TITA'S POV
"Mabuti naman at nailigtas ko sa Ritch sa kapahamakan." pagpapasalamat ko, ng dumating ako sa oras kanina sa pinuntahan niya.
*Flashback...
Habang nagmumuni-muni ako sa tabi ng batis ay nakaramdam ako nang pangamba.
Nakita ko naman na umiilaw ang porseles na nagsasabing nasa panganib si Ritch. Dali-dali naman akong pumanhik sa bahay para kunin ang espada.
Tuluyan ko naring nilasan ng mabilisan ang lugar, dama ko na hindi maganda ang nangyayari sa kinaroroonan niya.
"Saan ka ba kasi nagpupupunta?" saad ng isipan ko sa pagaalala, sabi nga na hindi maganda ang pupuntahan niya kanina.
Walang maayos na paalam at mukhang seryoso sa pagalis ng bahay kanina. Ano kayang binalak ng batang iyon at kailangan niya ngayon ang tulong ko.
Hinayaan kong mga paa ko ang magdala sa lugar kung saan si Ritch. Nagulat nalang ako ng napadpad ako sa isang gusali sa parking lot nito.
"Bakit kaya siya naririto?" bulalas ko sa pagtataka, ano bang iniisip ng batang iyon. Lumaki lang ang kulit na.
Pinasok ko naman ang nagiisang pinto sa lugar na iyon. Kita ko ang nakabukas na pinto sa dulo ng pasilyo.
Agaran ko itong pinuntahan at laking gulat ko ang mga sitwasyong nasaksihan ko sa loob ng silid.
*BANG...
Rinig kong tunog pakarating ko. Kita ko ang kakahandusay lang na isang binatilyo.
Madaming bangkay rin ang nakahandusay at hawak ng isang lalake si Ritch, may nakatutok naman na baril na naiputok nang isang lalake sa harap nila kanina.
Gulat ang dalawang lalake sa nangyaring pagsagip ng binatilyo. Doon na ako gumalaw para kunin si Ritch sa nakahuli dito.
Sa isang iglap, naputol ko ang leeg ng lalaking nasa likuran ng anak ko. Mabilisan ko namang binuhat si Ritch at inuwi sa bayan.
*End of Flashback...
"Na saan na naman kaya ang batang iyon, napakatigas talaga ng ulo." bulalas ko ay bahala na, iilaw na lang ulit itong bracelet ko kapag kailangan niya ulit ako.
DRANE'S POV
Bumalik naman kaagad ang malay ko ng mawalan ako nang wisyo sa pagkakabaril sa aking tagiliran.
"A-asan na si desert?" bulalas agad ng mga labi ko. Iminasid ko naman ang paligod ko at kita kong walang tanda ng babaeng sinagip ko.
Naririto lang ang mga bangkay ng mga body guard ng boss ko. Hindi ko rin naanig ang pagmumukha ng boss ko na siyang muntik kumitil ng buhay namin ni desert.
"De-desert hintayin mo ko, paparating na ako." saad ko, tumayo naman ako kahit nahihirapan dahil sa natamo.
Lumabas na ako sa gusaling iyon, kita kung nagulat ang mga napapadaan sa kinatatayuan ko dahil sa kalagayan ko.
Hindi ko na sila pinansin at naglakad sa about ng makakaya ko. Narating ko din ang lumang bayan ng medyo may katagalan.
Pansin ko ang bulong-bulungan at mga kumpulang naguusap. Napansin naman nila akong nakatitig sa kanila.
"IHO, ANONG NANGYARI SAYO?" malakas na bulalas ng matandang babae sa aking harapan nang makita ang sugat ko sa tagiliran.
YOU ARE READING
Face Draw
RandomA girl with imperfections but nothing to criticise. She's not a monster nor whatever you think. We can call as disabilities but she has inside magic.