan ang sinabi ko.
"Saka ko nalang po ipapaliwanag sa inyo. Ahm, pakibigay nalang po itong sulat ko, pati po itong mga candy at chocolate kay Irene, tita. Para po mabawasan ang lungkot niya kahit papaano." Sabi ko kay tita, sabay abot ng sulat kasama ng tagiisang balot ng candy at chocolate para kay Irene, dahil favorite niya ang mga iyon.
"Pasabi nalang po na dumaan ako at nangamusta. Pasabi rin po sa kanya na miss na miss ko na siya." Ani ko.
Mukhang natuwa naman si tita sa ginawa at sinabi ko.
"Sige iho sasabihin ko 'yan kay Irene." Aniya, habang nakangiti siya.
Nagpaalam naman na ako at sumakay na sa bike at pumasok sa school.
PAGDATING KO sa school, inaayos ko palang sa parkehan ang bike ko nang may humugot sa akin.
"Lian?" Gulat na sambit ko kay Lian.
"Ssshhhh!" Pagpapatahimik niya sa'kin at saka tinuro ang sinusundan naming tao.
Walang iba kundi si Blake.
"Teka ano bang ginagawa natin?" Tanong ko sa kanya habang nagtatago kami sa gilid ng pader para hindi kami makita ni Blake.
"Minamanmanan siya, commom sense naman, Simon kwago." Pabulong niyang sagot at saka sumilip para tignan si Blake.
Para tuloy kaming mga baliw na spy dito.
Napapatingin sa amin ang ibang estudyanteng nakatambay at dumadaan sa hallway.
At sa kasusunod namin kay Blake ay dinala kami nito sa rooftop.
Sinundan namin siya hanggang doon, nagtago kami sa gilid.
BINABASA MO ANG
My Girlbestfriend (Teen Fiction) | Unedited
Novela JuvenilMeron akong girlbestfriend. Simple lang ang buhay namin bilang matalik na magkaibigan, pareho kaming masaya at okay na okay kami sa isa't-isa. Ngunit isang araw, may dumating. At nung dumating lang ang taong 'yun nagbago na ang lahat. - - - My Girlb...