Chapter 22: We're Meant to be?

2 1 0
                                    

Third Person

Napagusapan ng mga kasamhan ni Via na hintayin siyang makauwi ngayong gabi kung hindi man ay doon palang sila kikilos para bumaba uli ng bayan.

Gising parin ang madre kahit na maguumaga na, kailangan niyang masaksihan ang pagdating ni Via.

Sa kabilang banda naman ay pinagmamasdan naman si madre ng binatang si Branz.

"Asan na kaya si Via? baka ano ng nangyari sa kanya." pangagambang saad ng madre.

Napabangon naman ang nagmamasid na si Branz, hindi mapakali ang binata baka magpunta magisa ang madre sa bayan.

"Madre, matulog na muna po kayo. Pupuntahan naman natin siya sa bayan mamaya." pagpapakalma sa sitwasyong nangyayari sa madre.

"Pasensya ka na, Branz. Naputol ko ang pagtulog mo, hindi ko lang mawari kung anong kalagayan ngayon ni Via." pagpaumanhin ni madre sa binata, napatango na lang si Branz at natulog na sa haba ng kanyang pagbabantay sa madre.

VIA'S POV

Lumipas ang isang gabi na nakatira ako sa bahay ng una kong naging kaibigan sa buong buhay ko.

Alam kong mali ang pagalis ng walang paalam ngunit hindi namin mahahanap ang sagot kung palagi kaming magkakasama sa paglalakbay.

"Ayokong mapahamak sa paghahanap ang mga bata, hindi ko kaya na maulit na masaktan sila dahil sa akin." naisaad ko na lamang ng mapabangon ako at sumilip sa bintana.

Umaga na at sumisikat na rin ang araw, gusto kong malaman muna ang buong lugar bago maghanap ng kasagutan ng magisa.

"Vicky, gising bilis. Samahan mo na naman ako dito sa bayan niyo, nais Kong malakbay ang kabuoan nito." salaysay ko sa natutulog kong kaibigan.

Ang panget niya palang matulog, nakanganga't nakabukaka ang mga hita kung matulog ang dalagang ito.

"Mamaya na, maaga pa masyado." naaantok pang saad sa akin ni Vicky ng hindi manlang iminumulata ang mga paningin.

"Vicky naman, wala na akong oras maghintay. Ayokong sayangin ang napakagandang panahon ngayon." pagmamaktol ko naman sa kanya.

Nakita ko namang napabagon siya, inayos na ang pagkakaipit ng kayang buhok na naging magulo dahil sa pagtulog.

Kinusot-kusot niya na muna ang mata bago naginat ng katawan, napabaling naman siya sa kinatatayuan ko.

"Sige, unang araw natin ito bilang magkaibigan kaya susulitin na natin." pagsasaad niya na may galak at naka okay sign.

Napakaswerte ko talaga sa kaibigan Kong ito, paano naman kaya walang nakikipagkaibigan dito?

Nagayos na kami, nagalmusal bago tuluyang umalis sa bahay. Syempre nagpaganda ako upang bumalik ang kumpletong mukha ko.

"Via, saan mo ba unang pumunta? ikaw naman nagaya kaya pagbibigyan kita." paliwanag niya, aba bakit ako.

Napailing naman ako ng ulo na dahilan para matawa siya, napakababaw naman ng kasiyahan niya.

"Wala akong alam dito Vicky, kaya nga nagpapasama ako sayo." saad ko sa kahihiyan sa dalagang kaharap ko.

Hinawakan niya naman ang kamay ko at hinila na niya ako palayo, hindi niya man lang sinabi kung saan pupunta.

Binigyan niya na lamang ako ng ngiti na siyang kasagutan na magiging masaya ang lahat ng gagawin namin ngayon.

"Te-teka lang, dahan-dahan baka hindi mabalanse sarili ko sa pagtakbo." pagrereklamo ko naman sa mabilis na pagtakbo niya hila-hila ako.

Face DrawWhere stories live. Discover now