RITCH'S POV
Nagising ako sa aking pagkakahimatay sa laban ngunit pansin kong walang labi ng mga kauri ko ang naririto sa paligid.
Paligid na mistulang napakabago pa at hindi pa nagagalaw nino man, napakaaliwas at napakaganda ng araw dito sa bundok.
"Drane, asan kayo? anong nangyayari dito?" bulyaw ko sa paligid, mukhang walang taong sasagot sa bundok na aking pinuntahan.
Naglakad ako ng naglakad ngunit wala na atang katapusan ang bundok na ito. Napapagod na ako pero kailangan kong mahanap ang labi ng mahal ko.
Napatigil ako ng may tumulong likido sa uluhan ko, agaran ko namang hinawakan kung anong likido ito.
"Du-DUGO!" gulat kong saad ng mapagalaman kong dugo ang tumulo sa akin, nilingon ko naman ang pinanggalin nito.
Napatumba ako sa gulat, mga bagay na nabubuhay lamang sa nakaraan ngunit muling ibinalik sa kasalukuyan.
Mga labi ng mga taong napatay ko ang nasa kaitaasan, mga tao ngayo'y nakabitay sa mga puno dito sa kabundukan.
"Papaano nangyari ang mga ito? matagal ko ng inilibing ang mga bagay na naging kamalian ko noon." salaysay ko sa kabang nadarama ko.
Mga taong pinatay ko sa modernong bayan para ipaghiganti ang inay ko, naglakad ako sa direksyon kung saan sunod-sunod ang mga labing nakabitay.
Hindi nagtagal sa ilang minuto kong paglalakad ay nasilayan ko na ang mga kauri ko na kakapatay ko lamang kanina.
"Lazee, patawad bata at napatay kita." paghingi ko ng paumanhin ng matapatan ko ang nakabitay niyang labi.
Tumakbo naman ako upang makita ko na kung saan ang kinaroroonan ng mahal ko, hindi nga ako nagkamaling sundan ang mga nakabitay na labi.
Natagpuan ko na rin ang labi nya ngunit bakit nakabitay rin sya kasama ng mga taong napatay ko na.
"Hi-hindi kita pinatay! Mahal, bakit mo ko iniwan? ano bang ginawa ko para mangyari sakin ang mga ito." mga hinanakit kong pahayag sa paligid.
Humagulgol ako sa kabundukan, wala kang maririnig sa paligid kundi ang hikbi ko sa mga pangyayari.
Napatigil naman ako ng may marinig ako sa hindi kalayuan na tawa hanggang sa napalingon ako sa mga labing nakabitay sa puno.
Isa-isa na silang nagsitawanan hanggang sa lahat na sila ay tumawa, napatindig naman ang balahibo ko sa mga eksenang aking nasisilayan.
"Pa-papaano?" takang tanong ko sa takot, napatigil sila sa tawanan ng marinig nila ang katanungan ko.
Sabay-sabay silang nagsilingunan sa kinapepwestuhan ko na nagbigay ng mas malakas na takot sa buong sistema ko.
"Ikaw, ikaw ang pumatay sa amin at ikaw din ang dahilan ng pagkamatay nang mahal mo." sabay-sabay nilang saad sa malalim na tuno.
YOU ARE READING
Face Draw
RandomA girl with imperfections but nothing to criticise. She's not a monster nor whatever you think. We can call as disabilities but she has inside magic.