Chapter 8

73 7 0
                                    

CHAPTER 8.

SAKA lamang natapos ang pag-uusap namin ni Lian(ex ni Blake) nang tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang recess.

Pagtayo namin ay wala na sina Irene at Blake sa upuan nila kanina.

"So sige na bumalik ka na sa classroom niyo." Sambit ni Lian sa'kin.

"Sige, salamat pala sa'yo ah, salamat sa paalala mo, sinabi mo sa akin 'yung tunay na kulay ni Blake. Nung umpisa palang talaga, iba na ang timpla ko sa kanya. Ramdam ko na panggulo lang siya sa amin ng bestfriend ko." Ani ko.

Tumawa siya ng mahina sa tinuran ko.

"Walang anuman, ikaw na ang bahalang magsabi sa bestfriend mo ah. Bye, see yah!" Paalam niya.

"See yah, tsismosang maganda." Paalam ko.

Nauna na siyang naglakad palayo.

BUMALIK na ako sa classroom, sakto rin ang pagdating ng professor namin.

Napansin kong sinundan ako ng tingin ni Irene hanggang sa makaupo ako sa upuan ko.

By the way, lumipat ako ng upuan sa medyo unahan, nakipagpalit ako sa kaklase ko para makaiwas kay Irene.

Pero ngayon, dahil sa nalaman ko tungkol kay Blake, wala ng dahilan para iwasan ang bestfriend ko.

Napangiti ako dahil naisip kong kapag nalaman ni Irene ang tungkol kay Blake, iiwasan niya na ito HAHAHA!

Tapos babalik na ang bestfriend ko sa akin. And we will live happily ever after!

"SIMON VELASCO!" Nagulat ako sa sigaw ng prof. namin sa harap nang tawagin ako.

"Po?" Wala sa sariling tanong ko.

"Nagpapa-quiz ako, lahat ng kaklase mo nakayuko abalang nagso-solve ng problem sa math tapos ikaw nakatunganga, nakangiti na parang baliw diyan? Ano ba ang iniisip mo iho, nananaginip ka ba diyan ng gising?!" Mahabang litanya ng prof. namin.

Nagtawanan naman ang mga kaklase ko.

"Hindi, w-wala po ma'am. Sorry po." Sagot ko at yumuko sa hiya.

Inayos ko na ang sarili ko at nagseryoso, pero pagtingin ko sa papel ko, paktay! mahina ako sa math hindi ko ito kayang i-solve.

Napapakamot ako ng ulo habang tinititigan lang ang papel ko, nang may nagbato ng papel na nakalukot sa ulo ko.

Sakto bumagsak ito sa harap ko. Kinuha ko ito at binuksan, at nakita ko ang nakasulat.

'Nagkatampuhan man tayo ngayon, pero hindi ibig sabihin nito hindi na kita tutulungan sa weakness mo, bestfriend pa rin kita.' -Irene

Sulat niya kasama nito ang answer at solution sa quiz namin ngayon.

Napangiti naman ako sa ginawa ni Irene.

Siya pa rin pala talaga ang bestfriend ko, hindi pa niya ako nakakalimutan.

Nang makatalikod na ang prof. namin ay lumingon ako, at saka binato rin ang isang papel na nakalukot kay Irene pero dahil duling ako, iba ang natamaan ng papel.

Sa kamalasan nga naman, pinulot pa iyon ng kaklase kong natamaan at binasa.

"Salamat sa sagot!" Basa nito sa sulat ko.

"Ma'am may nagpasahan po ng sagot." Sumbong ng kaklase ko.

At dahil do'n ay nagtinginan naman ang mga kaklase ko sa nagsumbong.

Ako naman ay yumuko lang.

Lumapit ang prof. namin dito at kinuha ang papel at binasa rin.

"Sige pagbutihan niyo lang ang pagkokopayahan ninyo ha?!" Sambit ng guro namin at hindi niya na inalam pa kung kanino galing ang sulat.

My Girlbestfriend (Teen Fiction) | UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon