Chapter 26: Journey

2 1 0
                                    

BACK TO PRESENT

RITCH'S POV

Masaya kaming kumakain sa labas ng tahanan, mahangin at hindi maiinit ang paligid dahil sa yabong ng puong aming tinitirhan.

Napagusapan namin nila tita at Drane ang mga nangyari noong nakaraang araw. Maraming naganap ngunit naging ayos din ang lahat.

"Ah tita, nasaan na po pala yung aklat na natagpuan natin sa lumang bahay?" biglaang tanong ko ng maalala ko habang kumakain.

Nagtaka naman ang katabi kong si Drane, hindi ko pa kasi nasasabi sa kaniya na may aklat na isinulat ni ina ang lahat tungkol sa mga pagtuklas niya sa uri nila.

"Anak, naandon parin sa lumang bahay niyo. Hindi ko naman aakalain na kailangan mo kaya hindi ko na dinala pauwi." sagot ni tita sa katanungan ko.

Sabagay, tama naman siya. Kailangan kong balikan ang bagay na iyon dahil mahalaga ang libro sa buhay ko at sa buhay ng mga taong isinumpa noon.

"Drane, tapos ka na ba? kailangan mating pumunta sa dati naming tahanan." saad ko sa kanya, hindi naman siya nagsalita kundi binilisan ang pagkain.

Patay gutom naman itong mahal ko kahit hindi pa kami nagtatagal ay nagpakalooban na kami ng damdamin ni Drane.

"Tara?" pagtanong kong muli ng makitang umiinom na ito ng tubig, napangiti na lamang si tita sa asal ni Drane.

"Ikaw ba Ritch, hindi ka ba magaalmusal?" pagtatanong ni tita ng mapansing hindi ko ginagalaw ang pagkain sa hapag.

Ito namang si tita lahat na lang nakikita, nawalan na ako ng gana sa pagkain parang may humihila na ng mga paa ko papunta sa lumang bahay namin.

"Hindi na po tita, busog pa po ako at lalo na itong katabi ko. Diba Drane?" pangaalaska ko sa binatang ito.

Nagsitawanan naman kami dahil doon, nagayos na kami para sa pagalis patungo sa bahay ni inay.

Inihatid naman kami ni tita sa labasan ng barrier ng tinitirhan namin ngayon.

"Ritch magingat kayo dahil buhay pa ang kalaban niyo, ang taong pumatay sa ina mo." paalala ni tita sa aming pagalis.

Tama si tita Vicky, malaya pa ang taong kumitil sa napakabait kong ina. Napagpasyahan namin nila tita pakatapos ng pangyayare sa modernong lugar ay hayaan na lamang na mabuhay ang makasalanan.

Darating din ang panahon at ang oras na pagbabayaran niya ang lahat ng pagkakamali niya lalo na ang pagpatay sa mga kaawa-awang nilalang.

"Drane, ito ang dati naming tahanan ni ina. Tahanan na ngayon ay naabanduna na." saad ko sa aking mahal.

Face DrawWhere stories live. Discover now