Chapter 14

54 6 0
                                    

CHAPTER 14.

KINAGABIHAN ay nag-ayos na ko't lumabas ng bahay para pumara ng masasakyan papunta sa birthday party ni Pres.

Napag-usapan namin ni Lian na kanya-kanya nalang kaming punta sa party.

At si Irene? Syempre susunduin daw siya ni Blake sa kanto at sabay silang pupunta sa party.

Naglalakad ako at naghahanap ng taxi'ng mapapara nang makita ko si Irene na naghihintay doon sa kanto, kung saan sila magkikita ni Blake.

Mukhang kanina pa naghihintay ang bestfriend ko dun ah?

Nilapitan ko siya.

"Rin," tawag ko. Napangiti naman siya ng makita ako.

"Simon, nandito ka pa rin pala? akala ko nauna ka na sa party?" Sambit niya.

"Papunta palang, ikaw bakit naghihintay ka pa rito, wala pa rin ba 'yung boyfriend mo?" Tanong ko.

Malungkot siyang umiling, "kanina pa nga ako naghihintay dito eh, pero hanggang ngayon wala pa rin siya."

"Eh baka may ginawa lang?" Sabi ko, "tinext mo na ba siya o tinawagan?" Tanong ko.

"Oo, tinext ko na pero wala pa ring reply tapos tinatawagan ko, nakapatay naman ang phone niya." Bagsak balikat niyang sagot.

Nainis na naman ako sa Blake na 'yun. At sino siya para paghintayin sa wala ang bestfriend ko? Walang hiya 'yun ah!

"Nag-aalala na ako nasaan na kaya 'yun, ano kayang ginagawa nun ngayon?" Aniya.

"Hayaan mo na 'yung Blake na 'yun, tara na, sabay ka nalang sa'kin." Nakangiti kong sambit.

"Pero..."

"Wala ng pero-pero, hayaan mo na kung wala si Blake ngayong gabi. Para sa atin ang gabing ito para magsaya. Hayaan mo siya, hindi ka niya dapat pinaghihintay ng ganito, baka mamaya hindi ka pa niya siputin. Mauna na tayo dun, Rin." Ani ko.

Sa huli ay pumayag din siyang sumama sa akin.

Pumara na ako ng taxi at pinagbuksan ko si Irene ng pinto ng sasakyan.

Kakapasok palang ng bestfriend ko sa taxi nang biglang dumating si Lian.

Tumatakbo siya palapit sa akin.

"SIMON KWAGO! SANDALI!" Sigaw niya, hinihingal siya ng makarating sa kinaroroonan namin.

"Oh anong ginagawa mo dito, tsismosang maganda? Akala ko ba--"

"Nagbago isip ko eh, gusto ko sumabay sa'yo papunta dun sa party para masaya!" Masigla niyang sambit.

"Well hindi lang ako ang makakasabay mo." Sabi ko.

"Ano? Edi sino pa?" Tanong niya.

Hinila ko siya sa kabilang pinto ng taxi at pinapasok ko na siya sa loob, pinaupo ko siya sa tabi ni Irene at umupo ako naman sa tabi ng driver's seat.

"OH MY GASH! Irene? nasaan si Blake? Sabi mo susunduin ka niya at sabay kayo pupuntang party?" Tanong ni Lian ng makapasok na kami sa taxi.

Umandar naman na ito at umalis na kami.

Huminga ng malalim si Irene. "Ewan ko ba dun, hinintay ko siya sa kanto pero wala, hindi naman dumating, tapos sakto papaalis na si Simon nang makita niya akong naghihintay doon sa kanto, kaya eto magkakasama tayo ngayon." Paliwanag ni Irene.

"Hmmm, bakit naman kaya hindi sumipot si Blake? Nasaan siya kung ganun?" Tanong ulit ni Lian.

"Ewan ko, ayaw nga sumagot sa mga text at tawag ko, nakapatay 'yung phone niya." Sagot ni Irene.

My Girlbestfriend (Teen Fiction) | UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon