CHAPTER 2.
KINABUKASAN, pagpasok namin ni Irene sa school ay parang nagkakagulo ang mga kaklase namin sa room.
Nasa pintuan palang kami ng classroom nang mapansin namin na may pinagkakaguluhan sila sa bandang likuran, kung saan ang pwesto namin ni Irene.
Napatingin nalang kami ni Irene sa isa't-isa na kapwa walang ideya kung bakit sila nagkakagulo doon.
'Yun pala may gwapong transferee silang pinagkukumpulan doon.
Oyy pero mas gwapo ako do'n no', wow ang hangin mo self hahaha.
Nakaupo ang lalaking transferee sa katabing upuan ni Irene kung saan ay bakante kaya nandu'n silang lahat nakapaligid dito.
Nakaupo lamang kami ni Irene ng maayos sa pwesto namin, nang dumating ang prof. namin sa first subject, at ang mga kaklase namin ay pumunta na sa kanya-kanya nilang upuan at nanahimik.
Tinignan ko ang lalaki, at parang balak niyang kausapin si Irene.
Hindi nga ako nagkamali dahil habang nagtuturo ang prof. namin sa harapan ay naririnig ko silang nag-uusap ng mahina.
"Huy Rin, baka mahuli kayo ni ma'am na nagdadaldalan diyan, yari kayo sige ka." Bulong ko sa kanya.
"Ayy hahaha sorry. Eh ang bait naman pala nitong si Blake eh. Gusto niya lang makipagkaibigan sa'tin." Bulong din niya.
"Ano? Kaibigan?" Hindi nakapaniwalang reaksyon ko.
Blake Suarez nga pala ang pangalan ng transferee na'to. Pagpapakilala niya sa sarili niya kanina.
Pero hindi ko feel na makipagkaibigan sa kanya ano!
"Simon, Irene!" Sabay kaming napatingin ni Irene sa guro namin ng tawagin niya kami.
"Nagdadaldalan kayo diyan sa likuran habang nagkaklase ako dito sa harapan? Ngayon mag-squat kayo sa labas hanggang sa matapos ang klase ko! 'Yan ang parusa ninyong dalawa!" Sigaw niya.
Nahihiya naman kaming tumungo sa labas ni Irene at nag-squat sa hallway.
"Kasalanan mo 'to eh anlakas kasi ng boses mo!" Sisi niya sa akin sabay batok ng mahina.
"Ako pa?" Sagot ko. "Kaninang nagdadaldalan kayo nung Blake na 'yun hindi naman kayo nasita tapos nung ako na 'yung kausap mo, nahuli na?! Napaka-unfair, kainis!" Sambit ko habang naka-squat.
"May ba-lat ka kasi sa pwet kaya minalas." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya ng poker face.
"Wala akong ba-lat sa pwet, baka ikaw meron." Sabi ko sabay dila.
Dinilaan din niya ako. Para kaming mga batang nag-aasaran.
"HEY!" Napatingin naman kami sa lumabas ng room, si Blake.
Awtomatiko akong napasimangot ng makita siya pero si Irene ay biglang napangiti.
Ano bang meron sa Blake na iyan at napapangiti nalang siya dito bigla?
Para tuloy siyang timang na naka-squat habang nakangiting nakatingin sa Blake na'to.
"Ano 'yan squad goals? Parehas pa kayong naparusahan ni ma'am." Pang-aasar pa niya sa amin.
"Tss," tanging sambit ko.
"Hahaha oo Blake. Ganito talaga, true bestfriends kasi kami nitong si Simon eh. Kapag napa-squat ang isa, kasama din ang isa!" Pagmamalaki ni Irene sa pagkakaibigan namin.
Napangisi naman ako dahil sa winika ni Irene.
"Yah! narinig mo? Bestfriends kami!" Sabat ko at tumayo ng maayos sabay akbay kay Irene.
BINABASA MO ANG
My Girlbestfriend (Teen Fiction) | Unedited
Teen FictionMeron akong girlbestfriend. Simple lang ang buhay namin bilang matalik na magkaibigan, pareho kaming masaya at okay na okay kami sa isa't-isa. Ngunit isang araw, may dumating. At nung dumating lang ang taong 'yun nagbago na ang lahat. - - - My Girlb...