Chapter 15: Missin'

2 1 0
                                    

JEL'S POV

Maaga ng magising kami ng kambal ko, mukhang ilang oras pa bago tuluyang lumitaw ang araw sa kalangitan.

"Magandang umaga madre." pagbati namin ni Jem, nakangiti naman naming niyakap ni madre.

"Magandang umaga rin sainyo kambal, napaaga ang gising niyo?" pagtatanong naman sa amin, bibihira lang kasi kami magising ng maaga kung kayat nagtataka siya.

"Ah mamimitas po kasi kai ng prutas sa kakahuyan habang hindi pa po mainit ang umaga." saad naman ng nakababata Kong kambal.

"Aba ang sipag niyo naman, maari ko ba kayong samahan?" pagtatanong niya ulit sa amin, napatingin naman sa akin si Jem.

"Ah-eh huwag na po, kaya naman po naman at babalik naman po kami agad madre." pagpapaliwanag ko.

Nagpaalam naman kami ni Jem at lumabas na ng simbahan. Sinalubong naman kami nang malakas at malamig na simoy ng hangin.

"Nakakakilabot naman iyon ate." saad ni kambal, napatawa na lamang ako sa asal niya.

Nagsimula na kaming maglakad patungo sa kakahuyan. Pansin ko rin ang iilang hamog sa paligid namin.

"Jem, humawak ka lang sakin para hindi ka mawala." pagutos ko naman sa kambal ko, papasok na kami ngayon sa kakahuyan.

Napakatahimik at medyo may kadilim pa dahil wala pa ang sinag ng araw. Rinig mo lang ang aming mga yapak na nanggaling sa tuyong dahon sa lupa.

Naramdaman ko naman na tila natatakot si Jem sa aming paglalakad. Nakalayo-layo na rin kami sa pasukan ng kakahuyan.

"Ate, Parang may sumusunod sa atin." bulalas niya bigla, napatigil naman ako at pinakiramdamang mabuti ang paligid.

"Huwag kang gagawa ng ingay, titigil muna tayo rito." paguutos ko, nanatili kami sa aming pwesto at dinadama ng mabuti ang kakahuyan.

"Si-sino-" papatanong ko sanang bigkas ng makaaninag ako ng taong paparating ngunit huli na nang may tumakip sa bibig ko at pinukpok ang aking ulo kayat nahilo ako.

"Je-jem..." pagbigkas ko ng pangalan ng kambal ko, kita ko naman na bibit na siya ng isang estranghero at bigla na rin akong nawalan ng malay ngunit ramdam ko sa huli na may bumuhat din sa akin.

VIA'S POV

Nagising ako sa init ng araw na tumatama sa aking pisngi. Bumangon naman ako at inayos ang aking silid.

Ng makalabas ako kita ko si madre na hindi mapakali, mukhang may problemang dinadala.

"Magandang umaga madre, bakit hindi ka maupo. Mukhang nakakapagod ang pabalik-balik mong paglalakad dito sa hapag." pangaalaska ko sakanyang galaw.

"Hindi pa kasi bumabalik ang kambal simula kaninang madaling araw hanggang ngayon para lang mamitas ng prutas sa kakahuyan." saad ni Reymir, kita ko naman na nakaupo ang lahat ng katulad ko sa palibot ng mesa.

"Madre, kanino nagpaalam ang mga bata?" pagtatanong ko, kinakalma ko namana ang sistema ko para hindi magpanic sa sitwasyon.

"Sa-sa akin, sasamahan ko sana ngunit sabi nila ay kaya na nilang dalawa." pagpapaliwanag ni madre.

"Branz at Reymir pumunta kayo ngayon sa kakahuyan. Hanapin niyo ang kambal at bumalik ka agad dito." paguutos ko dahil ako ang mas nakakatanda sa kanila.

Face DrawWhere stories live. Discover now