Chapter 14: Abandons

2 1 0
                                    

23 YEARS AGO

Third Person

Sa lugar ng Breeland, may isang grupo ng mga dalagita't binata na walang ginawa kundi manakit ng kapwa.

Sila'y matatagpuan sa bayan ng makaluma. Ang grupong ito ay may natatanging ganda na walang sino man ang makakatalo sa kanila.

Sa kabila ng kanilang itsura ay may napakasama naman silang ugali. Sinasabi ng mga tao sa bayan na sila'y halimaw at hindi biyaya ng may kapal.

VIA'S POV

"Hu-huwag niyo po akong saktan, nagmamakaawa po ako." saad ng binatang nadapa sa aming harapan dahil sa pagmamadaling makabalik sa tahanan nila upang makapagtago sa grupo namin.

Napansin naman namin ang mga taong nakasilip sa mga bintana nila, mistulang inaabangan nila ang mga mangyayari sa pagitan ng grupo namin at sa binatang nakatira dito sa bayan.

"Ayos ka lang ba ginoo?" pagtatanong ko, hindi naman gaano kasamaan ang ugali ko. Inilahad ko man ang kamay ko para tulungan siya sa pagtayo.

Nagulat naman ako ng napangiti ito at diuraan ang palad ko. Nanggalaiti naman ako sa nangyari.

"Akala mo maloloko mo ko sa pakitang tao mo, kayong mga tao na iniwan sa bahay ampunan." saad niya sa harapan namin na mas lalo kong ikinagalit.

*Flashback...

"Madre, bakit wala po kaming magulang at sila meron po." pagsasaad ko sa madreng kumupkop sa akin at sa iba pang bata sa bahay ampunan. Itinuro ko naman ang isang buong pamilya na tila masaya.

"Anak, noong una meron ngunit ng isilang kayo at nakita nila ang taglay mong ganda ay hindi sila nagdalawang isip na abandunahin ka." saad niya sa mahinahon na pagsasalita.

"Nasabi kasi sa bayan na ito, na ang ganda ng isang taong makikita sa kaanyuang panlabas ay may dalang panganib sa isang pamilya. Kaya naririto ka ngayon at kami ang nagaalaga sa inyo, akala kasi nila ay halimaw ang ganda at biyaya ang katamtamang itsura." pagpapaliwanag niya.

"Kaya ba madre naandito ka rin?" pagtatanong ko ulit sakanya. Kita ko naman ang paglungkot ng kanyang mga ekspresyon.

"Oo kaya ngayon ako na ang tumutulong at nagpapalaki sa katulad kong lubos ang ganda ngunit pinaniniwalaan nilang halimaw na nagtatago sa nakakaakit na itsura." sagot naman niya sa akin.

Face DrawWhere stories live. Discover now