PROLOGUE

75 2 0
                                    

Meron akong sikreto at alam kong mabubunyag iyon sa darating na panahon.

Sikretong ako mismo ay hindi ko alam kung saan nagsimula ang mga ito.

Naaawa na ako sa sarili ko pati narin sa taong mahal ko.

Hindi ako delikado na dapat layuan pero dapat itong itago upang maging mapayapa ang pamumuhay ko.

Napadpad ako sa lugar na kaming dalawa lang noong una ang naninirahan, na parang amin ang mundo.

Pero...

Nais kong mabuhay ng malaya. Nais kong maglakad, tumakbo at damhin ang totoong ako.

Handa na ba akong ilantad ang sikreto ko? Ayokong maulit muli ang nakaraan ko.

Ayokong mawala sila sakin, ayokong mawala siya sakin.

Dapat ba akong magtago o hindi lang ako nagiisa. Baka isa sa mga taong nasa paligid ko, kami'y magkatulad.

Tubig o ulan ba ang kasagutan para malaman kong siya'y may sikreto din.

Ako'y may mukhang pinipintahan na nagbibigay ng kung anong magiging landas ko sa hinaharap.

Landas na nakasulat ngunit nabago ng isang tao ang kahihinatnan, puso ang sagot at hindi ang karanasan.

Karanasan na binabalik tayo sa nakaraan, aking isinantabi ang mga sinasabi sa nakasulat.

Ako ang gagawa ng patutunguhan ko. Hindi ang nakasulat sa libro na siyang magdadala sa kapahamakan ko.

Mga panaginip na hahadlang din sa kagustuhan ko pati narin ang pagputol sa istorya ng pagmamahalan namin sa mundo.

Kailangan ko lang maniwala sa dinarama ng puso ko at kung ano ang totoong ako.

Ako si Ritch Vensey...

Just a simple girl,

and I'm a FACE DRAW.

______________________________________

ALL CHAPTERS ARE NOT YET EDITED.

Face DrawWhere stories live. Discover now