Chapter 11

55 6 0
                                    

CHAPTER 11.

HINDI ko alam kung saan dinala ni Blake si Lian at kung ano ang pinag-uusapan nilang dalawa.

Habang wala si Blake at kami lang ni Irene ang naiwan ay kinuha ko na itong pagkakataon para makausap siya.

"A-andami kong tanong, sino siya? Matagal mo na ba siyang kilala? Paanong ang ex ni Blake ay naging ka-close mo? Tapos, ganito, may bagong bestfriend ka na? ano 'yun, pinalitan mo na ba ko?" Sunud-sunod na tanong niya.

"Hindi." Tanging sagot ko.

Mula sa naguguluhan ay lumungkot ang mukha niya.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga braso kong may sugat at 'yung mukha kong may galos din.

"Siya nga pala, sinabi sa akin ni Blake na nagkabanggaan kayo kanina, akala ko grabe na 'yung tinamo niyang sugat pero mas grabe pa pala 'yung sa'yo. Kumusta ka na? Baka may bali ka, may masakit ba sa'yo?" Nag-aalala niyang tanong.

"Wala, galos lang lahat ng iyan Rin, okay na okay lang ako. Strong kaya 'to." Sagot ko at ngumiti sa kanya para kumalma siya.

"Thanks God." Sambit niya at ngumiti na.

"Sa totoo lang nag-alaala ako sa'yo pero nagtatampo rin, kasi may bago ka ng bestfriend akala ko ba tayo lang ang magbestfriends forever?" Parang bata niyang sambit.

Ngumiti ako sa kanya.

Tumalab, nagseselos siya sa amin ni Lian.

Hinawakan ko siya sa pisngi.

"Sshhh, 'wag ka ng magtampo dumagdag lang sa kaibigan ko si Lian, pero ikaw pa rin ang number one gbf ko, Rin. Walang makakapagpabago nun promise." Sabi ko.

"Talaga?"

"Talagang-talaga."

"Promise ha?"

"Promise." Pangako ko.




RECESS TIME.

Nandito kami ngayon ni Lian sa tambayan ng school para syempre tumambay habang break time.

Kinwento ko sa kanya na tumalab ang plano namin. Nagselos si Irene ng malaman niyang bago ko siyang bestfriend.

"Tapos anong sabi mo?" Tanong niya habang sumisipsip ng zest-o.

"Sabi ko 'wag na siyang magtampo kasi hindi naman magbabago, siya lang 'yung number one gbf ko." Sagot ko.

Binatukan naman niya ako ng malakas.

"Tangek! Hindi mo dapat siya kinomfort dapat pinagselos mo pa hanggang sa magalit siya. 'Yung tipong magagalit siya sa akin tapos susugurin niya ako dahil nagseselos siya." Aniya.

"Baliw ka ba Lian? Kung gusto mo pala ng may susugod sa'yo edi sana tumawag nalang ako ng mga warfreak at bitch dito sa school, sila ang susugod sa'yo." Sagot ko.

Binatukan na naman niya ako.

"Hindi sa gano'n ang ibig kong sabihin! Ang slow mo! Kaya nga natin pagseselosin para bumalik sa'yo 'yang bestfriend mo at iwan niya si Blake, para hindi na siya masaktan ng ex ko di'ba?" Paliwanag niya.

"Sa tingin ko hindi rin gagana 'yon. Uulitin ko, posible lang mangyari 'yun kung may feelings sa akin si Irene ng higit pa sa kaibigan, pero wala eh, hindi niya iiwan ang boyfriend niya dahil lang sa akin kasi mahal niya 'yon, naiintindihan mo mahal niya 'yon!" Sambit ko.

"At isa pa, nadudurog ako kanina eh. Hindi ko siya matiis. Nadudurog ako kapag nakikita ko siyang malungkot at naiiyak, ayoko siyang masaktan Lian." Dugtong ko.

"Sa tingin mo kapag wala kang ginawang ikasasakit niya ay hindi na siya masasaktan? Pwes nagkakamali ka, kasi gagawin ni Blake 'yon sa kanya sa oras na nagloko na 'yan." Aniya.

"Kaya nasa iyo kung hahayaan mo nalang ba na masaktan ni Blake si Irene?" Sambit niya at uminom ulit.

Napaisip ako sa sinabi niya.

"HOY!" binatukan na naman niya ako ng malakas.

"Aray ano ba? kanina ka pa nambabatok, batukan din kita diyan eh!" Sambit ko habang hinihimas ang ulo kong binatukan niya.

Masakit kaya!

"Hindi ka na kasi sumagot, natameme ka na diyan." Sabi niya.

"Nag-isip lang ako tungkol sa sinabi mo.... Siya nga pala, saan ka dinala ni Blake kanina at ano 'yung sinabi niya sa'yo nung hinatak ka niya?" Tanong ko.

Umayos siya ng upo at nagkwento.

"Ah 'yun? Wala syempre na-shock siya tapos tinanong niya ako kung bakit dito ako nagtransfer. Tapos sinabihan niya ako na nananadya raw ako. Sa dinami-rami raw ng pwede kong paglipatan ng school eh dito pa kung saan din siya lumipat hahaha."

"Tapos, sabi pa ng mokong na 'yun, na baka kaya raw ako lumipat dito ay dahil daw sa kanya. Like dzuh! Asa siya, hindi siya ang dahilan kung bakit ako dito lumipat no'. Napaka-assumero ng pakboy na 'yun." Paliwanag niya habang napapa-irap.

Natawa naman ako sa expressions niya. Halatang naiinis siya dun sa Blake na 'yon.

"Hindi nga ba talaga siya 'yung dahilan?" Mapanukso kong tanong sakanya.

Tinignan naman niya ako ng 'mandiri ka nga sa sinabi mo-look'.

"Malamang hindi. Gaya ng sabi ko noon kahit na may feelings pa ako sa kanya, hindi ko na gugustuhin pang balikan siya no! Never, hindi na ako tanga. Nagmo-move on na nga ako eh." Sambit niya.

"Talaga? Naks, sanaol apir!" Nakipag-apir naman siya sa akin.

"Tama lang 'yon, move forward. Ang katulad niyang lalaki hindi kawalan di'ba?" Sambit ko.

Tumango siya at ngumiti.

"Pero, ano ba talagang dahilan mo bakit ka lumipat dito?" Seryoso ko ng tanong.

Ngumiti siya lalo at tumingin sa akin.

"Kasi nakilala kita." Sagot niya.

"Ano?!" Gulat kong tanong.

My Girlbestfriend (Teen Fiction) | UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon