DRANE'S POV
Tangkang tatakbo si desert palayo sa harapan ko kayat hinablot ko ang balabal sa kanyang mukha.
Hindi ko naman sinasadya na mapapalakas ang paghila ko sa bagay na nakapulupot sakanya.
Nakita kong nadamay ang suot nitong sunglass. Patay, siguradong magagalit ito sakin.
Ako'y nagulat sa aking nasilayan, napakaganda pala ni desert.
"Isa siyang dyosa, ah hindi mas higit pa doon." mga pananalita ng isipan ko, tila pati ito ay nabighana sa gandang taglay ng dalaga.
Kulay ng kanyang buhok na kahawig na ng dagat, mga matang abo na tila naglalahad ng kanyang nadanas sa buhay.
"Baby! nandyan ka lang pala." saad nung babaeng walang pagod sa pagiging patay sa akin.
Dahil dito nabalik ako sa realidad, asan na ang dalaga. Ganon ba ang tama niya sa akin kung kaya ay lumutang ang isipan ko ng masilayan ko ang mukha niya.
Dali-dali naman akong kumilos. Heto na naman ako, tatakbo na naman po.
RITCH'S POV
Patungo na ako sa prutasan, tila may usap-usapan sila na mukhang ang tinutukoy ay ang lalakeng nakabungguan ko kanina.
"Mare, kailan ba titigilan ng anak mo yung umbrella boy na taga bayan ng Bhu-Go?" katanungan ng isang ale sa ina ata ng matabang humahabol sa binata.
"Bakit umbrella boy?" katanungan ng isipan ko. Ah tama nga, hindi ko napansin. Mayroon pala siyang dalang payong kanina.
"Ewan ko mare, patay na patay ba naman ang anak ko dun. Nawiwirduhan nga ako sa binatang iyon." saad ng ina ng babaeng naghabol kanina.
"Umulan man o umaraw palaging may dalang payong iyon. Parang bakla kung umasta kumare." dugtong niya pa at sila'y nagtawanan ng kaniyang kausap.
Nadidingig ko parin silang naguusap kahit nakalagpasan na ako sa kanila.
"Ang daldal pala ng mga tao dito." saad ko na nasa mahinang tono. Alam niyo na baka mapaaway ako.
Naandito na ako sa harap ng bilihan mismo ng ubas. Napakadami, mukhang sariwa pa at masarap ang mga ito.
"Ale, pabili po ng ubas. Magkano po itong nasa supot?" pagtatanong ko sa ale, tiningnan lang ako nito at tila nagtataka sa itsura ko.
"Ale, magkano po?" paguulit ko, marami palang nakakairitang tao dito. Nagkamali akong lumabas sa lungga ko.
"Ah' dalawang daan ineng. Taga dito ka ba ineng? mukhang ngayon lang kita nakita." pagsasalita ng ale sakin.
YOU ARE READING
Face Draw
RandomA girl with imperfections but nothing to criticise. She's not a monster nor whatever you think. We can call as disabilities but she has inside magic.