RITCH'S POV
"Handa na ba akong lumabas sa lugar na ito." haysss, naibulalas ko na lang sa aking isipan. Nakahiga ako ngayon at nagiisip.
"Ano na kaya ang nasa labas ng lugar na ito? Ano kayang kahihinatnan ko pagkalabas ko?" mga katanungang naisalita ko kahit wala akong bibig.
"HALA!" napasigaw ako sa aking realisasyon. Papano pala ako lalabas eh ang mukha ko, pano?
"Hoy Ritch, bakit bigla ka na lang sumisigaw dyan? Ay, oo nga pala. Nakita mo na ba ang regalo ko saiyo sa harap ng salamin?" sunod-sunod na katanungan ni tita.
"Ah eh, hindi pa po tita." balik ko naman. Itong si tita naman binilhan pa ako ng regalo. Napakaswerte ko talaga sakanya.
" Ritch, gamitin mo yan bago ka lumabas sa lugar natin." dugtong niya. Nagtataka naman ako, ano kaya ito?
Hindi na ako sumagot pagkatapos ni titang magsalita. Bumangon na ako at lumapit sa harap ng aking salamin dito sa kwarto.
Binuksan ko ang munting regalo sakin ng aking tita. Nakabalot ito sa lampin at mukhang manipis at may kaliitan ito.
Namangha ako ng nasilayan ko na ang bagay na nasa loob ng regalo. Isang makeup na mukhang ancient ang design ng kabuuan.
Tila kakaiba ito. May napansin naman akong sulat sa loob ng regalo.
"Lagyan mo ang mukha mo niyan anak, meron narin diyan para sa kilay, sa mata at sa labi mo. Sana anak magustuhan mo." mga katagang nakasulat sa papel.
Tiningnan ko naman ang mga makeup na binili sakin ni tita. Ano kayang kakaiba dito. Matry na nga.
Umayos ako ng upo at kumuha ng brush para sa kilay. Idinikdik ko ito sa pulbos na pangkilay. Unti-unti ko ng nilalagyan at gumuguhit ng kurte ng kilay.
Tila namangha ako sa aking nasaksihan. Sa parteng ginuhitan ko ay may unti-unting lumalabas na mga buhok. Buhok na mistulang kilay. Sunod-sunod na tumutubo ang mga ito na sinusandan ang aking ginuhitan.
"To-totoo? kilay nga!" bulalas ko sa mangha. May kilay na ako, totoong kilay. Tila nawala ang pulbos na inilagay ko.
"TITAAAA..." sigaw ko. Kailangan niyang magpaliwag. OMG! This is magic.
Narinig ko namang mukhang dali-daling pumanhik si tita. Hala patay ako neto, sumigaw kasi ako.
"Oh, A-AYOS KA LANG BA?" hingal niyang saad sakin at tila tyinityek ang bawat parte ng katawan ko. Patay ako nito.
YOU ARE READING
Face Draw
RandomA girl with imperfections but nothing to criticise. She's not a monster nor whatever you think. We can call as disabilities but she has inside magic.