VIA'S POV
Kabado kaming lahat sa aking ginawang plano para sa pagpunta sa bayan. Gusto ulit namin maranasan ang maging malaya sa buhay.
"Via, magiging ayos ba and lahat?" agarang tanong ng aapak na ako palabas sa gubat.
"Oo, magiging ayos ang lahat. Alalahanin niyong huwag mabasa and mga mukha niyo upang hindi tayo mapahamak." pagpapaalala ko sa mga ito.
Nasilayan ko na ulit ang mga naggagandahang mukha at naggagwapohang binata sa aming grupo.
"Tara na." paguutos ko sa mga ito, nagsilabasan naman kami sa gubat. Ngayon, hindi na ako magiisip ng magiging reaksyon nila dahil kita ko na ulit ang ipinipinta ng mukha nila.
Narating namin ang parke ng bayan, parke na ngayon lang namin napuntahan at nasilayan dahil sa hinaharang kami ng mga tao sa bayan bago makatungo rito.
"Madre, ang ganda pala po dito sa parke ng bayan. Ang daming taong namimili at nagtitinda." saad ng kambal sa mangha at saya.
Napansin ko naman ang mga mata ng kasamahan ko, tila may namumuong patak ng luha mula sa paningin nila.
"Huwag na huwag kayong iiyak, alam ko naguumpaw ang saya niyo ngunit hindi maaaring mabuko tayo." saad ko na kanilang ikinatigil sa kanilang munting pagdadrama.
"Pasensya na po..." sabayang bigkas ng mga ito, ngumiti naman ako na nagsasabing ayos lang.
Nais ko lang na masulit namin ang araw na ito, araw na malaya kami sa lahat ng poot na meron kami noon.
Alam kong pansamantala lang ito ngunit napawi rin ang nadarama naming pighati mula sa pagkakasumpa at ngayon na hindi namin alam ang kasagutan sa aming mga katanungan.
Third Person
Masang namasyal ang mga grupo ng mga walang mukha, mistulang bumabalik sila sa pagkabata dahil sa paglalaro sa isang pambatang palaruan.
Namili sila ng makakain at ng mga damit na kanilang magustuhan, puro tawanan at hagikhik sa tuwa ang inyong maririnig mula sa kanila.
"Ngayon lang natin nagastos ang mga perang meron tayo noong normal pa ang lahat sa simbahan." pagsasaad no madre sa kanila.
Nagyon lang nila nararanasan ang mga bagay na ito, pinagtitinginan naman sila ng mga tao sa parke.
Iniisip ng mga tao na unang beses lang ang grupo ni Via na nakapunta sa parke ngunit totoo naman talaga ang mga nasa isip ng mga tao sa paligid.
"Madre, pinagtitinginan tayo." pagpapansin ni Tune sa paligid, inikot naman ng mga kasamahan nito ang paligid.
"Oo nga, hayaan mo at magpapahinga na muna tayo." paguutos ni madre at naupo sila sa mga bangko sa parke.
VIA'S POV
Tahimik ang lahat at nagpapahinga kami sa pagod na aming nadarama. Ang gaan lang sa pakiramdam dahil nakapaglaro sila ng walang kaba sa dibdib.
"Ang saya natin ngayon Via." saad ni Sailves ng nakangiti at tumingin sa akin, nakita ko kung gaano siya kagalak sa mga pangyayari.
"Pansin ko nga, pero mamayang paguwi natin malungkot na naman ang lahat." pagsabi ko naman sa kanya, huminga naman siya ng malamin at tumingin sa kalangitan.
YOU ARE READING
Face Draw
RandomA girl with imperfections but nothing to criticise. She's not a monster nor whatever you think. We can call as disabilities but she has inside magic.