Chapter 5

86 9 0
                                    

CHAPTER 5.

PAGKATAPOS NG ilang oras ay sa wakas, tapos na ang klase.

Tumungo na kami sa gate at kanya-kanya na kaming kuha ng mga bike namin sa parkehan.

Umangkas na ako sa bike ko at silang dalawa nalang ang hinihintay ko, nang mapansin kong may problema ata si Blake sa bike niya.

Napansin ni Blake na may sira ang bike niya. Flat ang gulong nito at bumaba ang mataas niyang bike.

"F*ck anong nangyari?" Bulalas ni Blake sa inis.

Sa isip-isip ko ay gusto ko nang matawa dahil kagagawan ko iyon.

Tinignan ni Blake ang bike niya kung ano ang sira nito.

Binutas ko ng malaki ang gulong niya kaya na-flat ito ng sobra. At bukod doon ay may piyesa pa akong tinanggal dito kaya hindi mapipidalan ng maayos at hindi ito makakaandar.

"Bakit bro nasira bike mo? Masyado ka na raw kasing tumataba kaya na-flat ang gulong mo, at sa bigat mo bumigay na at natanggal na 'yang piyesa mo HAHAHA!" Mapang-asar na sambit ko.

Tinignan niya ako ng masama at inirapan ako.

Hindi niya na ako pinansin at tinignan niya na kung may magagawa ba siya para maayos ito.

Maya-maya ay naayos din niya ang piyesa na natanggal sa bike niya, dahil nakahiram siya ng tools sa gwardiya.

"Ayos na ba Blake?" Tanong ni Irene dito, na naghihintay din.

"Hindi pa Irene. Wala kasi akong pwedeng pampaayos ng gulong. Masyadong malaki ang butas nito, kailangan ko pa itong madala sa bikeshop para maayos, hindi ito kakayanin ng pangbomba lang ng gulong." Ani Blake.

Hindi niya mai-aangkas si Irene ngayon. At maglalakad nalang siya pauwi, tulak-tulak ang bike niya. Hahaha kawawa!

"Kung ganun hindi ako makakasabay sa'yo ngayon Blake?" Tanong ni Irene.

"Hindi, i'm sorry talaga Irene. Kailangan pa matapalan ang butas nito at mabombahan ng hangin, o 'di kaya'y mapalitan ng gulong para maayos na at makaandar." Sagot ni Blake.

"Sa akin ka nalang sumabay Rin, tutal bestfriends naman tayo di'ba?" Sabat ko sa usapan nila.

Ngumiti ako sa bestfriend ko at kumindat.

"Sige." Sagot niya at tumingin kay Blake.

"Sige na, umangkas ka na sa kanya. Ingat ka Irene." Ani Blake,

"Bukas sisiguraduhin kong masusundo at mahahatid na kita." Daldal pa ni mokong.

"NYENYENYE!" Sabi ko naman. Andami-dami pa kasing sinasabi, kainis.

Umangkas na si Irene sa likod ko at humawak sa balikat ko. Umalis na kami agad.

TAHIMIK lang kami pareho ni Irene habang nagba-bike ako.

Dati kapag angkas ko siya sa bike ay napaka-ingay namin sa daan, nagkukwentuhan kami at malakas pa siyang tumatawa. Ngayon hindi na ata siya sanay sa presensya ko.

Nasanay na ata siyang si Blake ang lagi niyang kasama.

"Namiss kita bestfriend." Out of nowhere na narinig kong sabi ni Irene.

"Sinong bestfrend?" Tanong ko.

"Malamang ikaw." Sagot niya sabay tawa ng mahina.

"Talaga ako? Akala ko kasi si Blake na 'yung bestfriend mo." Masakit na sagot ko.

"Nagseselos ka ba kay Blake?" Tanong niya.

"Hindi ah ba't naman ako magseselos dun? Okay nga 'yun eh, may iba ka ng kaibigang nakilala. Ayos lang 'yun sakin, ayos na ayos." Sagot ko.

"Talaga Simon?" Aniya.

Oo ayos lang, ayos lang din kung makakalimutan mong ako 'yung bestfriend mo dahil kay Blake.

Sambit ko sa isip-isip ko.

Hindi na ako sumagot para manahimik na muli si Irene.

Ayokong nag-uusap kami ng seryoso, lalo na kung si Blake ang paguusapan.

Tahimik lang ako nang biglang magsalita muli si Irene.

"Happy birthday, Simon." Nagulat ako sa sinabi niya.

Hininto ko ang bike.

"N-naalala mo?" Tanong ko.

Akala ko kasi hindi niya na maalala na kaarawan ko ngayon dahil may Blake na siya, mali ako.

"Ikaw pa ba? Eh bestfriend kita di'ba?" Sambit niya at ngumiti.

Bumaba ito sa pagkakaangkas niya at may kinuha sa bag niya.

"Gift ko sa'yo Simon sana magustuhan mo." Inabot niya ang box na may magandang balot sa akin.

Nagulat ako dahil may regalo pala siya sa akin.

Napansin ko naman ang malungkot niyang mukha.

"Bakit malungkot ka?" Tanong ko.

Akma ko siyang lalapitan pero umatras siya.

"Alam ko na ikaw 'yung nagsira sa bike ni Blake." Panimula niya.

Nagulat naman ako si sinabi niya.

"Nakita ka namin na ginawa mo 'yun dahil sinundan ka namin kaninang recess. Susugudin ka sana ni Blake pero pinigilan ko siya kasi alam ko 'yung gusto mong mangyari eh." Aniya.

"Gusto mong sumabay ako sa'yo umuwi, kasi hindi na natin nagagawa 'yun." Sambit niya habang malungkot pa ring nakatingin sa akin.

"Kaya sabi ko kay Blake na hayaan kalang muna niya kasi birthday mo ngayon at sinabi kong hindi mo na uulitin 'yun."

"Pero Simon bakit mo ginawa 'yun? Hindi ka naman ganyan dati 'diba? Hindi mo kayang manira ng bagay na pag-aari ng iba. Hindi mo kayang mag-cutting class, hindi mo kayang magalit ng mabilis. Mabait ka at hindi ka marunong magtampo sa'kin. Pero bakit ngayon? Parang ibang Simon na ang nakikita ko? Hindi na ikaw 'yung dating Simon na nakilala ko." Sambit niya at nagbabadya na ang luha sa mga mata niya.

Parang dinurog ang puso ko sa mga sinabi ni Irene.

Ayokong nakikitang malungkot o naiiyak ang bestfriend ko.

Pero ito ngayon, malungkot at nasasaktan siya sa harap ko nang dahil sa akin?

"Pero okay lang... Ano ba ito, nagdrama pa ako sa harap ng bestfriend ko hahaha." Sambit niya at saka pinunasan ang luhang pumatak na.

Pilit siyang ngumiti sa akin.

"Tutal naibigay ko na iyang gift ko sa'yo uuwi nalang ako mag-isa. Huwag mo na akong ihatid, Simon... Sige mauna na ako ha? Happy birthday ulit. I love you bestfriend." Sambit niya.

Ngumiti muli siya sa akin ng mapait at saka naglakad papalayo.

Nanatili naman ako dito sa kinatatayuan ko.

Hindi ko magawang habulin si Irene dahil nasasaktan ako na umiyak siya ngayon ng dahil sa akin.

Halu-halo ang nararamdaman ko --lungkot, nalilito, naiinis sa sarili.

Sarili ko ang sinisisi ko ngayon kung bakit ako nagkakaganito. Kung bakit nga ba ako nagbago? Kung bakit nagtatampo na ang bestfriend ko ngayon dahil sa mga pinaggagagawa kong hindi maganda.

At hindi ko alam kung anong gagawin ko?

My Girlbestfriend (Teen Fiction) | UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon